Chapter 17

47 7 5
                                        

[Alexa's POV]

"Alex pwede ba ako manligaw sayo?" nagulat ako ng biglang itanong sakin ni James yan.

Nandito kami ngayon sa library, vacant namin, eh sakto may kaylangan akong hiramin na libro.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko, hindi ko alam kong pano ko sasabihin na hindi pwede.

"H-huh a-ah e-eh... p-pwedeng p-pag isipan ko muna binigla mo ko eh James, hihi" nabubulol na sagot ko.

"Pasensya ka na huh Alexa kung binigla kita, sige pag isipan mo muna, pero sana hayaan mo muna ako dumikit ng dumikit sayo huh"

"Huh ah sige" awkward...shocks! nakakailang naman itong si James.

"Ok na ba yung libro Alexa? baka malate tayo sa next subject?" tanong ni James habang nakatingin sa relo nya.

"Mauna ka na lang muna James meron pa ko isang libro na hahanapin, mabilis lang ako."

"Hintayin na kita Alexa" agad na sagot ni James.

"Hindi.... wag na, baka pati ikaw malate ng dahil sakin. Sige na mauna ka na babalik din ako agad"

"Hindi sige hihintayin na kita" haaaay ang kulit naman, wala na naman talaga ako'ng hinahanap na libro palusot ko lang talaga yun dahil naiilang ako kay James.

Hindi ko expect na bigla bigla na lang nya ko tatanungin ng ganun ganun lang.

Parang minani lang nya pag tatanong sakin, yung mararamdaman mo na parang hindi sya sincere sa pag tatanong nya ganun, o ako lang nag iisip ng ganun.

"Ok sige next time ko na lang hahanapin, tara na" sabi ko kay James at niyaya ko na sya bumalik sa classroom.

[3rd Person's POV]

Lingid sa kaalaman ni Alexa isang kundisyon lang ang panliligaw ni James, meron ibang nililigawan si James.

Para sagutin sya ng nililigawan nya meron syang kundisyon.

"Sasagutin lang kita pag niligawan at napasagot mo si Alexa, at pag sobrang napamahal na sya sayo tsaka mo sya iiwan."

"Angela naman, bakit may ganyang kundisyon pa?" sagot ni James.

"Gusto ko'ng masaktan si Alexa dahil niloko mo sya, gusto kung maranasan ni Alexa ang masaktan ng sobra sobra" galit na sagot ni Angela kay James.

"Bakit? may ginawa ba si Alexa sayo kaya ganyan na lang ang galit mo sakanya?" nagtatakang tanong ni James.

"Huwag ka ng mag tanong!!" inis na sagot ni Angela.

Dahil sa matinding pag kagusto ni James na mapasagot si Angela, ginawa na lang nya ang kundisyon na hinihingi ni Angela.

Nahirapan syang makalapit kay Alexa dahil kay Sam, laking pasasalamat ni James dahil ng araw na narinig ni Sam ang pinag uusapan nila ng kaibigan nya about kay Alexa wala syang nabanggit sa mga kundisyon ni Angela.

Pero ang hindi nya alam, narinig ni Sam lahat ng pinag usapan nila ni Angela, hindi nya sinasadyang mapadaan sa likod ng school ng araw na nag usap si Angeka at James about sa kundisyon ni Angela, kaya ganun na lang ang galit ni Sam kay James lalo na ng lagi syang dumidikit kay Alexa, naiinis si Sam dahil bakit pati si Alexa nadadamay sa gulong yun.

Kaya kanina na nasa library sila James at Alexa agad ng tinanong ni James si Alexa kung pwede syang manligaw, naiinip na kasi si James, gustong gusto na nyang sagutin sya ni Angela.

Mahal na mahal ni James si Angela kaya lahat ng pwedeng gawin para mapasagot si Angela gagawin nya.

Bawat pag lapit ni James kay Alexa lihim na nakamasid si Angela, bawat kilos ni James alam ni Angela.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon