Chapter 20

46 7 0
                                        


[Sam's POV]

"be my boyfriend!"

Hindi ko alam kung ano i-re-react ko sa narinig ko.

Ewan ko ilang segundo ako nakatunganga ng marinig ko ang sinabi ni Alexa sakin.

Ang hirap kasi paniwalaan...

Ang babaing kulang na lang isumpa ako sa sobrang galit nya sakin, ngayon sasabihan ako ng be my boyfriend? ano toh lokohan?

"HOY! Sam, narinig mo ba sinabi ko?" nagulat ako ng hampasin ni Alexa ang braso ko. "Hindi ka na nag react dyan!"

"Ano nga ba ulit sinabi mo?" kunyari na lang na nabingi ako, para ulitin nya sinabi nya baka mamaya mali pala narinig ko mapahiya pa ko pag sinabi ko Oo ehehehe.

Abah madalang lang na may nagtatanong ng ganyan sa mga lalaki.

"Haay naku, sabi ko BE MY BOYFRIEND! yan narinig mo na siguro noh?"

"Yes, loud and clear" sabay ngiti ng pagkalapad lapad "ahmmm sige pero ligawan mo muna ako, hindi kasi ako easy to get Alexa, tsaka kelan ka pa nag kagusto sakin... Aray naman!" sabay hawak ko sa ulo ko, lakas nun uh! amazona talaga babaing toh "makasapok ka naman, parang naalog utak ko uh, pano kita sasagutin nyan kung di ka pa nga nanliligaw sinasaktan mo na ko" natatawa na pang aasar ko.

"Kapal mo feeling mo naman, patapusin mo muna kasi sinasabi ko, kung makareact naman akala mo patay na patay ako sayo?! Yuck! kung di lang kelangan di naman ako mag dedemand na maging boyfriend ka! Assumerong kokak!"

"Ok, ayaw pang aminin na patay na patay ka sakin" pang aasar ko, masaya ako kahit papano nakakapag usap at nakapag aasaran kami ng ganito ni Alexa, matagal ko rin hinintay na maging ganito kami, haaaay... sana tuloy tuloy na toh please po Lord...

"Libre mangarap Samuel..., kung di ko lang narinig ang pinag usapan ni James at nung Angela na yun, di naman ako mag aaksaya ng panahon para kausapin ka noh, ambisyoso!" sabay make face nya sakin.

"Ano bang narinig mo?"

"Narinig ko lang naman na gusto nung Angela na ligawan ako ni James at maging girlfriend nya agad agad. Pag nagawa ni James yun sasagutin sya nung bruhang Angela na yun, kaso nga lang nalaman yata nung Angela na binasted ko na si James kasi sinabi ko na may boyfriend na ko kaya hindi na sya pwedeng manligaw, kaya ayun binasted din sya nung Angela, pero sinabi nung bruha na bibigyan lang daw nya ng chance si James pag naligawan at napasagot ako ni James.., at gagawin daw ni James ang lahat para mag kahiwalay kami ng boyfriend ko at maligawan nya ko. Pero....." tumigil sa pag ki-kwento si Alexa.

"Pero.... ano?" nag tatakang tanong ko.

"Pero ang alam nya ikaw yung boyfriend ko" sabay yuko nya at napansin ko na biglang namula buong mukha nya pati ang dalawa nyang tenga, ang cute talaga ni Alexa.

"Ayun naman pala, alam siguro ng James na yun na patay na patay ka sakin, anu-ano ba sinasabi mo sakanya tungkol sakin huh Alexa" taas baba pa ang mga kilay ko habang sinasabi yun inaasar ko lang si Alexa, sarap kasing asarin eh pikon agad.

Pero buti na lang at nalaman na agad ni Alexa ang masamang binabalak sakanya ng James na yun.

Hindi ko kasi kayang sabihin sakanya yun nun kasi alam ko na hindi sya maniniwala sakin dahil galit sya.

"Excuse me Mr. Samuel Cruz! may boyfriend na talaga ako kaya wag ka ngang mayabang dyan, ang buong akala lang ni James na ikaw boyfriend ko kasi pinalalayo mo daw sya sakin nun nalaman mo daw na liligawan nya ako, binugbog mo pa nga eh, baka ikaw yung may gusto sakin Sam??" boooooom!!! ayun yun eh sapooool! sagad hanggang buto.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon