VINCENT
"Ma, pa alam ko pong masyadong mabilis dahil ngayon lang po kami nagkaayos muli ni Audrey sa loob ng limang taon..." pagsisimula ko.
I'm with Audrey's parents right now. Bumisita ako sakanila ng hindi kasama ang mag-ina ko bago ang pasko. Ang alam ni Audrey ay may important meeting akong pupuntahan.
Well, this meeting is important. Super important.
"I'm planning to propose to Audrey before New years eve and I am here to asks for your permission." Tinignan ko na sila mata. Kanina pa kasi ako kinakabahan, baka kung anong sabihin nila saakin at hindi sila pumayag.
I respect them a lot and their permission is very important to me.
Alam ko ding mahal na mahal ni Audrey ang pamilya niya kaya mas pinilit kong magpaalam muna kila mama bago sakaniya.
Nakita ko ang gulat sa itsura ni mama, lumapit siya saakin at agad na niyakap ako. Si papa ay nakangiti lang saakin. Is this mean that they approve of it, right?
Kinalas ni mama ang yakap saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nakita kong lumuluha ang mata niya. Bakit siya umiiyak? Ayaw ba niya? Mali ba ako ng iniisip ko?
"Oo naman Vincent! Ayon na ata ang pinakamagandang balita ang narinig ko mula sayo!" Masayang sabi ni mama, pinunasan niya luhang kumawala na sa mata niya. "Tears of joy," she explained.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi mama. Bumalik na si mama sa tabi ni papa. Tinignan ko si papa, waiting for him to talk.
Ngumiti ulit si papa at tumango saakin, "Malalaki na kayo mga anak. Sa susunod na taon ay lalagpas na si Audrey sa kalendaryo at ikaw nga ay lagpas na," tumawa si papa.
Napakamot naman ako sa batok ko sa hiya, hindi ko naman mapagkaila iyon dahil tama naman si papa. "Kung sa panahon noon Vincent, late na kayo sa pagpapakasal dahil sa edad niyo ngayon." Natatawang sabi niya.
"Sa haba ba naman ng panahon na pinagdaanan niyo, wala na akong karapatan pa para umayaw sa plano niyo." Tumayo na si papa sa pagkakaupo at nilapitan ako.
Tinapik niya ang balikat ko, "Hindi biro ang pagpapakasal, pero sa tingin ko naman ay handa nadin kayo para buksan ang panibagong pahina ng inyong istorya."
And that's it, sobrang tuwang tuwa ako ng marining iyon galing sa magulang ni Audrey. Buong akala ko ay hindi sila papayag dahil masyado akong mabilis pero buti naman ay mas naging malawak nadin ang kanilang isipan tungkol sa relasyon namin ni Audrey, hindi katulad ng dati.
Before our flight to South Korea for a vacation, dumaan muna ako sa sementeryo para dalawin ang puntod ni mommy. Ako lang ulit mag-isa dahil Audrey is with her friends habang si Azriel ay nakila mama at papa.
Ibinaba ko ang dala kong bulaklak at sindihan ang kandila sa harap ng puntod ni mama. Hinawi ko ang mga bulok na dahon na nagtatakip sa pangalan nito.
"Mommy, I miss you so much." Tumulo ang luha sa mata ko.
Matagal na din ang panahon simula ng kunin siya ng panginoon saakin. Sampong taon nadin ang nakalipas pero ang pangungulila ko sakaniya ay nasa puso ko pa din.
"Mommy, I'm sorry kung hindi kami nakapagpaalam ng maayos ni Audrey noong huling dalaw namin sayo." Patuloy padin ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Maayos na kami ulit ni Audrey, Mom. I know you already know about this, pero may anak na ako Mommy. May apo na po kayo." Napaluhod ako damuhan at tuluyan na akong humagolgol.
"K-kung andito kayo ngayon sa tabi ko, I know you are the first person that will be happy for me. I know it mom, I miss you so damn much." Pagpapatuloy ko.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romantik⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
