[Alexa's POV]
Isang linggo na nakalipas ng makalabas ako ng hospital. At halos araw araw nasa hospital din si Sam.. ahmm wait! scratch that. Halos di na pala umuwi si Sam sa bahay nila at parang balak na yata nyang sa hospital tumira. Kung hindi ko lang sya pagtatabuyan na umuwi muna sa bahay nila hindi sya uuwi.
Lagi syang nasa tabi ko at lagi nyang tinatanong kung may masakit ba sakin at kung ano gusto kong kainin. Inaalagaan nya talaga ako na para bang hindi ko na kelangan si yaya sa tabi ko.
Natutuwa ako sa nangyayari samin ni Sam. Sinabi rin nya na babawi sya sa lahat ng nagawa nya sakin noon, pero sinabi ko sakanya na nasabi na nya dati sakin yun nun nasa Subic kami, pero hindi naman nya ginawa ang "bawi" thingy na yun. Ang dahilan nya nahihiya daw syang lumapit sakin dahil alam daw nya na galit na galit pa rin ako sakanya, kahit na humingi na sya ng pasensya sakin noon. Ngayon daw na alam ko na ang dahilan nya kung bakit nya ko binu-bully noon, at pinatawad ko na talaga sya.. malakas na daw ang loob ng loko na mag lalapit at dumikit-dikit sakin. Basta hayaan ko lang daw sya na alagaan nya ko, syempre pumayag ako noh, gusto ko rin naman na maging close kami ni Sam at inaamin ko na magaan sa pakiramdam na nag kaaayos na kami.
About pala sa nangyari sakin, na dengue ako nakuha ko siguro yun sa pag sunod sunod ko kay James sa likod ng school kasi maraming puno at malamok talaga sa part ng school na yun, ewan ko ba bakit dun naisipang gawing tagpuan ni James at ng kapatid ni Lucifer na si Angela.. Sabagay dahil nga naman walang nagagawing estudyante dun at tago talaga ang lugar na yun kaya free silang mag usap ng kademonyuhang plano ni Angela. Pero kaloka lang huh, honestly, hindi nya talaga bagay ang pangalan nya'ng Angela, hindi bagay sa pag katao nya dahil kapatid nga sya si Lucifer.
Nakwento na rin ni Sam sakin kung bakit gusto ni Angela na ligawan ako ni James, childhood friend pala ni Sam yung kapatid ni Lucifer. Dahil "gwapo" nga daw si Sam at maraming nag ka-kandarapang babae sakanya, isa na dun ang Angela na yun, lalo na at childhood friend nya pa ito. Buong akala "daw" nya na boyfriend ko talaga si Sam, kaya gusto nyang ligawan ako ni James para mag kahiwalay kami at masaktan si Sam. Ewan ko lang kung totoo yung reason na yun ni Sam. Pero teka. Ano na kaya nangyari kay James at sa kapatid ni Lucife. Well, bahala na sila.
Hindi pa kasi ako pumasok sa school at nag pahinga pa ko ng isang linggo sa bahay pero araw araw din dumadalaw sa bahay si Sam, after nya sa school dumidiresto na sya dito. At dahil nasa iisang subdivision lang kami at malapit lang ang bahay nila, gabi na sya umuuwi tulad nun naka admit pa ko sa hospital kung hindi ko sya pagtatabuyan, hindi sya uuwi.
Knock...
Knock...
"Yes?!" nakahiga ako at busy sa binabasa kong story sa Wattpad ni snake1989 yung "Mahal ko? O Mahal ako?" (sabay promote).
Bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko at napasilip ako, may bulaklak na naka dungaw sa pinto, tumayo ako at lumapit kukunin ko na sana ng lumitaw sa harapan ko si Sam.
"Sabi na eh, ehehehe" sabay kuha ko sa bulaklak na hawak nya.
"Anong sabi na eh? Alam mo na ako may dala ng bulaklak? Hmmm di pala kita na-surprise" Sabay pout nya.
Kaya kinurot ko ang ilong nya "Eh sino pa bang mag bibigay ng bulaklak sakin? Si yaya?" Natatawa kong sabi "Araw araw mo kaya ako binibigyan ng bulaklak, kaya alam ko na ikaw ang nakatago sa likod ng pinto, may patago tago pa kasing nalalaman"
"Sabagay, wala ka naman boyfriend i mean wala naman yung boyfriend mo dito para bigyan ka ng bulaklak" napasimangot ako sa sinabi ni Sam. Alam na nya na may boyfriend ako pero sabi ko na secret lang namin yun kasi kahit si Shiena hindi nya alam ang tungkol dun, at pumayag naman sya at nakipag pinky promise pa. Ehehehe ang baduy lang nya minsan pero sa mga kabaduyan nya napapasaya nya ko.
"Hmmmp! Oo na, babalik naman sya eh, babalikan nya ko. Kaylangan lang nya'ng sumunod sa gusto ng mga magulang nya. Bakit ba lagi mo na lang ako binibigyan ng bulaklak, halos mapuno mo na ng bulaklak ang kwarto ko." pag iiba ko sa usapan at kunyari naiinis ako sa pag bibigay nya ng mga bulaklak, pero sa loob loob ko natutuwa ako sa mga ginagawa ni Sam sakin.
"Asus.... "sabay kurot nya sa ilong ko "if i know kinikilig ka sa mga bulaklak na yan, baka mamaya o bukas makalimutan mo na boyfriend mo at marealize mo na ako pala gusto mo" sabay wiggle nya ng mga kilay nya. Ang loko, ang kapal ng mukha. Pero naramdaman ko na uminit ang mukha ko sa mga sinabi nya kaya tumawa sya ng napakalakas "Ahahahahaha nagba-blush ka Alexa oh... Ayeeeeeeh kinikilig..." Pang aasar nya sakin sabay sundot ng daliri nya sa tagiliran ko.
"Kapal mo huh, mainit lang kaya nag blush ako" palusot ko na lang.
"Ang lakas kaya ng aircon ng kwarto mo, mainit pa sayo yan?" Hinawakan nya ang noo ko "wala ka naman lagnat eh, ahahaha" ang walang hiya nakasumpong na naman ang pag ka bully nya.
"Ewan ko sayo, dyan ka na nga!" Sabay walk out ko at hinagis ko yung bouquet ng bulaklak sa kama ko.
"Oh san ka pupunta? Joke lang naman yun. Ikaw naman, di ka na mabiro" narinig kong sigaw nya pero hindi pa rin ako lumilingon at malapit na ko sa pinto ng hilahin nya ko at niyakap. Nagulat ako sa ginawa nya, naramdaman ko na bumilis ang pag tibok ng puso ko sa ginawa ni Sam, dapat hindi ko nararamdaman toh dahil si Basty ang mahal ko, oo naramdaman ko na rin ang ganitong pag tibok ng puso ko kay Sam, pero dati yun at mga bata pa lang kami ng mga panahon na yun, pero bakit ngayon? naramdaman ko ulit ang mabilis at malakas na pag tibok ng puso ko... hindi kaya mahal ko rin si Sam?
pwede ba yun na dalawa ang mahal mo?
"Sorry na.... ayoko magalit ka sakin Alex.... Ayoko na maulit yung dati na hindi mo ko pinapansin, natatakot ako na mawala ka ulit sakin..." bulong ni Sam naramdaman ko na humihigpit ang yakap nya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na niyakap ko na rin si Sam.
"Hindi ako galit Sam, promise... hindi kita iiwan.."
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Ficção AdolescenteBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
