04

32 8 5
                                        

I felt his lips move, I close my eyes but still I don't know what to do. Para lang ako naistatwa sa kinatatayuan ko.

Nung naramadaman kong inalayo niya na ang labi niya, binuksan ko na ang mata ko. Sobrang lapit niya parin sakin, he's looking so damn serious at me.

"Move your lips." He demand.

Hahalikan niya sana ako ulit kaso inilihis ko ang mukha ko sabay tulak sakanya. Lumabas na ako ng walk in closet niya at umupo ako sa gilid ng kama. Napahawak nalang ako sa sarili kong labi, bakit niya akong hinalikan?

Narinig ko ang yapak niya kaya napaayos ako ng sarili. Inilagay ko ang isang unan sa gitna ng kama at staka nahiga sa left side. I heard him chuckle, "Bakit mo nilagyan ng unan sa gitna?"

Inalis niya ang unan staka humiga sa tabi ko. "Hey, put it back!" sabi ko habang inaagaw sakanya ang unan, tinaas niya pa yon. Sa sobrang tangkad niya hindi ko maabot. "Akin na kasi yan!" sabi ko habang inaabot ko parin ang unan.

Nakangiti lang siya at tuwang tuwa na inaasar ako. Tumayo pa siya sa kama kaya mas lalo akong nahirapan, tumayo na din ako kaso biglang niya akong hinila sa bewang sabay bagsak namin sa kama.

Nasa taas niya tuloy ako tapos sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa! Agad akong umalis sa ibabaw niya at kinuha ang unan sabay palo sakanya. "Ang manyak mo!" Inis na sabi ko.

Hindi ko siya tinigilan sa pagpalo ng unan, tapos siya tawa lang ng tawa na parang di nasasaktan. Tumigil nalang ako dahil ang galing niya mang-asar!

Bumalik ako sa pagkakahiga, niyakap ko ang unan at tinalikuran siya. "Ako manyak? Ano bang ginawa ko sayo?" narinig ko sabi niya.

"Just shut up! I need to sleep, may trabaho pa ako bukas." Sabi ko sakanya habang nakatakip ang mukha ko ng comforter.

Naramdaman ko siyang tumayo sa kama at pinatay ang ilaw. "Okay then goodnight." Rinig kong sabi niya sabay tabi sakin, good thing wala siyang ginawang iba. Madali lang akong nakatulog dahil inaantok na din ako.

Nagising ako ng dahil sa alarm ng cellphone ko. Tatayo na dapat ako para patayin yon kaso di ako makaalis kasi nakayakap sakin si Vincent!

Nakaharap ako sa dibdib niya habang nakayakap siya sakin, tangina niyakap ko din ba siya? Siya ba yung niyayakap ko na akala ko unan? Potangina.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sakin, buti naman at hindi siya nagising. Kinuha ko ang cellphone kong kanina pa nag-iingay, really hindi siya nagigising sa alarm? Pinatay ko na yon, 6:30 palang ng umaga. Kailangan ko nang umuwi, pumunta na ako sa CR para maghilamos.

Lumabas din ako agad dahil naiwan ko sa mini couch ang paper bag, andon kasi ang binili niya saakin na damit. Papasok na sana ako ulit sa bathroom ng marinig ko siyang nagsalita.

"Uuwi ka na ba?" Inaantok niyang sabi habang bumabangon siya.

"Oo may trabaho pa ako atsaka baka hanapin na ako nila mama." Kinukusot niya ang mata niya nang tignan niya ako.

"Stay here, sabay tayo magbreakfast ako nalang maghatid sayo sa work place mo."

Agad akong umiling sakaniya, "I need to go home first, magagalit saakin si mama! And alas otso ang pasok ko, bawal ako malate papagalitan ako ng boss ko." paliwanag ko sakanya.

"Magpaalam kana kay tita. Maligo ka na, magluluto na ako ng breakfast natin." Hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na siya ng kwarto.

Naligo nalang ako gaya ng sabi niya, sinuot ko ang binili niyang damit na fitted skirt at longsleeve, sa office nalang ako magpapalit ng sapatos since may naiwan naman akong heels doon.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon