16

35 6 0
                                        

VINCENT

[You're looking for a girlfriend, right?] bungad ni Drake saakin nang sagutin ko ang tawag niya.

"What?" Naguguluhang tanong ko, hating gabi tapos tumawag. Akala ko pa naman kung anong importante kaya nanggugulo siya ng ganitong oras.

Hindi pa naman ako natutulog pero may tinatapos pa akong trabaho, masyado siyang sagabal.

"I'm not looking for a girlfriend Drake, why?" I seriously asked him.

[You know Zeri right?]

"Gago, girlfriend mo yon tas irereto mo sakin?"

[Tanga, yung bestfriend niya]

"Oh ano meron sa bestfriend niya? Crush ako?" Walang kwentang sabi ko. Hindi naman ako naghahanap ng girlfriend, I'm busy with my life to have a girlfriend.

[Blind date kayo] napataas ang kilay ko, mukha ba akong uhaw sa babae para makipag blind date?

"No thanks. Alam mo namang busy ako."

[Nasabi ko na sakaniya, pumayag naman. Meet daw kayo bukas, dinner. Okay goodnight.] And then the call ended.

What the fuck?

Wala din akong nagawa kundi magpa-reserve nalang ng table sa isang fancy restaurant. Simula pa kaninang umagang pagkagising ko ay kinukulit na ako ni Drake! He even gave the cellphone number of the girl!

Na-traffic pa ako kaya na-late ako, galing pa ako sa trabaho. O sadyang napilitan lang talaga ako dito kaya mas pinili kong magpa-late. Ang kulit naman kasi ng pinsan ko.

Nang makapasok ako, sinalubong ako ng isag waitress at sinabi kong nagpareserve na ako. Sinamahan niya naman ako sa table na naka-reserve saamin. Nakita kong may babae nang nakaupo doon, nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang itsura niya.

"Hey, you are Audrey right?" I said before sitting down. Sinabi na sakin ni Drake ang pangalan niya, kanina lang.

Napaangat siya nang tingin saakin kaya nakita ko ang mukha niya. Parehas nanlaki ang mata namin sa gulat nang makita namin ang isa't isa.

"Alexa?!"

"Kalix?!"

Siya si Alexa, the last girl that I love. Naaalala ko pa ang mukha niya, halos walang nagbago, mas nagmukha lang siyang matured...

Her almond eyes, almost perfect nose, soft angled eyebrow, and pinkish heart-shaped lips, napakaganda niyang tignan. Kung titignan mo ay para siyang anghel na ibinaba ng diyos galing langit.

"Ikaw si Vincent na pinsan ni Drake?" She asked, her soft voice is still the same.

"Yeah, You are Audrey?" Damn Vincent, of course, she is!

"I am, I have to go." Kinuha niya ang bag at nagakmang umalis na pero hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapahinto niya.

She look at me, kitang kita ko ang galit sa mata niya. I remembered what I did to her. "Let go," matilim niyang sabi.

Hindi ko binitawan. "Kakakita lang natin, aalis ka agad?" I tried to act normal.

"Is there enough reason why should I stay? Bakit ikaw iniwan mo din naman ako diba? You left without saying goodbye, just be thankful na nagpaalam pa akong umalis. Hindi kagaya mo." Nagulat ako sa sinabi niya kaya nabitawan ko na ang braso niya. What? Hindi pa ba siya nakaka-move on? Galit pa siya?

Sino bang hindi magagalit kapag iniwan ka nalang ng walang paalam? Kapag ginagawa din naman saakin yon ay magagalit din ako.

Akala ko hindi na ako kikitain ulit ni Audrey, but thank god she did! Naluha pa ako kakahintay, halos hindi pa ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung paano ko ipapaliwanag sakaniya ang lahat.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon