[Alexa's POV]Pumasok na ko sa School, as usual sinundo na naman ako ni Sam sa bahay, tinawagan nya ko kagabi at sinabihan na sa bahay daw sya mag be-breakfast, lagi naman sya nakikikain samin at ang dinadahilan nya, hindi daw masarap magluto ang cook nila, kaya ayaw nya kumain sa bahay nila ehehehe ang kulit talaga ng lalaking yun, may maidahilan lang eh.
Kahit kay Yaya Fe nagiging close na si Sam, hindi naman pala mahirap pakisamahan si Sam eh, sadyang mapang asar lang talaga sya, at ngayon ko lang na realize na nakakatuwa ang personality nya, hindi ka maiinip pag sya kasama mo at talagang napaka gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko sya.
"Hoy wag mo nga ako masyadong iniisip Alexa, kakapagod din tumakbo sa isipan mo huh" see? Lakas mang asar, sarap pakain sa pating eh.
"Sino nag sabi na ikaw iniisip ko? Assuming na. Ambisyoso pa" inis na sabi ko.
"Yung puso ko, nag text kasi yung utak mo"
"Hahahaha at ano naman tinext ng utak ko sa puso mo?! Ha?! Aber?!" Di talaga ako binibigo ni Sam lagi na lang nya ko napapatawa sa mga banat nyang yan.
"Ang sabi ganito...., hoy puso ni Sam, pagod na pagod na ko sa boss ko at nakakasawa na rin, kasi naman lagi na lang boss mo'ng si Sam nasa isip nya" pinaliit pa nya ang boses nya hahahaha kulit talaga...
"Hahahaha Baliw... Text ba talaga yan o Call??" Pag bibiro ko rin..
"Ahahahaha call yata.. Di ako sure" sira ulo talaga...
"Hey ang aga naman ng ka-sweet-an na yan mga lovers in hallway..." Sabay kaming napalingon ni Sam. Hindi namin namalayan na nasa likod na pala namin si Shiena.
"Hi best!" Sabay beso ko sakanya. Hindi nya alam ang lahat... i mean ang tungkol kila James at Angela, tsaka ang pag papanggap namin ni Sam na mag boyfriend/girlfriend ay peke lang. Till now ang buong akala ni Shiena na kami talaga ni Sam.
"Hi Shiena!" Bati naman ni Sam.
"Hello!" Masiglang bati ni Shiena "Kumusta na pakiramdam mo sis? Dapat kasi lagi ka may baon ng off lotion at baygon eh, kung saan saan ka kasi nag su-susuot kaya ayan na de-dengue ka tuloy" pag se-sermon nya.
May kinuha ako sa bag ko at agad ko pinakita kay Shiena "Ayan po, may baon na po ako nay.. hehehe off lotion lang wala ako dalang baygon. Masyado ng O.A yun noh!"
"Nay ka dyan! Ehehehe concern lang ako sayo sis, baka madengue ka na naman eh"
At nag tawanan kami, ng makadating kami sa classroom agad hinanap ng mga mata ko si James. Pero hindi ko sya nakita, baka wala pa sya o kaya ma li-late lang.
*********************
Lahat ng aubject wala si James. Absent sya, siguro dahil nahihiya sya sa mga nagawa nya sakin. Ang sabi kasi ni Sam, pumapasok naman daw si James nung absent ako.
Nag paalam si Sam na hindi daw sya makakasabay na umuwi sakin dahil may pupuntahan daw sya.
Habang nag lalakad ako papunta ng parking lot ng may humarang na masamang espiritu sa dinaraanan ko. Pag minamalas ka nga naman oh, oh... bakit ang kapatid pa ni lucifer ang nasa harapan ko. Isa sya sa mga taong ayaw kong makita.
Nakatingin lang sya sakin ng seryoso. Iniwas ko ang tingin sakanya at lalampasan ko na sana sya ng mag salita sya.
"Pwede ba tayo'ng mag usap?" Malumanay na tanong ni Angela. Tama ba narinig ko? Bakit parang ang bait yata ng boses ni Angela ngayon? Ano naman kaya nakain nito.
"Kung ang tungkol sa nangyari ang pag uusapan natin. Wala akong panahon. Alam ko na rin naman ang lahat eh" pag tataray ko. Pasensya sya. Eh sa naiinis ako sakanya eh, hindi nya ko masisisi.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...