Alexa's POV,
Ang bilis ng araw, isang linggo na nun nag date ka'mi ni Basty. Simula 'nun araw na 'yun sobra akong nalungkot pero inisip ko na lang na dapat sulitin ko ang bawat araw na natitira para makasama sya.
Sa mga araw na lumipas pinag dadala ko siya ng lunch ako mismo nagluluto at nag pi-prepare para kay Basty.
Nag papakasweet na rin ako sakanya kahit sa harap ng ibang tao parang wala na ko pakilam kung may makapansin na boyfriend ko na siya basta ang importante mapapasaya ko si Basty sa bawat araw na natitira para samin dalawa. Gusto ko happy memory mababaon niya pag uwi niya ng Korea.
"Yaya sa tingin mo magugustuhan ni Basty niluto ko?" Andito ako ngayon sa kusina kasama ang yaya ko, mapagkakatiwalaan naman si yaya at alam ko na hindi niya ako isusumbong kila Mama although wala pa naman alam si yaya about sa'min ni Basty.
"Oo naman Alex, masarap ka naman mag luto tsaka samahan mo pa ng secret ingredients ay talagang napaka sarap"
"Yaya wala po ako nilagay na secret ingredients, di ba po ikaw nag turo sa'kin kung pano lutuin toh?, kung ano po yung sinabi nyo yun lang po ginawa at nilagay ko, ano po ba yung secret ingredients ya para malagay ko na po baka malate na po ako"
habang hinahalo ko yung adobo'ng manok na niluluto ko bigla na lang ako nilapitan ni Yaya, sabay tinuro nya dibdib ko kung saan naka lugar ang puso.
"Yan ang secret ingredients Alexa, nakikita ko habang niluluto mo yan na may pag mamahal na kasama sa niluluto mo, kahit hindi mo sabihin sa'kin ang mga bagay na yan alam ko na Mahal na Mahal mo si Basty"
Ganun na ba ko kaobvious para mahalata ni yaya? Well siguro dahil kilalang-kilala lang talaga ako ng yaya ko, since birth siya na kasama ko kaya parang siya na tinuturing kung nanay kesa kay Mama.
Mas nararamdaman ko ang pagiging Nanay kay Yaya kesa kay Mama. Lagi kasi silang wala ni Papa, lagi silang busy sa business na'min kaya parang nakakalimutan na nilang may anak sila dito sa Pilipinas na kaylangan uwian.
Hay sabagay ngayon pa ba ako mag da-drama kung kelan sanay na rin ako sakanila, kaya laking pasasalamat ko at dumating sa buhay ko si Yaya si'ya nag pupuno ng pag kukulang ng mga Parents ko sa'kin, kaya mahal na mahal ko siya.
"Ganun na ba ka-obvious ya?"
"Ano ka bang bata ka simula ng sanggol ka pa ako na kasa-kasama mo kaya kilalang kilala na kita" sabay tap ni yaya sa ulo ko.
"Ya favor... Pwedeng wag nyo po ako susumbong kila Mama?"
"Oo naman, hindi naman sa kinukunsinti kita Alex, alam ko naman na mapagkakatiwalaan kang bata at hindi ka gagawa ng bagay na ikakasira ng tiwala namin sa'yo di'ba?"
"Awwwww ang bait mo talaga Yaya kaya Mahal na mahal kita eh" sabay yakap ko sakanya "oo naman po hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng tiwala n'yo sa'kin..."
"Oh siya maligo kana baka malate ka pa sa school"
"Opo ya, Salamat po talaga" bago ako umakyat sa kwarto binigyan ko ng halik sa pisngi si Yaya, pasasalamat at pag papakita na rin ng pag mamahal para sakanya.
....................................
Papasok na ko ng Gate ng School ng makita ko si Basty, agad akong lumapit sakanya.
"Hi basty!" Masayang bati ko sa'kanya
"Hello Alexa, oh ang sigla mo naman ngayon.."sabay ngiti niya sa'kin
"Syempre naman agad kita nakita eh kaya good vibes na good vibes ako today!"
"Naks naman, kaya love na love kita eh, galing mo mambola!ahahahah"
Tingnan mo tong lalaking toh parang ayaw pa maniwala eh totoo naman yung sinabi ko. Hmmmp bahala na nga siya ehehe.
Sabay na kami pumasok hanggang sa class room, pinag titingnan kami ng ibang estudyante, for sure naiinggit lang sila kasi naman ang gwapo ng boyfriend ko tsaka simula na maging kami ni Basty hindi mo na kami mapaghihiwalay kahit sa room lagi kami mag katabi pag uwian lang kami mapaghihiwalay. Sweet di'ba??! ;p
Sa buong subject ganadong ganado ako syempre inspired ang lola n'yo... Hanggang sa mag bell at lunch time na.
"Basty nag dala ulit ako ng Lunch naten... Eto oh, tara dun na lang tayo ulit sa garden mag lunch"
"Oh sige, napakaswerte ko talaga sa'yo Angel, bukod sa mabait kana, maalaga, at napakasweet mo pa. Hindi ko talaga mapigilan malungkot pag umalis na ko, sobrang mamimis kita"
"Oh ayan ka nanaman Basty, wag na muna nating pag usapan yun ok?! Basta sulitin na lang muna natin yung mga natitirang araw na andito ka pa sa piling ko"hindi ko rin napigilan na malungkot sa mga mangyayari sobra ko rin siyang mamimis.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang tumulong luha sa mga mata ko, lalo lang ako napaiyak sa ginawa niya.
"Ok salamat talaga huh, basta tatandaan mo Alexa na mahal na mahal kita at wag kang mag sasawang hintayin ako huh?!"
"Ano ka ba naman hinding hindi ako mag sasawang hintayin ka, sobrang mahal na mahal kita Basty tandaan mo yan"
Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap nya rin ako. Hindi ko napigilan na isubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinaplos haplos niya ang buhok ko.
"Tatandaan ko yan Alexa. Tahan na, wag ka ng umiyak ayoko na nakikita kang umiiyak,mas lalo lang akong nasasaktan at nalulungkot."
Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib niya"Kaw naman kasi eh, nag dadrama ka, alam mo naman mababaw lang luha ko"
"Oh sorry na po Mahal ko.."
OMG!! Lagi na lang ako pinakikilig ng lalaking toh kaya mahal na mahal ko si'ya eh..
"Mahal ko?? Mas ok pa ata endearment yun kesa sa Angel? What do you think Basty? Hindi kasi hindi bagay sa'kin yung Angel ahahahahaha!"
Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko, sakit nun uh pasalamat si'ya Mahal ko si'ya!
"Ouch naman Mahal sinasaktan mo na ko uh"
"Anong hindi bagay? Alam mo ba na una pa lang kita nakita para kang anghel na bumaba sa lupa? Kaya bagay sa'yo yung Angel ok?! Ayoko ng Mahal ang baduy!!"
Nag pout ako ng labi sa sinabi ni'ya, hindi naman kaya baduy yun ang cute nga eh.
"Ah basta Mahal tatawag ko sa'yo. Period! No but's ok?! Di kita papakainin sige ka favorite mo pa naman yung niluto ko ngayon"
"Hahahaha ikaw talaga" sabay kurot nanaman ni'ya sa pisngi ko
"Aray naman! Sumosobra ka na uh ang sakit kaya, tingnan mo oh namumula na pisngi ko kakakurot mo"
"Ang cute kasi ng MAHAL ko" sabay ngiti niya sakin w/ matching taas taas ng mga kilay pa, cute cute talaga
"Kumain na nga tayo kanina pa ko nilalanggam sa kasweet-tan mo eh MAHAL.."
Author's Note,
Hi po, please vote and comment po. Thank you!
BINABASA MO ANG
First Love
Fiksi RemajaBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
