VINCENT
"What a great news for today!" Lumapit si daddy saakin at tinapik ang likod ko. "What a wonderful decission Vincent, pack your things at bukas na bukas din ang alis natin."
"I have a meeting tomorrow with Mr. Mercado about sa—"
"Ow come on son, hindi na ikaw muli ang magpapatakbo ng kompaniya ng pamilya ng mommy mo. Sasama kana na saakin sa Korea for good." He said at bumalik na sa swivel chair niya.
Napakuyom ako ng kamay ko, nagpipigil ng inis.
I don't know if he did really change or ito talaga ang tunay niyang ugali. Gahaman. Sakim.
Lumabas nalang ako office niya dito sa bahay na tinutuluyan niya ngayong andito siya sa Pilipinas.
Wala din siyang nagawa kundi samahan ako kinabukasan. After this meeting ay aalis na ako ng bansa. Tuluyan ko nang iiwan si Audrey...tangina.
Kay Drake ko na iniwan ang kompaniya pansamantala dahil papalitan din siya ng kapatid niya after a year.
I have a meeting today with Mr. Mercado para malaman niya din na hindi ako magpapatakbo ng kompaniya namin at kay Drake niya na ituloy ang plan about sa mall na gusto niya ipatayo sa hotel and resort sa Palawan.
That's the reason why nag-out of town ako kasama siya dahil we need to check the land na tatayuan ng mall niya. Pero after pala noon ay iiwan na ako ni Audrey.
"Mr. Herrera..." Bungad saamin ni Mr. Mercado nang makapasok kami sa room na pinareserved dito sa restaurant for the meeting.
Napatingin ako sa babae na biglang napatayo at humarap saamin. Nagulat ako nang makita ko Audrey, anong ginagawa niya dito? Bakit siya nagtatatrabaho habang buntis siya?
Kita ko ang pagtingin niya saamin ni Dad bago tinignan ang hawak niya papeles. Kahit na nakamake-up siya ay kita ko padin ang pagod sa mukha niya. She actually look pale and tired pero bakit nagtatrabaho pa siya? Hindi ba alam ni Seth na buntis siya?
"G-good afternoon po Mr. Herrera's" Bati niya saamin, "Take your seat po..." dagdag niya pa sabay turo sa mga upuan. Tinitigan ko siya pero umiwas din siya ng tingin.
Makikita pa pala kita bago ako tuluyang umalis ng bansang ito.
Pinalabas na siya ng boss niya para makapag simula kami kaya lumabas na din siya.
Mabilis lang natapos ang usapan, "meeting adjourned,"
Nauna nang naglakad sa may pinto si Dad nang matapos ang meeting, "Bigla-bigla ka nalang aalis Vincent, paano na kayo ng secretary ko?"
Seth and I are close because of the field the ginagalawan namin. Alam niya din na girlfriend ko si Audrey kaya nagtaka siya.
"We just broke up," maingat na sabi ko.
Nakita ko ang gulat sa kaniya, "O-okay, sorry to open it up."
"It's okay, please take care of her. She's pregnant. Mauna na ako. See you when I see you again."
"Vincent what's taking you so long?" Narinig ko na ang boses ni dad kaya nginitian ko na si Seth bilang paalam na aalis na ako.
Tinanguan niya naman ako atska na kami ni lumabas ni dad ng kwarto na iyon.
Naabutan namin si Audrey na naghihintay saamin na matapos ang meeting. Nagpatuloy lang si dad sa paglalakad habang ako ay huminto sa harap ni Audrey.
Pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at pumasok na muli ng kwarto.
Napapikit ako, umigting ang panga ko at napakuyom sa kamao ko. Talagang desidido na siya, hindi niya na talaga ako mahal.
Tangina...Shit, ang sakit tanggapin. Ang hirap tanggapin. Ang hirap paniwalaan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romance⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
