Aalis na sana ako doon kaso niyakap ako niya ako sa likuran. "D-dito ka muna love...kahit isang gabi na lang, gagawin ko na ang gusto mo. Hindi man ko alam ang dahilan kung bakit ginagawa mo ito saakin pero para sayo Audrey." Bulong niya saakin, naramdaman ko pa ang mga luha niyang tumutulo sa balikat ko, naluha nanaman tuloy ako.
"Alam kong mahal mo pa ako, baka magbago isip mo. Hindi na ako aalis...ako ang tatayong ama sa pinagbubuntis mo." Pinunasan ko ang luha ko at kinalas ang yakap niya saakin.
"Kumain kana ba? Anong gusto mong kainin?" Sabi ko sakaniya ng hindi siya tinitignan at hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Papayag nalang ako sa gusto niya, gusto ko din siya makasama kahit sa huling pagkakataon...
"Dito ka nalang, ako magluluto. Marunong na ako magluto ng paborito mong ulam." Sabi niya sabay labas ng kwarto niya.
Umupo naman ako sa kama niya at hinawakan ang tiyan ko, umiiyak nanaman ako. "Tama na ang pag-iyak Audrey, you already made a decision right?" pakikipagusap ko sa sarili ko habang hinahaplos ang tiyan ko.
Tumayo na ako pumunta sa study table niya, kumuha ako ng papel at ballpen. Gagawa ako ng sulat para sakaniya. After kong gumawa ay tinago ko muna iyon sa bulsa ko atsaka na ako bumaba papunta sa kusina.
Mukhang tapos naman na siyang magluto dahil nag-aayos na siya ng mesa. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay napatingin siya sa gawi ko, nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Parehas pa ding namumula ang mata namin. "K-kain na..." aniya sabay lagay sa mesa ng gatas na tinimpla niya.
Umupo naman na ako sa dining table, kaya nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain, wala ni isa ang may balak mag-salita saamin. Masarap naman ang pagkakaluto niya ng Adobong manok, hindi ko lang masabi sakaniya. Ewan ko ba hindi ko maibuka ang bibig ko, natatakot ako sa mga pwede kong masabi baka bigla ko nalang bawian ang lahat ng mga pinagsasabi ko kanina.
Nang matapos kaming kumain ay pinaakyat ko na siya sa kwarto niya at sinabi kong ako na ang bahala mag-ayos dito sa kusina, tumango lang naman siya saakin at umalis na.
Bago ako magsimulang maglinis ay uminom muna ako ng vitamins at yung gatas na tinimpla niya saakin, "Pinagtimpla tayo ng gatas ni Daddy, baby." Sabi ko sa sarili ko habang hinahaplos ko ito, tumulo nanaman tuloy luha ko dahil naisip ko na this will be the first and last time na matitimplahan kami ng gatas ni Vincent. Agad kong pinunasan iyon bago naglinis.
Pagkabalik ko sa kwarto niya ay nag-iimpake na siya, lumapit naman ako sakaniya at tinulungan siya. Nakakatuwang isipin na, tinutulungan ko pa siyang iimpake ang mga gamit niya na parang walang nangyari kanina. Hindi naman niya ako pinigilan kaya nagpatuloy lang ako.
Lumabas siya ng walk-in-closet niya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na iipit ang sulat ko sa maleta niya, nang makabalik siya ay dala dala niya ang hygiene kit niya. "Baka mabasa ang mga damit ko, sa kakaiyak mo diyan Audrey..." Napahawak ako sa mukha ko nang marinig ko ang sinasabi niya, hindi ko namalayan na umiiyak nanaman ako. "Matulog kana, ako na ang bahala dito."
Tumayo na ako at umalis na doon. Ano ba yan Audrey! Ikaw ang nagpipilit sakaniya na umalis na ng bansa tapos ikaw itong iiyak nang iyak! Humiga nalang ako sa kama niya at sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Alas singko ng umaga ng magising ako, madilim pa nga ang langit. Nakayakap siya saakin at nakaharap kami sa isa't isa, naluha nanaman ako. Parang ayoko na siyang paalisin, pwede bang ganito na lang kami habang buhay? Natawa nalang ako ng maisip ko na sana hindi nalang ako nagising at forever nalang kaming magkayakap. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag gumawa ng ingay habang umiiyak ako, hinawakan ko ang mukha niya.
"I'm sorry Vincent...alam kong makakalimutan mo din ako. I love you so much." Mahinang sabi ko sabay halik sa noo niya atsaka na ako umalis. Nakita kong nakahanda na ang mga gamit niya, hindi ko alam kung kailan ang alis niya.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romance⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
