[Alexa's POV]"Pasensya ka na talaga James, pero di na pwede kasi may..... may boyfriend na ko.." pag tatapat ko kay James ng tanungin nya ulit ako about sa panliligaw nya, nandito kami ngayon sa canteen kumakain ng lunch.
"Kaya pala ganun na lang ang galit ng gagung yun" sagot ni James.
"H-huh?!" takang tanong ko.
"Ahh kasi si Sam, nung nalaman nya na liligawan kita galit na galit sakin ang gago, naalala mo pa ba nung araw na may pasa ako sa mukha? si Sam may kagagawan nun dahil ayaw nyang lumalapit ako sayo, yun pala boyfriend mo sya"
"H-huh? a-ah e-eh hin-.." pinutol nya agad ang sasabihin ko kaya di ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Ok lang yun, di ko naman pag sasabi sa iba, pero sabihin mo sa boyfriend mo na kaibigan mo lang ako huh? kaya dikit ako ng dikit sayo, baka mamaya nyan mabugbog na naman ako" at biglang nag ring ang phone ni James "Ah wait lang huh, sagutin ko lang" tumango na lang ako.
Lumayo sya ng konti sakin tapos busy na sya sa pakikipag usap, ng matapos na siya lumapit na sya sakin at nag paalam agad.
"Alexa, mauna muna ako huh may kelangan kasi akong puntahan sa kabilang building, kita kits na lang sa classroom, bye!" hindi na rin nya ko hinintay na sumagot at kumaripas na sya ng takbo.
"Haaaaaay.... ang laking problema nito, di man lang ako nakapag explain kay James na hindi si Sam yung boyfriend ko. Eneveyen.." pabuntong hiningang sabi ko sa sarili ko.
Pero bakit ang labo naman yata ni Sam, bakit nya ginawa yun para sakin? imposible naman na may gusto sya sakin di ba?
pero.....
haaaay.....
(Iling.... Iling....)
***
Habang nag lalakad ako iniisip ko yung sinabi ni James sakin kanina kaya hindi ko namalayan na napadaan na pala ako sa likod ng school, ewan ko ba, naguguluhan kasi ako. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na dito na pala ako dinala ng mga paa ko.
Habang patuloy ako sa paglalakad ng may nahagip ang mga mata ko na dalawang tao na katayo sa di kalayuan, at yung isa parang familiar sakin.
"Si James yun uh? ano naman ginagawa nya dito?" bulong ko sa sarili ko.
Nagtataka ako bakit nandito si James, madalang lang kasi ang dumadaan na estudyante sa parte ng skwelahan na toh, tapos may kausap na...
babae????
Dahil sa nacurious ako at may pagka-tsismosa na rin ehehehe, nag tago ako sa gilid ng malaking puno na malapit sa lugar na kinatatayuan nila at laking pasasalamat ko ng hindi nila ako napansin.
"Angela, bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataun, please nag mamakaawa ako..." maluha luha si James sa harapan ng kausap nya.
Bakit kaya humihingi ng another chance si James? Sino kaya ang babae na toh? Bakit ganyan na lang si James kung mag makaawa? Lalo tuloy ako nacurious kaya mas lalo ko pinag butihan ang pag tatago dito sa malaking puno para hindi nila ako makita.
"James, di ba may usapan tayo? hindi mo nagawa ang mga kundisyon ko kaya pasensyahan na lang" paalis na sana sya ng biglang hawakan ni James ang kamay nya kaya napigilan syang makaalis.
"Ano?!!!" pasigaw na tanong nung Angela, ano ba yan ang maldita naman, kawawa naman si James.
"Angela, sige na naman ohhhh give me another chance... please... please..."
"Ano ba?! bitawan mo nga kamay ko!" nagpupumiglas na sabi ni Angela.
"Hindi kita bibitawan hangga't di mo ko binibigyan ng isa pang pagkakataun...." nakakaawang sagot ni James.
"Wala na James, hindi mo nagawa kundisyon ko, may boyfriend na si Alexa, hindi mo sya napasagot, ahmm wait scratch that!, hindi mo sya naligawan, so wala na rin tayong dapat pag usapan!"
"Oh my..."
"Totoo ba narinig ko?"
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kaya napatakip ako sa bibig ko gamit ang dalawa kong mga kamay.
"May purpose lang pala ang paglapit nya sakin kung ganun."
Si James, niloko pala nya ko. Hindi pala sya naging totoo sakin.... pero bakit parang galit sakin yung Angela? eh hindi ko naman sya kilala, parang ngayon ko nga lang sya nakita eh kahit 2 years na ko nag aaral dito sa school na toh.
"Pero hinayaan naman ako ni Alexa na maging kaibigan pa rin nya, gagawa ako ng paraan para magustuhan nya ko Angela, at gagawa rin ako ng paraan para mapaghiwalay sila ng boyfriend nya. Please lang.... Angela naman..."
"Prove it!!! pag napaghiwalay mo na sila dun mo na lang ako kausapin at lapitan, Ok?! for now... chupi chupi ka muna" pailing iling na umalis si Angela at nahuli ko pa syang nag evil smile.
"Ang sama naman ng ugali ng babaing yun"
Yung kaninang awa na nararamdaman ko para kay James napalitan ng galit at sobrang inis.
Galit, kasi bakit nya nagawa sakin ang lahat ng mga yun, pinakisamahan ko syang mabuti at tinuring syang kaibigan tapos ganyan pala gagawin nya, kaya pala sya dikit ng dikit sakin.
Inis naman, dahil nag tiwala ako na mabuti syang tao, nag tiwala ako na magiging mabuti syang kaibigan para sakin, yun pala isa lang din sya sa mga lalaking manloloko at walang ibang ginawa kundi ang manakit ng damdamin ng kapwa niya.
Gusto ko sana syang lapitan at kumprutahin sa mga narinig ko kaya lang may naisip akong ibang paraan para pakita ko sakanya at sa Angela na yun na nagkamali sila ng binangga at kinalaban.
"Hmmmm tingnan natin kung hindi ka lumuha ng dugo sa kakahingi ng chance sa babaing bruha na yun..."
"Laro pala gusto nyo huh.... "
at dahan dahan na akong umalis sa malaking puno na pinagtataguan ko.
itutuloy.....
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...