[Sam's POV]
Talagang hindi nasindak sa akin ang James na yun uh.
Itinuloy pa rin n'ya ang pag lapit kay Alexa.
"Hoy James! Pusang inahin ka!" Sabay suntok ko sa kaliwa n'yang pisngi "di ba sinabihan na kita na huwag na huwag kang lalapit kay Alexa"
Inabangan ko si James sa kanto malapit sa school, alam ko kasi na di ko s'ya magagalaw pag nasa loob kami ng skwelahan.
"Ano ba Sam! wala ka'ng karapatan para pag bawalan ako'ng lumapit kay Alexa" nakatayo na sya at agad na nakaganti ng suntok sa kanan ko'ng pisngi.
Naramdaman ko na pumutok ang side ng labi ko at nalasahan ko ang dugo.
Tangna na yan!
Malakas pala ang isang toh.
Agad akong tumayo at sinipa ko sya sa tyan na naging dahilan para matumba at mapahiga sa sahig.
Sinamantala ko na nakahiga sya at namimilipit sa sakit.
Tinapakan ko ang dibdib nya.
"Binabalaan kita! Layuan mo si Alexa kung hindi?! di lang yan aabutin mo!" sabay tadyak ko ulit sa t'yan n'ya at agad na umalis.
Subukan lang nyang kalabanin ulit ako. Makikita nya talaga ang hinahanap n'ya.
Palayo na ko ng mag salita ulit si James.
"Hindi ako susuko Sam!" sabay dura ng dugo.
[Alexa's POV]
Tatlong araw na ng makasabay namin sa canteen ang mga lovers pero simula nun di na namin sila nakikita sa canteen.
Hindi rin namin alam saan sila kumakain tsaka paki' ko naman.
"Hi Alexa" bati ni James
Nagtaka ako bakit may sukat s'ya at pasa sa gilid ng labi n'ya.
"Hello James, ano nangyari sayo?"
"Napag tripan lang kahapon pag labas ng school" sagot n'ya sakin.
"Kawawa ka naman, mag ingat ka sa susunod"
"S'ya ang mag ingat saken sa susunod Alexa" sagot ni James.
"He..he.. huwag na lang natin pag usapan James nakakatakot ka na eh" prankang sagot ko, medyo na papanatag na rin kasi ang loob ko kay James.
Pero ngayon ko lang s'ya nakitang nagalit ng ganyan.
Mabait naman s'ya kung mabait kaya lang sa tingin ko masama s'yang magalit.
"Pasensya ka na huh Alexa" pag hingi ng paumanhin ni James.
"Wala yun" sabay ngiti sakanya.
Nandito pala kami sa loob ng classroom simula ng makasabay namin si James sa canteen lagi na s'yang dumidikit sakin, lagi s'ya nakikitabi sa upuan.
Biglang pumasok si Sam at nakatingin na naman s'ya samin ni James ng masama.
May sugat din s'ya katulad ni James.
Hindi kaya si Sam ang nakaaway ni James...
Oh my...
World war na ata toh mga ateng..
Lumapit ako kay James at bumulong.
"Bakit may sugat din si Sam? s'ya ba nakaaway mo?" medyo malapit ang mukha ko sa tenga ni James.
BINABASA MO ANG
First Love
Fiksi RemajaBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
