Chapter 21

34 7 6
                                    


[Alexa's POV]

Sorry na...

Sorry na...

Sorry na...

Ewan ko sa sarili ko bakit hindi ako maka get over sa Sorry na na yan, may kakaiba akong naramdaman ng hawakan ni Sam ang braso ko at ng makita ko ang mga mata nya parang may kakaiba talaga.

Pamilyar ang ganung mata sakin na parang nakita ko na noon na di ko lang matandaan kung saan at kaylan.

"Hi Alexa!" bumalik lang ako sa katinuan ko ng may tumabi sa upuan ko, pag lingon ko...

Oh no...

Umiinit ang ulo ko, gusto ko makasapak ng tao ngayon.

Pero dahil bad ako at gagantihan ko ang panloloko sakin ng lalaking toh, kelangan ko mag paka-plastik.

"Oh, Hello James!" sabay smile sakanya, syempre kahit sweet ang smile ko, sa kaloob looban ng bituka ko eh kaplastikan lang yan, gusto ko nga masuka eh.

"Bakit di na kita nakita kahapon? san ka nag punta?" nun narinig ko kasi ang pinag usapan nila nung Angela na yun, nag cut ako ng class tapos hinintay ko na lang ang uwian para nga makausap si Sam.

"Sumama' kasi pakiramdam ko kahapon kaya nag pahinga ako sa clinic" pag dadahilan ko sakanya, sana maniwala.

"Ah ganun ba? may sakit ka ba Alexa?" sabay lapat nya ng likod ng palad nya sa noo ko at may kamay na nag alis sa kamay nya at dun ko lang napansin na dumating na pala si...

"Sam, pare..." maangas na bati ni James

"Ang tigas talaga ng mukha mo, di ba sinabi ko naman 'sayo na layuan mo si Alexa?!" galit na sagot ni Sam.

"Pre, mag kaibigan lang kami, di ba Alexa?" sabay tingin nya sakin, kaya napatango na lang ako. Alam na naman ni Sam ang mga plano ko eh. "See?" sabay smirk nya kay Sam, ang yabang talaga, sarap upakan ng isa eh.

"Tss... Alis!! ako uupo dyan!" at tumayo naman si James.

"Alexa, sabay tayo mag lunch mamaya huh?!"

"Hindi pwede! sabay kami!" inis na sagot ni Sam. Kaya tiningnan ko 'sya ng masama.

"Ok James sabay ka na lang samin, right baby?" makuha ka sa tingin Sam.

Nagets naman ni Sam ang mag oo ka look ko. "Ok babe, sabi mo eh. Your the boss!" sumaludo at sabay kindat pa 'nya.

Shocks!! ane be nemen yen...

Bakit kinikilig ako.

***

"Babe try this one, say ahhhhh" sabay tapat ni Sam ng kutsara sa bibig ko, ako naman si uto-uto at dahil kasabay din namin si James, nakikiride ako sa mga sweetness ni Sam.

"Ang sweet nyo naman, kelan pa naging kayo best?!"

"Ackkk!! Ackkkk!" opssss kasama rin nga pala namin si Shiena. Patay di ko pa pala nasasabi kay Shiena na nag papanggap lang kami ni Sam.

"Nahihiya kasi si Alexa, kaya wag ka sana magalit sakanya" pagdadahilan ni Sam

"Ano ba kayo! Hindi ako nagagalit noh! sa totoo lang masaya ako para sainyo bagay na bagay nga kayo eh, di ba James?"

"Hindi, mas bagay kami ni Alexa. Kaya Alexa i-break mo na si Sam para maging tayo na lang, wala kayo'ng chemistry ni Sam eh"

"G*go ka talaga James!" galit na sagot ni Sam.

Hindi ako makasabay sakanila kasi naman.... hihihi Kinikilig pa ako hanggang ngayon. Sobra! Ganito pala ang feeling na maging girlfriend ni Sam, pero sheeeeete lang may Basty na ko eh, ano ba yan Alexa umayos ka nga.

"Best, nag aaway na ang mga fafa mo, pinag aagawan ka kasi, naks naman, iba talaga ang beauty mo best!" bulong ni Shiena with matching hampas pa ang loka loka, kung alam lang nito ang lahat ewan ko lang kung kiligin pa 'sya!

"Baby naman, tama na yan. Hanggang mag kaibigan na lang kami ni James, ok? Ikaw ang boyfriend ko kaya please tama na ang awayan na yan" sabi ko kay Sam at pinasweet ko pa ang boses ko para effective ang pag papanggap namin.

Pero bakit ang laki ng epekto sakin ng ginagawa ko?

Sobra akong nasisiyahan at lalong kinikilig.

Basty pasensya ka na, kumikiri ang girlfriend mo dito sa Pinas.

Habang nag papakasweet ako kay Sam ng may napansin ako na babae na nakatingin samin, ang sama ng tingin nya.

Si Angela....

Hmmmmm buti naman nakita nya ko na kasama ang "Boyfriend" ko, so, lagot ka nanaman ngayon nyan James, tsk tsk!

"Ahmmm babe, say ahhhhhh" sabi ko kay Sam at sinubuan ko 'sya ng fries. Sa gilid ng mata ko nakita ko na nag walk out si Angela, wooohoooh!! Ang saya!! saya!! Winner na naman si Alexa!!

May nag ring na phone.

Kanino pa nga ba? eh di kay James, sigurado ako na si Angela na tumatawag.

"Guy's excuse lang huh?" pag papaalam ni James, tumayo at lumayo 'sya ng konti sa table namin.

"Sam, sigurado ako na si Angela na yung tumawag" bulong ko kay Sam.

"Pano mo naman nasabi babe?"

"Babe mo mukha mo! umayos ka Sam wala na si James. Ganito kasi yun, kanina kasi napansin ko na nandito rin si Angela sa canteen at nakamasid 'sya satin, nun sinubuan kita ng fries nakita ko na nag walkout 'sya, bakit kaya?, baka naman tomboy si Angela" bulong ko ulit kay Sam, ng mag salita si Shiena.

"Hoy! out of place na ko dito una na ko huh? bye lovers..." sabay wave pa nya ng kamay nya.

"Bye best!" hinintay muna ni Sam makaalis si Shiena bago 'sya nag salita.

"Pano mo naman nasabi na tomboy yung Angela?"

"Eh kasi naman bakit 'sya magagalit sakin? ng walang dahilan? at bakit pinaliligawan ako ni Angela kay James?" nagtatakang tanong ko kay Sam.

"Ewan... baka may iba 'syang dahilan Alexa"

"Ano naman kaya yun? tulungan mo ko alamin Sam, please....."

"H-huh a-ah s-sige" nabubulol na sagot ni Sam, hmmmm bakit kaya. Baka naman may alam ang mokong na toh at hindi 'nya sinasabi sakin, kung ano man yun gusto ko rin alamin, naguguluhan na ko sa mga nangyayari.

itutuloy.....

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon