06

35 7 6
                                        

"Anak una na kami baka dumating na ang papa mo at hanapin kami." Paalam sakin ni mama nang matapos siyang magpaalam sa mga kaibigan ko at kay Vincent.

"Mama sama na kaya ako sainyo umuwi, nakakahiya na kay Vincent." Bulong lang na sabi ko kay mama.

"Dito ka muna anak, si Vincent naman nagsabi e." Napabuntong hininga nalang at tumango. "Oh siya mauna na kami nina Richard at Dianna."

"Bye Ate! Happy Birthday ulit!" Sabi ni Chard sakin tapos niyakap ako. He is only 8 years old and a very sweet boy. Niyakap din ako ni Dianna.

"Happy Birthday ulit anak." Nakangiting sabi ni mama sakin sabay sali din saming magkakapatid.

"Thank you mama, and Richard. Kayong dalawa huwag papainitin ang ulo ni mama, be a good boy and good girl, okay? Uuwi din ako agad." Sabi ko sakanila nang bumitaw kami sa yakap.

"Opo ate," sabay na sabi ng mga kapatid ko kaya nginitian ko sila.

"Tita hatid ko na po kayo." Napalingon kami kay Vincent na nagsalita. Agad na umiling si Mama.

"Huwag na anak, magtaxi nalang kami ng mga bata. Mag-enjoy nalang kayo dito." Nakangiting sabi ni mama.

"Ma hatid nalang namin kayo hanggang makasakay kayo." Sabi ko nalang, mahirap pilitin si mama sa gusto niya.

"Oh sige tara na." Lumabas na kami ng unit ni Vincent at hinatid sina mama. Hinintay lang namin ni Vincent makasakay sila mama bago bumalik sa unit niya.

Naabutan naming dalawa ang mga kaibigan ko na umiinom na at nagkaka-karaoke na din. Napailing nalang ako dahil alam kong ito talaga pinunta nila dito. Nang makita kami ni Rachel agad niya kaming inabutan ng baso na may lamang alak.

Kinuha ko nalang iyon kahit hindi ko alam kung anong alak yon, ganon din si Vincent. "Happy Birthday Audrey Mae!!! Cheers for our Birthday celebrate." Malakas na sabi ni Rachel. Napailing nalang ako at sinabayan sila sa trip nila.

Sasabunutan ko sana si Rachel dahil hard drink ang binigay sakin kaso nakailag siya. Putang ina Vodka pinainom sakin tapos halos inomin ko lahat!

Tawang tawa siya ginawa niya atsaka kinuha kay Kyra ang mic habang kumakanta ito. "Ohh juskoo ano ba naman itooo, diba tangina!!!" walang tono na kanta nito.

"Hoy gago, ampanget ng boses mo Rachel balik mo na yang mic kay Kyra!" Pangaasar ni Zeri habang magkayakap sila ni Drake.

Rachel just laugh and show her middle finger in front of Zeri. Natawa lang si Kyra at kinuha pa ang isang mic para sabayan si Rachel. Umupo nalang ako sa sofa at pinanood sila sa kabaliwan nila.

"You don't want to drink?" Medyo malakas na sabi ni Vincent sakin dahil maingay ang paligid. Umiling ako, ayoko malasing baka kung ano nanaman masabi ko kapag nalasing nanaman ako.

"Ang KJ mo naman Audrey, inom ka naman, birthday mo e!" Sapaw ni Zeri nang marinig niya ang sinabi ni Vincent. Hindi ko nalang siya pinansin dahil alam kong pipilitin lang nila ako.

Binibigyan nila ako ng alak pero si Vincent lang lahat sumasalo, naaawa na nga ako kasi namumula na siya. Lasing na ba siya?

Ang mga kaibigan ko ay lasing na. Rachel is still singing even though mali-mali na ang tono at lyrics niya. Kyra is laughing really hard because of Rachel. Zeri is half asleep, niyaya na siya ni Drake sa guestroom para matulog na siya kaso umaayaw ito. Kapag binubuhat naman ito ay nagagalit sabay iinom kahit halos wala nang pumasok sa bibig niya kaya basa na ang damit niya.

Napailing nalang ako sakanila at tinignan si Vincent na nakasandal sa sofa at nakatingin sakin. Namumula na talaga siya dahil sa alak, "Do you want to sleep? Hatid na kita sa kwarto mo." Sabi ko dito.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon