21

34 6 1
                                        

"Mabuti naman at hiniwalayan mo na ang anak ko,"

"Iyan lang ho ba ang gusto niyong sabihin kaya pinapunta niyo ako dito?"

Matapang na sabi ko sa harap ng daddy ni Vincent. Ano pa bang gusto niya at bakit ginugulo niya pa rin ako?

He sarcastically laugh at what I've said. "Hindi iha, maupo ka." Tinuro niya pa ang upuan.

"Hindi ko na po kailangan umupo, may trabaho pa ho ako. Kaya kung ano man po ang gusto niyong sabihin ay maari bang sabihin niyo na." Sabi ko habang nanatiling naka-tayo malayo sakaniya.

Nasa loob kami ng private room ng parehas na restaurant kung saan ako pinakilala ni Vincent sakaniya.

"Ano bang gusto niyong sabihin at gusto niyo nanaman akong makita?" dagdag ko.

May kinuha siyang sobre na sobrang kapal galing sa bag na dala niya. Inilapag niya ito sa lamesang nasa harap niya. "Take it, marunong akong tumupad sa usapan."

Napabuntong hininga ako at lumapit sakaniya. Nakita kong napangisi siya sa paglapit ko. Kinuha ko ang sobre at tinignan ang loob nito, puno ito ng mga tig-isang libong piso.

"500k, malaking tulong--"

"Hindi ko ho kailangan ng pera niyo," padabog kong ibinaba ito sa lamesa. "Hindi ko ho hiniwalayan ang anak niyo dahil gusto ko ng pera niyo. Ang sabi niyo ay may sakit kayo kaya pinaraya ko sainyo ang anak niyo at alam kong nangungulila rin sainyo si Vincent."

At kahit na magkaka-anak na kami.

"Bakit kulang pa ba sayo ang kalahating milyon? Kaya kong dagdagan pa yan ng kalahating milyon ulit para isang milyon na."

Napairap ako sa inis at nagbalak na umalis na doon.

"Aalis kana? Sigurado ka? Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sakaniya na iniwan mo siya ng dahil sa pera ng tatay niya."

Gusto kong sumabog sa galit dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon. Gusto ko siyang sigawan pero nakatatak padin sa isip ko na ama siya ng taong mahal ko kaya nirerespeto ko padin siya.

Humarap akong muli sakaniya, "Kahit isang bilyon pa yan Mr. Herrera, hindi ko tatanggapin ang pera mo." Madiin ang bawat pagkakasabi ko sa mga salita. "Mauna na ho ako."

Lalabas na sana ako ng pinto kaso nagsasalita nanaman siya na kinahinto ko. "Mangako ka muna saakin na hindi mo na muling guguluhin pa ang anak ko,"

Napadiin ang hawak ko sa door knob. Humugot ako muli ng isang malalim na buntong hininga bago ko siya hinarap muli. Nakatayo na siya ngayon sa kinauupuan niya at deretsong nakatitig saakin.

"Mangangako ako pero ikadena mo ang anak mo," Huling sabi ko bago lumabas sa kwarto na iyon.

"Audrey, ayos ka lang ba? Andito na tayo."

"Mommy are you okay?" Parang nabalik ako sa katinuan nang mahinang tampalin ni Azi ang pisngi ko.

Nakaupo na pala siya sa lap ko. Napatingin ako sa labas ng sasasakyan at nandito na kami sa mansion ni Rachel. Buong byahe akong nakatulala at iniisip ang huling pagkakataon na nakita at nakausap ko ang tatay ni Vincent.

"Yes baby, ayos lang si mommy. Halika na, baba na tayo" nakangiting sabi ko kay Azi.

Bumaba na rin ng kotse si Vincent. Sinalubong naman kami ng mga katulong ni Rachel para alalayan si Azriel.

"Manang paki pasok na po si Azi sa loob, sunod nalang po ako." Tumango naman saakin ang maid.

"Bye po tito Vincent!" Sabi ni Azi at lumapit pa kay Vincent para mayakap ang binti ng tatay niya.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon