[Alexa's POV]
"Oh my G!!! Oh my G!!! Oh my G!!! Wala pa ko nade-design na gown para sa prom! Kyaaaaaah!!! Two weeks from now prom na!!!" Sakit sa tenga ng babaeng toh sarap pasakan ng sapatos sa bunganga eh. Kanina pa yan ganyan simula ng i-announce ng adviser namin ang tungkol sa prom. Kaya ayan sinapian na naman ng kaluluwa ni sisa ang babaeng toh.
"Bunganga Janine! Sakit sa tenga! ano bah!!"
Inalog-alog pa ko "Huhuhu kasi naman Alexa kaylangan bongga ako sa prom ayaw ko pakabog sa iba noh! waaaaaah...!!! Aray naman!"
Sinapok ko nga ng isa sumosobra na eh "Kanina pa masakit ang tenga ko kakangawa mo dyan! Tapos ngayon inalog-alog mo naman utak ko! Abah abuso ka na babae ka! Tsaka wag nga yung gown ang problemahin mo!"
Bigla syang nag taka sa sinabi ko "Bakit naman wag yung gown na isusuot ko ang problemahin ko huh?"
Sarap mang trip ngayon ehehehe. Ngumiti ako ng nakakaloko "Dapat kasi ang problemahin mo..." tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko sa table "kung may mag yayaya sayo ng date sa prom!!!!" Sabay takbo.
Nung medyo malayo na ko kay Janine humarap ako sa lugar kung saan ko sya iniwan "Hahahahahaha peace!!! Bhelat ✌😝"
"ALEXA!!!! humanda ka sakin!!" Narinig kong sigaw nya at isa-isa na nyang dinampot ang mga gamit nya at tumakbo para habulin ako.
Nakaharap pa rin ako kay Janine at paatras akong tumatakbo...(gets nyo ba? kung hindi.. bahala kayo ahahaha✌️) natatawa talaga ako sa itsura ni Janine, asar na asar talaga.
Habang tumatakbo ako paatras bigla akong humarap para bilisan ang pag takbo ko kasi malapit na ko maabutan ni Janine mabigat pa naman ang kamay ng isang yan.
*BOOGSH!!
"Aray!!" Tumilapon ako sa sahig at ang lakas ng impak ng pag kakahulog ko, ang pwet ko.. Huhuhuhu
"Miss Sorry... Sorry... Ok ka lang?"
"Sa tingin mo ok lang ako sa lagay kong toh? Ang sakit ng pwet ko... Huhuhu" hindi ko tiningnan ang lalaking nakabunggo sakin dahil busy ako sa pag himas ng pwet ko, nakaupo pa ko at agad pinulot ang mga gamit ko na nag kalat sa sahig. Hindi man lang ako tulungan ng kutong lupa na toh! Haaaay buhay nga naman, napakagentleman na talaga ng mga lalaki ngayon noh.. (with sarcastic tone)
"Hahahahaha ang bilis ng karma hahahaha!" natatawang sabi ni Janine at dun pa lang ako tumingala para tingnan sya ng masama pero agad din nag iba ang mood ko at napalitan ito ng pag kagulat.
"Basty..." bulong ko.
"Miss ok ka lang ba? Sorry huh.. Oppsss wait let me help you.." at inabot nya ang kamay nya para makatayo ako pero tiningnan ko lang ang kamay nya at binalik ang tingin sa mukha nya.
Anong sinabi nya? Miss? Hindi nya ko kilala? Pano? Bakit? Saan? Sino? Kelan? Lahat ng pantanong na pwedeng gamitin pumasok na sa utak ko.
Hindi ko inabot ang kamay nya at tumayo akong mag isa, hindi ko kaylangan ng kamay nya kaya ko naman tumayo kahit sobrang sakit ng pwet ko.
Feeling ko anytime babagsak na ang mga luha sa mga mata ko. Pero pinigilan kong wag tumulo ang mga yun lalo na sa harap ng amnesia boy na toh!
"Miss??" tawag ulit sakin ni Basty.
Tumingin ako kay basty at nginitian ng pag katamis tamis at bigla akong nag poker face sabay sigaw ng "MISS YOUR FACE!!!!" at walk out.
Ang kapal ng mukha nawala lang ng ilang buwan or let say halos mag i-isang taon nag ka amnesia na agad agad. Walanjo naman... kakaimbyerna eh!!
Habang naglalakad ako pabalik sa classroom tumulo ang luha ko pero agad ko naman pinunasan baka mamaya may makakita pa sakin ma-tv patrol pa ko.
Bwisit na Basty na yun, bakit di nya ko kilala!! Ano ba sininghot nya sa korea at nagkaganyan sya!!
Pag pasok ko sa classroom agad akong nag wala kung ano mahawakan ko binabato at hinahagis ko at ngayon lahat ng classmate ko sugatan at may mga bukol sa ulo pero syempre joke lang yun.
Umupo ako na lutang ang utak.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ngayon pa kasi nag absent itong si Sam kung kelan kaylangan ko sya ngayon.
"Hoy Alexa! Akala mo makakaligtas ka sa sinabi mo sakin? Ngayon humanda ka sa paghihiganti ng Dyosa ng Fabulous... wahhh ha ha ha ha" tiningnan ko lang sya at sinubsob ko ang ulo ko sa desk.
"Hoy! Sabi ko gagantihan kita... Alexa... Alexa..." sinundot sundot pa nya braso ko "naman panira ka talaga ng emote ko. Wala na. Sira na"
"Bakit ganun.... di nya ko na kilala..." sabi ko kay Janine.
"Huh? Pinagsasabi mo dyan Alexa"
Umayos ako ng upo at hinarap si Janine "Yung lalaki na nakabunggo sakin, bakit di nya ko kilala sabi ko! Binge!" sigaw ko kay Janine.
"Kelangan talaga sumigaw? Eh ano naman kung di ka nya kilala? Kilala mo ba sya?"
"Ay hindi.. Hindi.. Ewan ko sayo!" At inirapan ko si Janine. Tumitino lang kausap toh pag si Sam na kaharap eh.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
