[Sam's POV]
Hindi muna ako dumiretso sa kusina para i-check si Manang, nag tago' muna ako sa likod ng pinto para makinig sa usapan nila Alexa and Shiena.
"Ouch! Problema mo?!" tanong ni Alexa kay Shiena
"Bakit hindi mo pinapansin si Sam? Nakakahiya pinag-mumukha mo syang tanga!" -Shiena
"Bakit sinabi ko ba na kausapin nya ko? tsaka isa pa sumama lang ako dito dahil sayo, kasi ang lakas mo makakunsensya!"
"Pero kahit na, bakit di mo sya pansinin?"
"Bessy hindi ko na kaylangan sagutin yan, alam mo naman kung ano ang sagot sa tanong mo di ba?"
Hindi ko na pinatapos ang usapan nila, agad na akong umalis sa pinagtataguan ko. Kahit naman ako alam ko kung anong sagot sa tanong ni Shiena eh. Hanggang ngayon galit pa rin sya sakin, hindi ko naman masabi sakanya ang totoong dahilan kung bakit ko sya binubully noon, wala pa ko lakas na loob na mag pakilala na ako yung batang pinag tanggol nya sa pinsan nyang bully.
***
Hindi na masyadong mataas ang araw kaya nag kayayaan na mag swimming pero pinauna ko na sila, nag paiwan muna ako at dito sa kinatatayuan ko nakikita ko si Shiena na masayang masaya na nag tatampisaw sa tubig pero si Alexa nakaupo lang sa dalampasigan at malayo ang tingin, mukhang malalim ang iniisip nya. Siguro eto na yung chance ko na humingi ng sorry kay Alexa sa mga pambubully ko noon.
Dahan dahan akong lumapit kung saan nakaupo si Alexa, humugot muna ako ng malalim na pag hinga bago nag salita.
"Ehem... pwede ka ba makausap?" tanong ko kay Alexa.
Hindi man sya sumagot at parang wala syang narinig. Katahimikan lang ang nangibabaw, tanging alon sa dagat at mga huni ng ibon lang ang tanging maririnig.
Hindi pa rin nag sasalita si Alexa, malayo ang tingin nya at alam ko na galit pa rin sya sakin hanggang ngayon. Hindi ko na hinintay na mag salita sya.
"Alam ko galit ka pa rin saken hanggang ngayon Alexa, kahit hindi mo sabihin alam ko na hindi mo pa ko mapapatawad sa mga nagawa ko sayo noon at hanggang ngayon..." huminga muna ako ng malalim bago pinag patuloy ang sinasabi ko "at... at hanggang ngayon hindi mo pa rin nakakalimutan yun, pero sana naman Alexa bigyan mo ko ng chance na makabawi sa mga pambubully ko sayo dati, may dahilan ako kaya ko ginawa yun pero hindi pa eto ang tamang oras para sabihin sayo kung ano ang dahilan ko, pero sa ngayon, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko, kahit hindi mo pa ko mapatawad or hindi mo talaga ako mapapatawad, atleast gagaan na ang kalooban ko kahit papano dahil nakahingi na ko ng Sorry sayo Alexa. Sorry talaga sa lahat ng pambubully ko sayo noon" sincere na pag hingi ko ng tawad.
Hindi ko na sya hinintay na mag salita ulit tumalikod na ko at umalis kaagad sa kinatatayuan ko pero nakakailang hakbang pa lang ako ng mag salita si Alexa.
"Tama ka! hindi ko talaga makakalimutan lahat ng ginawa mong pambubully saken noon, at oo hindi ko pa kayang mag patawad ngayon Sam, sana maintindihan mo ko, naging miserable ang school days ko ng dahil sayo. Naging mailap ako sa lahat ng tao ng dahil sayo, at tanging si Shiena lang ang naging kaibigan ko ng dahil din sayo. Walang may gustong lumapit sakin dahil natatakot sila na pati sila madamay sa kakabully mo, mapapatawad kita Sam pero hindi pa sa ngayon, alam ko naman na maiintindihan mo ko"
Hindi ko na sya nilingon pa alam ko na umiiyak sya dahil sa boses nya, hindi ko kayang makita syang umiiyak ng dahil nanaman sa kagaguhan ko. Oo sobra akong nasasaktan pag nakikita ko syang umiiyak, ang laki kong tanga dahil ako ang dahilan ng pag iyak nya.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
