"W-what?" Gulat na may kasamang pagtataka na tanong ko sakaniya.
"Just kidding," he laughs again and starts to eat. "Para ka ng kamatis sa pamumula ng pisngi mo." He added.
Napahawak tuloy ako sa pisngi ko, kinuha ko pa ang cellphone ko para i-check kung namumula ba talaga at namumula nga!
"Excuse me, sir. Comfort room lang." Nakakahiya jusko!
Tumango lang naman siya kaya tumayo na ako para sa labas ng office niya mag-CR. I was about to open the door when he--"Huwag ka nang lumabas dito kana sa restroom ko."
Napabuntong hininga nalang ako at agad na pumunta sa restroom niya dito sa may office niya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napahawak ako sa may dibdib ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
Saan ba ako nakahugot ng lakas ng loob para itanong sakaniya na si Mirae ang asawa niya?!
Oh my god Audrey! Nakakahiya ka!
Aba malay ko ba hindi niya asawa yon! Hindi ako chismosa pero may tenga ako, naririnig ko kasi palagi sa mga employee yon tuwing kinikilig sila sa kagwapohan ni Vincent!
Akala niya pa tuloy nagseselos ako! Bakit naman ako magseselos? Nagtanong lang ako!
Naghilamos ako ng mukha na parang sa pamamagitan nito mawawala ang pamumula ng pisngi ko.
Basang basa ang mukha ko nang tumingin ako muli sa salamin. Wala na ata akong mukhang ihaharap sa mukha niya!
Siya lang yung naging boss ko na malandi!
Well, he is my ex-boyfriend...pero ex na nga e! Ibigsabihin tapos na pero bakit ganon siya?! O ganoon talaga siya sa mga nakakasalamuha niya?
Ito naman ako parang teenager kung kiligin sa simpleng ganoon lang! 31 years old kana Audrey Mae at may anak kana wag feeling 16 years old.
Kumuha ako ng tissue at ito ang pinangpunas ko sa mukha ko. Nawala ang ibang make-up ko dahil sa paghilamos ko kaya nag-ayos na ako ulit.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalagay ng kolorete sa mukha ko nang magring ang cellphone ko. Rachel is calling kaya agad akong sinagot.
[Audrey, my maid just called at sinabing papunta silang hospital para dalhin si Azi! Hinimatay daw at inaapoy ng lagnat an--]
"Papunta na ako!" I ended the call at agad lumabas ng CR na walang paki sa itsura ko kung mukha ba akong tanga dahil di pa ako tapos sa pag-aayos!
"Mr. Herrera I'm sorry but I need to go, emergency po." Nagmamadaling sabi ko at agad na lumabas ng office niya.
Rinig na rinig ang pagmamadaling lakad ko dahil sa heels na suot ko kaya napapatingin sakin ang mga employee. Dumeretso ako agad sa elevator pero nasa ground floor pa ito at nasa 18th floor pa ako!
"Fuck," bulong ko sa sarili ko, out of frustration.
Okay naman si Azi nung iniwan ko! Ang sigla niya pa, wala nga siyang sinat!
Nahawa ba siya saakin? Nung may sinat nalang ako ay sa tabi ko na siya pinatulog dahil nagwawala na siya kasi gusto niya na daw ako katabi!
"Ms. Diaz, come here dito kana sumakay." Napatingin ako kay Vincent na may pinipindot sa elevator na siya lang pwede sumakay, exclusive only for executives.
Agad itong bumukas at pumasok doon si Vincent. Prente siyang nakatayo at mukhang hinihintay ako. Napalingon ako sa paligid at nakatingin saamin ang lahat ng employee, mukhang nagtataka sa nangyayari.
Kinain ko na lahat ng kahihiyan at ang pagiisip sa kung ano mang pwedeng sabihin nila dahil mga chismosa sila. Pumasok na ko sa elevator kaya agad na pinindot ni Vincent ang Parking lot floor.
![](https://img.wattpad.com/cover/240741693-288-k44175.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romansa⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...