"Daddy dito na po kami titira ni mommy?" Tanong ni Azriel kay Vincent nang makapasok kami sa Condominium nito.
"Yes Azriel," nakangiting sagot ni Vincent sa anak niya.
Inilibot ni Azi ang tingin niya sa loob ng living room. Kumawala ito sa pagkakahawak ko sakaniya at agad na umupo sa sofa.
"Mommy said may kwarto na ako dito, is that true daddy?" May halong lungkot sa boses niya.
Lumaki si Azriel na ako ang palagi niyang katabi sa pagtulog, kaya hindi ako sigurado kung kakayanin niyang matulog mag-isa.
Dahil sa kagustuhan ni Vincent na lumipat na kami dito, ay agad niya ding pinakuha ang mga gamit namin kila Rachel. Kaya heto kami ngayon.
Nalungkot si Rachel ng malaman niyang magiging mag-isa nanaman siya sa mansion niya, kahit na halos wala naman siya doon.
Lumapit si Vincent sa anak niya, "Bakit ayaw mo ba non, anak?" Umiling naman si Azi.
Napangiti ako nang tawagin niyang anak si Azriel. Nakakataba ng puso dahil tinanggap niya ng maayos si Azriel.
Hindi man lang siya nagdalawang isip kung anak niya ba talaga itong si Azriel. They're look alike kaya para saan pang hindi niya ako paniwalaan na hindi niya ito anak. Kahit magpa-DNA test pa sila hindi ako natatakot.
Mabilis niya lang din ako napatawad sa kabila ng mga nagawa ko sakaniya noon. This man has a really good heart, hindi lang pagpapa-pogi ang alam.
Tita Vanessa and Tito Paul raised him well. Sana maging ganon din kami sa magiging anak namin.
Lumapit na din ako sakanila, "Mommy, hindi na ba ako pwedeng tumabi sayo?"
"Pwedeng pwede padin Azriel, pero diba big boy kana?" Tumango siya, "dapat matuto ka nang matulog ng mag-isa."
Ngumuso lang siya at tumango nalang saakin. Azriel is a type of child na makikipag-away pa sa parents bago masunod ang gusto niya. She always listen to me.
"Azriel gusto mo na ba ng kapatid?"
Pinalo ko si Vincent dahil sa tanong niya, "Yes daddy!"
"Boy or girl?" Pagpapatuloy ni Vincent kahit pinandidilatan ko na siya ng mata. He can't read the lines!
"Kahit ano po, pero mas gusto ko po boy para may playmate na po ako!" Masayang sabi naman ni Azriel.
"Pano ba yan mommy, gusto daw ni Azi ng baby—"
"Tigilan mo ko Vincent, magsimula na tayong mag-ayos ng mga gamit para hindi makalat tignan ang condo mo." Pagpuputol ko sa sinabi niya.
Tinawanan niya naman ako at may binulong pa kay Azriel, pagkatapos non ay sabay silang humagikgik. Sasakit ata ang ulo sa dalawang ito, parehas makukulit.
Tumayo na ako at nagsimulang magbuhat ng box, hindi mabibigat kaya okay lang. "Love ako na bahala diyan, just cook for our dinner."
Kinuha niya saakin ang box na binuhat ko at binaba iyon. Niyakap niya sa bewang and he planted a kiss on my lips.
Napalingon tuloy ako kay Azriel. Thank God he is busy watching on Television!
Binuksan siguro ni Vincent para malibang si Azriel. Mautak na nilalang.
"Vincent, pagod na ako. Nakailan ka na ngayong araw." Bulong kong sabi atsaka siya tinulak.
Tinawanan niya lang ulit ako bago mag-akyat ng mga gamit sa itaas. Hindi naman ganon kadami ang gamit namin ni Azriel, karamihan mga damit lang kaya hindi niya na kailangan pa ng katulong.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romance⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
