[Alexa's POV]
Haaaay bakit ang lamig....
Binuksan ko ang mga mata ko, nagtataka ako bakit kulay white ang paligid.
Patay na ba ako? Ang alam ko kasi nasa kwarto ako nakahiga ng biglang naramdaman ko na may tumulo sa ilong ko ng hawakan ko dugo pala.
Pinupunasan ko ang ilong ko ng pumasok si yaya at bigla na lang ako nahilo at nawalan ng malay.
Hindi ko na alam kung ano na nangyari sakin nun. Ngayon na gising ako nasa isang kwarto ako na malamig at kulay puti ang paligid.
Napansin ko na may nakapasak na maliit na hose sa ilong ko, oxygen pala. So, nasa hospital pala ako.
Ginalaw ko ang kamay ko at may nakapa ako sa gilid ng kama ko, pag tingin ko may lalaki na nakasubsob ang ulo at natutulog, hindi ko makita ang mukha nya dahil naka talikod ang ulo nya sakin.
Hinanap ng mga mata ko kung nasan si yaya, nauuhaw ako gusto ko ng tubig.
Gusto kong gisingin kung sino man tong lalaki sa may paanan ko pero di ko magalaw ang paa ko dahil nakapatong ang mabigat nyang kamay sa mga paa ko.
"Pssssst pssssst" at tina-try ko igalaw ang paa ko kung saan nakapatong ang kamay nya para magising sya.
Meron din pala ako'ng dextrose, ano ba talaga nangyari sakin, alam ko nilagnat lang naman ako.
Bakit ayaw magising ng taong toh, mas grabe pa pala toh matulog sakin eh.
Ginalaw ko ulit ang paa ko, at naramdaman ko na gumalaw din yung lalaki.
"Pssst pssst!" Tawag ko ulit, di ako makapag salita ng maayos, parang nahihirapan ako magsalita dahil sa oxygen na nakalagay sa ilong ko at dahil nauuhaw ako nanunuyo lalamunan ko.
Ginalaw nya ang ulo nya, kaya napaharap sya sakin.
Shocks!
Anong ginagawa nya dito?
Don't tell me sya nag ba-bantay sakin?
Bigla akong natouch pero teka wag muna, erase! erase! Galit ako kay Sam. Tama!
Tiningnan ko ulit si Sam, at pinag masdan ko syang matulog.
Matagal na ba ko na confine? Bakit parang puyat na puyat si Sam, ni-hindi man lang sya magising-gising kahit anong galaw ko sa paa ko at pag psssst ko sakanya.
May napansin akong hawak nya sa kamay nya, at nacurious ako kaya pinakatitigan ko ang hawak nya, mukhang pamilyar sakin ang bagay na yun uh.
Tri-nay ko kunin ang hawak ni Sam, buti na lang sa kabilang kamay ko nakalagay yung dextrose kaya nagawa kong makuha ang panyo na nasa kamay nya.
Nang makuha ko na ang panyo tiningnan ko ito.
May pangalan na nkaburda sa panyo at laking gulat ko ng mabasa ko ang pangalan.
Alexa Montemayor....
Sakin nga ang panyong ito uh, teka paano toh napunta kay Sam?
Ang alam ko meron akong batang pinag bigyan nito nun bata pa ko.
Flashback...
Nandito ako ngayon sa playground ng subdivision namin, nagyaya kasi mag laro si Kuya Cary, pinsan ko 'sya.
"Alexa tara dun tayo sa swing, bilis!" at agad syang tumakbo.
"Kuya Cary sandali lang hintayin mo ko" agad kasi syang tumakbo, may nilapitan si kuya'ng bata.
Nagulat ako sa sunod na ginawa nya, tinulak nya yung matabang bata sa swing at hindi lang yun, inagaw nya pa yung icecream sa bata at ang sumunod na nangyari inilagay ni Kuya Cary yung icecream sa ulo nun bata.
"Kawawa naman..." at agad akong tumakbo palapit kila kuya at sa batang mataba.
Kinuha ko yung favorite na panyo ko na binigay ni mama sakin kasi si mama mismo ang nag burda ng pangalan ko sa panyo na yun.
Agad ko nilapitan yung bata at inabot yung panyo ko, tiningnan lang nya ko at tinanggap yung panyo na inabot ko.
Bakas sa mga mata nya ang lungkot na nararamdaman nya at talagang nakaramdam ako ng awa sakanya.
Agad ako'ng hinila ni Kuya Cary at nilayo sa matabang bata.
"Kuya Cary bakit mo inaway yung bata? Kawawa 'sya oh, tingnan mo nilagyan mo sya ng icecream sa ulo nya, ang lagkit tuloy nya"
"Hayaan mo nga 'sya Alex, upakan ko pa yan eh"
"Kuya naman, wag mo na 'syang awayin"
"At bakit naman? Kakilala mo ba yan?"
"Hindi..." at tiningnan ko yung batang mataba "pero kawawa 'sya kuya oh, wag mo na syang awayin. Please...."
"Hmmm bahala na, tara uwi na tayo, hayaan mo na lang yan dyan" at hinila na ko ni kuya palayo sa bata at sa alis ng playground. Habang hila hila ako ni kuya, di ko maiwasan na hindi tingnan yung bata.
Bakit ang lungkot ng mga mata nya???
(End of Flashback)
Owwwwwwww Emmmmmm Giiiiiii !!!
Si Sam yung matabang bata sa playground?
Kaya pala pamilyar ang mga mata nya.
Ano gagawin ko....
Matagal ko na rin gusto makita ang batang mataba na yun.
Simula kasi ng makita ko sya sa playground hindi ko na sya nakita.
Pero nun grade 3 naging classmate ko sya bakit hindi ko sya nakilala.
Sabagay tumangkad kasi sya, nun nakita ko kasi sya sa playground ang liit lang nya at ang taba taba.
Naramdaman ko na gumalaw ulit yung ulo ni Sam, pero ngayon nag angat na sya ng ulo nakita nya ko na nakatingin sakanya at nagulat sya ng makita nyang hawak hawak ko ang panyo na binigay ko sakanya noon...
Oh no....
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko...
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Novela JuvenilBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
