[Alexa's POV]
(Friday... 10:00am)
Hindi ako nakapasok dahil late na ko nagising, at hindi ako makatayo dahil sobrang sama ng pakiramdam ko.
Ang sakit ng ulo ko at katawan ko, siguro sa kakatakbo ko toh kahapon nun sinusundan ko si James sa mall.
Hindi rin ako nakatulog kagabi kakaisip sa mga nangyayari, ni-hindi rin ako nakakain ng dinner dahil wala ako'ng gana.
Habang nasa byahe ako pauwi ng bahay kahapon, tawag ng tawag sa phone ko si Sam, kaya i-off ko muna ang cellphone ko para hindi na sya makatawag.
Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari, bakit laging kasama si Sam sa mga hindi magandang bagay na nangyayari sa buhay ko.
Pag napapalapit ako kay Sam may mga bagay na hindi maganda'ng nangyayari sakin, dapat ata na talagang layuan at iwasan ko na 'sya
Knock..
Knock..
"Alexa, anak..." Tawag ni yaya at binuksan na nya ang pinto ng kwarto ko.
"Ya, bakit po?" Matamlay na sagot ko kay yaya ng makalapit na 'sya sakin umupo sya sa gilid ng kama.
Naramdaman ko ang malamig na palad ni yaya na nakapatong sa noo ko.
"Susmaryosep naman Alexa, umaapoy kana ng lagnat bata ka, teka at kukuha lamang ako ng bimpo at planggana na may tubig"
At agad din nakabalik si yaya ang bilis talagang kumilos nito kahit medyo may edad na.
"Ano ba masakit sayo Alexa?" pag alalang tanong ni yaya sakin habang dinadampian 'nya ko ng bimpo sa noo.
"Masakit lang po ulo at katawan ko ya, ok lang po ako, mamaya mawawala rin toh"
"Teka nga at pag luluto kita ng lugaw para makainom ka na rin ng gamot. Hayaan mo lang na nasa noo mo yang bimpo para bumaba ang lagnat mo" pag bibilin ni yaya at tumayo sa sya para bumaba.
"Opo ya...." pag labas ni yaya ng kwarto ko pinikit ko ang mga mata ko dahil ang bigat bigat nito, inaantok ako pero di ako makatulog.
Nanginginig ang buong katawan ko.
[Sam's POV]
Bakit kaya hindi pumasok si Alexa?
Haaaay ano ba yan, bakit pa ako nag tatanong eh obvious naman na kaya hindi 'sya pumasok dahil ayaw 'nya kaming makaharap or makita, lalung-lalo na ko.
For sure iba na naman nasa isip 'nya. Iisipon nun na kasabwat din ako nila Angela.
Haaaaay buhaaaaay....
Kelan kaya magkakaroon ng tiwala sakin si Alexa at kelan kaya sya maniniwala na hindi ko 'sya niloloko at nag bago na talaga ako.
Siguro ito na yung time na hinihintay ko para pag tapat ko sakanya ang lahat na kaya ko sya binubully noon dahil gusto ko lang na maalala nya ko, na ako yung bata na pinag tanggol 'nya sa pinsan 'nya sa playground.
"Sam! Bakit mag isa ka dyan?!" kahit kelan ang lakas talaga ng boses ng babaing toh, parang hindi babae kung kumilos at mag salita eh.
Nandito nga pala ako sa hallway nag papalipas ng oras, vacant namin eh.
"Vacant namin, nakakainip sa classroom tapos ang iingay pa ng mga classmate ko masakit sa utak eh" sagot ko kay Shiena.
"Masakit talaga sa utak Sam? Bakit may utak ka ba? Ehehehehe joke!" Sabay peace sign nya "Bakit di mo yata kasama si babe mo? Uyyyy ikaw huh? Wala ka naki-kwento sakin na niligawan mo pala si Alexa." pag tutukso 'nya sakin sabay sundot sundot pa 'nya sa tagiliran ko.
"Ano ba nakikiliti ako Shiena" sabay palo ng mahina sa kamau nya "Mahabang istorya kaya wag mo na ipakwento baka abutin tayo ng summer" pagbibiro ko sakanya, wala kasi akong alam na pwedeng idahilan sakanya kasi wala naman talagang ligawan na naganap at hindi ko naman talaga girlfriend si Alexa dahil nag papanggap lang kami. "Wala si Alexa, absent" walang gana kong sagot, alam ko naman kasi ang reason nya kaya hindi sya pumasok.
"Baka na-late na naman yun ng gising ehehehe" pag bibiro ni Shiena.
"Sana nga na late lang ng gising...." bulong ko. Ewan ko lang kung narinig nya ko.
"May sinasabi ka Sam?" Takang tanong ni Shiena.
"H-huh ah wala, wala"
***
"Sam!" Tawag ni Shiena sakin, tumatakbo sya papalapit sa kinatatayuan ko. Pasakay na sana ako ng kotse at uuwi na sana.
"Oh bakit Shiena? ang putla mo uh, anong nangyari sayo?"
"Si Alexa sinugod sa Hospital!!"
"Huh?! B-bakit daw!? Saan hospital?! Tara puntahan natin"
"Sa *toot* *toot* Hospital tara na! Ay! teka dun pala ako sasakay sa service ko, kita kitz na lang sa hospital Sam, bye!!" At nagmamadali syang sumakay sa service nya at ako naman agad na nag drive papunta sa hospital.
Ano kaya nangyari kay Alexa, sheeeet! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pinaharurot ko ang kotse ko at agad ako nakadating sa hospital kung saan naka admit si Alexa.
Pag pasok ko nakita ko nakaupo sa labas ng emergency room ang yaya ni Alexa.
"Manang Fe..." mahinang tawag ko at agad naman syang napataas ng ulo at tiningnan ako. Naluluha sya at bakas sa mukha nya ang takot.
"Manang, ano po nangyari kay Alexa? Kumusta na po sya?" Pag aalalang tanong ko, sa nakikita ko kasing reaksyon sa mukha ni Manang Fe, ninerbyos ako.
"Hindi ko alam kung ok na sya Sam, nasa loob pa sya at inoobserbahan ng mga doktor." sabay punas ng luha sa mata nya "Kanina kasi sobrang taas ng lagnat nya, iniwan ko lang sya sa kwarto nya para ipagluto ng lugaw para mainitan ang sikmura nya at para mapainom na rin ng gamot, pag balik ko nakaupo sya at pinupunasan ang ilong nya kasi may tumutulong dugo tapos bigla na lang sya nawalan ng malay kaya agad na namin syang sinugod sa hospital."
pag k-kwento ni Manang Fe at bakas sa boses nya ang takot at nerbyos. Nakita ko na rin na nag punas sya ng luha sa mga mata nya.
At kahit ako naluluha na rin sa takot...
"Wala pa po ba sinasabi ang mga doktor Manang?" pag aalalang tanong ko, sa mga nakwento ni manang fe natatakot ako sa kalagayan ni Alexa.
"Wala pa silang binabalita sakin hijo, nasa loob pa sila at pinalabas ako dito, sana naman walang masamang mangyari sa alaga ko" umiiyak na sabi ni Manang.
Umupo ako sa tabi nya at hinagod ang likuran nya para patahanin "Mag tiwala lang po tayo sa taas Manang, wala po masamang mangyayari kay Alexa" haaaay sana nga walang masamang mangyari sakanya.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Fiksi RemajaBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
