"Lola! Lolo! Tignan niyo po ito oh!" Naunang bumaba ng sasakyan si Azriel para ipakita sa kaniyang mga grandparents ang hawak niyang long brown envelope.
Napangiti ako at sumunod sakaniya. Si Vincent ay kinuha ang mga gamit namin sa compartment. We are staying here sa bahay nila mama hanggang december 28 dahil under renovation ang condo ni Vincent.
Today is December 24 in the afternoon, mamaya na ang Christmas eve. Nagleave nadin kami ni Vincent sa trabaho hanggang December 25 for Christmas break.
December 28 ng gabi, we have a flight papuntang South Korea to celebrate New Year with his Dad. Nauna na kasi si Tito Paul sa Korea to celebrate the christmas kasama ang bago niyang pamilya.
"Ano ito apo?" Tanong ni mama nang kuhanin niya ang inaabot ni Azriel na envelope.
"Open it Lola!" Masiglang sagot ni Azi.
Nagtatakang binuksan naman ito ni mama. Nakisilip na din si papa. Lumapit na din si Vincent na tapos na maglabas ng mga gamit, tinulungan naman siya ni Richard kaya naging mabilis lang ang trabaho.
Inilabas ni mama ang nag-iisang papel sa loob ng envelope. Binasa nilang mabuti ang nandoon. Napatingin saamin ang magulang ko na may gulat sa mukha.
Nginitin ko sila at mukhang ganon din ang ginawa nina Vincent at Azriel. Si Richard ay nakitingin nadin sa Birth Certificate na hawak ni mama.
"Azriel Vann Diaz Herrera," pagbabasa ni Richard.
"Okay lang naman po diba Ma at Pa na pinapalitan ko na ang apelyido ni Azriel?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni Vincent sa pagtatanong niya kila papa.
Ngumiti naman si papa at tumango saamin habang si mama ay agad na niyakap si Vincent. Nagulat pa si Vincent sa ginawa ni mama pero agad din namang yumakap pabalik.
"Aba'y syempre naman Vincent!" Humiwalay si mama sa pagkakayap. "Masaya ako dahil ginawa mo yan! Akala ko ay maghihintay pa ako sa kasal niyo ni Audrey Mae bago mo ibahin ang apelyido ng apo ko!" Mahabang sabi ni mama.
Natawa lang kami ni Vincent sa reaksyon ni mama, habang si Azriel ay sobrang tuwang tuwa din sa nangyayari kahit wala pa siyang masyado naiintindihan sa nangyayari.
Mabilis lang na proseso ang papel ni Azriel at Vincent dahil madami namang kakilala si Vincent para makatulong sakaniya para bumilis ang proseso.
Pumasok na din kami sa loob ng bahay dahil malapit na din magdilim at hindi pa daw nakakapagluto si mama ng hapunan.
"Ma, hindi ba uuwi dito si Dianna ngayon?" Sabi ko kay mama habang naghihiwa ako ng ingredients para sa hapunan namin.
Nagpresenta na akong tumulong kay mama dahil magluluto din naman kami mamaya para sa handaan sa pagsalubong ng kaarawan ni Jesus.
Sina Vincent, Azriel at Papa ay naiwan sa sala. Si Richard ay nasa kaniyang kwarto, ganon naman talaga ang mga binata at dalaga sa panahon ngayon mas gustong nakatutok sa cellphone at magkulong lang sa kwarto.
"Ang sabi niya saakin ay hahabol daw siya," Sagot ni mama sabay tingin sa wall clock na andito sa kusina. "Maya-maya ay baka nandito na iyon." Tumango nalang ako bilang sagot.
Nang maluto ang ulam ay sabay-sabay na din kaming kumain. Nang matapos kumain ay pinatulog ko na si Azriel para gising siya mamayang alas dose.
Si Vincent naman ay kausap lang ni papa, nag-iinuman sila. Si Richard pinaghugas ng pinggan at binungangaan pa ni mama kasi puro nalang daw cellphone ang inaatupag nito.
Nang mapatulog ko si Azriel ay agad akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Dianna na kakarating lang at napakadaming dala na paperbag, kasama ang kaniyang maliit na maleta na palagi niyang kasama sa flight.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romance⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
