15

25 6 0
                                        


"Audrey!" Zeri was surprised when she saw me, napatingin pa siya sa maletang dala ko. "What happened? Are you okay?" Nagaalalang tanong niya sakin.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay niyakap ko siya at umiyak nanaman. "Shhh, stop crying Audrey...It's bad for the baby." She said atsaka inalis na ang pagkakayakap saakin. Pinapasok niya na ako sa loob ng condo niya at pinaupo sa sofa. Siya na ang nagdala ng maleta ko papasok ng unit niya.

Hindi padin ako tumigil sa kakaluha, hindi ko mapigilan kundi ang maiyak. Alam ko naman na ganito ang mangyayari, inaasahan ko na ito pero nasasaktan pa din ako. Gustong gusto kong puntahan si Vincent at sabihing huwag na siyang umalis kaso hindi na pwede...

"Here drink water," Napatingin ako kay Zeri nang makabalik siya galing kusina. Kinuha ko ang glass of water na inaabot niya sabay inom. Para akong uhaw na uhaw dahil naubos ko ang laman ng baso, agad ko naman itong inilapag sa glass table na nasa harapan ko.

Pinilit kong huminahon, ayoko ng umiyak, parang hindi ata ako nauubusan ng luha. Hindi nagsasalita si Zeri sa tabi ko, mukhang hinihintay akong magsalita.

"Zeri..." napatingin naman siya saakin nang tawagin ko siya ngunit ang titig ko ay nanatili sa sahig, huminga ako nang malalim bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Kakapalan ko na ang mukha ko, ikaw nalang ang matatakbuhan ko..." Tumulo nanaman ang luha ko.

Ano bayan Audrey Mae! Can you please stop crying? Just for your baby...

Wala na talaga akong mapupuntahan, si Zeri nalang ang alam kong matutulungan ako. Sobrang nakakahiya pero kinain ko na ang pride ko, hindi naman para sakin ito para sa anak ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tignan siya. "P-pwede ba dito muna ako tumira? Kahit hanggang manganak lang ako. Ako na ang bahala sa mga gawaing bahay, at kapag kaya na kitang bayaran...babayaran ki—"

"Of course Audrey! You can stay here, kahit hanggang kailan pa. You don't need to pay or do anything." Nakangiting sabi ni Zeri saakin. Umiling naman ako sakaniya, at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"I'll do anything Zeri...nakakahiya naman kung nandito ako tapos wala akong gagawin para bayaran ang pagpapatira mo saakin."

"Fine, but for now huwag muna. Kailangan nating isipin ang batang nasa sinapupunan mo."

Tumango nalang ako at nginitian siya, "Maraming Salamat Zeri..."

"Anything Aud..." Nginitian niya ako pabalik. "If you can kwento na about what happened, I'm always here to listen." Dagdag pa niya.

Napabuntong hinihinga ako at nagsimulang magkwento, pinigilan niya pa nga ako dahil baka daw umiyak nanaman ako. Pero nagpatuloy ako, nakakahiya naman kung hindi niya alam tapos makikitira ako dito sakaniya. Tama nga siya, hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko at naiyak ako habang nagkukwento.

"Napaka sama naman ni Tito Rich!" She's talking about my dad. "Hindi man lang niya inisip ang magiging apo niya!"

"Hayaan mo na Zeri, naiintindihan ko naman si papa." Mahinang sabi ko pero sapat na para maintindihan niya.

"Bakit ka naman kasi nakipaghiwalay kay Vincent! Kawawa ang anak mo Audrey Mae, paglaki niyan ay maghahanap yan ng daddy niya. Anong sasabihin mo?"

"Hindi ko alam...bahala na Zeri. Atsaka kawawa naman ang tatay ni Vincent may sakit, kailangan niya makakasama sa Korea para mag-alaga sakaniya." I said at iniwasan siya ng tingin.

"Ikaw ba Audrey, hindi kawawa? Yang anak mo ha? Hay nako kang babae ka, napakaselfless mo." Napakagat ako sa labi ko sa sinabi niya, pinapagalitan niya na ako ngayon. Kahit sino naman ay magagalit sa katangahang ginawa ko, hindi ko siya masisi.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon