[Alexa's POV]
"Bahala na nga" sabi ko sa sarili ko tapos nag type na ko ng message sa phone ko.
typing...
typing...
[Pwede ka ba makausap mamaya after school 1:00 sa Icecream Parlor na lang tayo magkita]
Sending...
Pumikit ako pag kapindot ko sa nos. nya, minulat ko ang kaliwa kong mata at sinilip kung nag send na.
message sent ✔️
Napahinga ako ng malalim."Goodluck na lang sakin mamaya" bulong ko sa sarili ko at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng classroom.
***
Time check: 1:48pm
"Haaaay kaya ko toh.."
Kinakabahan kasi ako sa gagawin ko.
"Sheeeeet naman..." papasok na sana ako ng biglang...
"Huwag na lang kaya" ihhhhhh nahihiya talaga ako.
Urong sulong ako sa paglapit sakanya, nandito kasi ako sa labas ng Icecream parlor malapit sa school, nasa loob na yung taong kakausapin ko at alam ko na kanina pa sya naghihintay. Dito ko kasi naisipan na kausapin sya pero... nahihiya ako, nilakasan ko lang loob ko na magtext ako sakanya kanina.
Halos mag iisang oras na rin siguro ako urong sulong kaya ng makita ko na tumayo' na sya para umalis nagmadali na ko'ng pumasok.
"Haaaaay bahala na nga lang" at nag patuloy na ko sa pag lapit sakanya.
"Oh akala ko hindi ka na darating eh, alis na sana ako" bungad nya ng makalapit na ako.
"Pasensya na ta.... t-traffic?" anak ng tinapa naman Alexa, mag dadahilan ka na lang mali pa! My golly naman!, saan kasi banda ang traffic sa loob at labas ng school? isang bader lang kasi ang pagitan ng school at ng icecream parlor na toh.. sheeeet na malagkeeeet! lupa lamunin mo ko, as in, now na!
"Ok!" sabay kibit balikat na lang at naupo na ulit sya. Ako naman umupo sa tapat ng upuan nya.
"Anong gusto mo Sam? order ka lang libre k-ko..." yun na lang muna ang nasabi ko sakanya at dun ko lang napansin na may dalawang bowl na pinag kainan ng icecream, sheeeems! another palpak nanaman itech!. Ayoko na!!! Hiyang hiya na ko sa kapalpakan ko. "Opppss nakadalawang order ka na pala he..he.." may masabi lang.
"Obvious naman di ba almost 1hour ako naghintay kaya nakadalawa ako'ng kain ng bananasplit" pasupladong sagot ni Sam. Bwisit na lalaking toh kahit kelan di ako binibigong inisin, problema nya? Mali yata naisip ko'ng kausapin mokong na toh eh.
"Sorry naman!! eh kanina pa rin naman ako sa labas, isang oras din ako dun noh! kasi.... kasi akala ko wala ka pa dito... oo tama.. hinintay kita sa labas wala naman ako sinabi sa text na dito sa loob tayo mag kikita di ba" wooooh cross finger sana umipek ang palusot.com ko please, please, please.
"Oo na nga lang" matipid nyang sagot at tumayo.
"Oh Sam san ka pupunta? sandali lang may sasabihin pa ako sayo" napatayo na rin ako sabay hawak sa braso nya. Tiningnan naman nya ang kamay ko na nakahawak sa braso nya kaya agad ko'ng inalis, ang arte lang! malinis naman kamay ko noh akala mo naman sandamakmak na mikrobyo meron ang kamay ko, kung makatingin wagas!.
"I-o-order lang kita ng makakain mo, upo ka lang dyan" hmmm gentleman naman pala ang mokong na toh kaya lang ang suplado.
"Ah ok he.. he.." sabay upo ko. Nakakahiya may pahawak hawak pa kasi sa braso, pero infairness mga mare, ang tigas. Ang tigas ng braso nya parang bato lang, nakakabakla. Ahihihi!
"Oww Emmm" ano ba tong iniisip ko, hindi ako toh, sinapian yata ako ng kaluluwa ng baklang malandi.
"Relax Alexa, umayos ka huh, isipin mo may Basty ka na mas macho, si Sam? asusssss wala yan kalyo lang sya ng mga muscle ni Basty" tama! tama! tango tango!
Bumalik lang ang katawang lupa ko ng dumating si Sam na may bitbit na tray na may lamang....
Ube icecream? it's that for real?! Sigaw ko sa utak ko.
"Ube icecream??" pag tatakang tanong ko at titig na titig sa ube icecream na nilagay nya sa harapan ko.
"Oo nakikita mo naman na violet yung kulay di ba? baka yung lasa nyan strawberry" pilosopong sagot ng kumag na toh.
"Abuh malay ko ba?! and F.Y.I. meron naman na icecream na violet ang kulay pero chesse ang flavor!" yung mga dirty icecream na nabibili sa daan di ba, oh ano ka ngayon Sam oink oink!
"Ano pinaglalaban mo, Alexa?" sabay subo nya sakin ng icecream.
"Hmmmmmp hang l'yameeg Sham" di ako makapag salita sa sobrang lamig at dami ng pinasubo nya sakin na icecream, isang buong kutsara ba naman ipasubo sayo di ka mahirapan mag salita idagdag pa na ang liit liit lang ng bibig ko, isa ring hangal itong si Sam eh.
"Asus if i know, kulang pa yang inorder ko sa'yo" sabay ngisi ng nakakaloko.
"Alam mo naman palang kulang bakit di mo pa dinagdagan yung binili mo, manlilibre ka na nga lang di mo pa linubos lubos" 'napapangiti na ko sa mga banat nya, ngayon ko lang naramdaman toh na maging kumportable sa isang lalaki, at kahit kay Basty hindi ko masyadong naramdaman toh.
"Napapalayo' na tayo uh, ano ba talaga ang sasabihin mo at pinapunta mo ko dito?" kinuha nya ang extra spoon sa tray at kukuha sana sya ng ube icecream ko.
"Hoy teka Sam" sabay layo' ng bowl ng icecream ko sakanya "itong icecream na toh binili mo para sakin, kaya wag kang ambisyoso at bumili ka ng sa'yo"
"Para titikim lang, damot! Sabagay favorite mo kasi..." sabay lagay nya ulit sa table ng kutsara.
Ay! oo nga pala pano nya nalaman na favorite ko Ube flavor....
"Hoy lalaki! pano mo nalaman na favorite ko Ube flavor..?" sabay turo ko ng kutsara sa harap ng mukha nya.
"Ewan, nahulaan ko lang" sabay kibit balikat nya. Ang daya, ayaw pang sabihin, baka siguro nabanggit ni Shiena, tama!
"Ok, sabi mo eh, ahmm Sam di ba sabi mo babawi ka sakin sa lahat ng ginawa mo'ng pambubully sakin noon?" Sabay tingin sakanya ng deresto sa mga mata.
"Oo, kaya lang galit ka pa sakin di ba? pano ako makakabawi?" seryoso din na sagot nya'. Oo inaamin ko galit pa rin ako kay Sam, pero di na katulad ng dati, i mean simula ng nag sorry sya sakin nabawasan na ang galit ko sakanya, kaya ngayon gusto ko sya'ng bigyan ng chance para maging mag kaibigan kami at makabawi na rin sa mga nagawa nya saakin noon.
"Ok. Honestly, di pa naman nawawala galit ko sayo' pero nung nag sorry ka sakin... nabawasan naman kahit papano ang galit ko, so this time bibigyan kita ng chance para makabawi sa mga nagawa mo sakin noon" tumigil muna ako at yumuko at huminga ng malalim... "haaaay kaya ko toh, go Alexa..." pag angat ko ng ulo tiningnan ko sya ng seryoso sa mga mata....
"be my boyfriend!!"
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
