[Alexa's POV]"S-say-yo y-yata t-toh" sabay abot ko sa panyo ko na binigay ko sakanya noon at umiwas ako ng tingin. "Nasan si yaya?" Tanong ko na lang kasi wala akong alam na sabihin.
"Wala ka pa rin ba naaalala?" bigla ko syang tiningnan at ngayon nakayuko sya at tinitingnan yung panyo na hawak nya.
"Hindi mo ba naaalala ang panyo na toh?" Tanong nya at tumingin sya sakin at nakita ko na naman ang mga malulungkot nyang mga mata, katulad din ng mga mata nya nun mga bata pa kami.
"Sam...." tanging nasabi ko na lang.
May nakita akong tumulong luha sa mata nya na agad din nyang pinunasan gamit ang likod ng palad nya.
"Hehehehe ano ba tong sinasabi ko" tumawa sya, pero yung tawa na malungkot at halatang pinipilit lang nyang pasiglahin ang sitwasyon. "Kumusta na pala pakiramdam mo?" tumayo sya at tumalikod sakin at nakita ko na nag punas na naman sya ng mga mata nya. Umiiyak si Sam?, ngayon ko lang nakita na ganyang side ni Sam.
Humarap na sya sakin na may ngiti sa mga labi nya pero hindi umabot sa mga mata nya "Alis muna ako Alexa, darating na rin naman si Manag Fe, umuwi lang sya para makapag pahinga at para kumuha ng gamit" at agad na syang tumalikod.
Ano ba yan, bakit sya aalis? kaylangan ko sya makausap, marami ako'ng gustong itanong at malaman.
Bago pa nya mabuksan ang pinto, nag salita na ko, kaylangan ko talaga malaman ang lahat.
"Kung ikaw talaga yung bata sa swing bakit mo ko binubully nung mga bata pa tayo?, Bakit hindi mo nagawang mag pakilala sakin?" Nakita ko na tumigil sya sa pagbukas ng pinto ng kwarto, ewan ko kung ilang segundo sya nakatayo at hindi gumagalaw sa kinatatayuan nya.
Nakatingin lang ako sa likod ni Sam ng bigla na lang syang humarap sakin na may malungkot na aura.
"Gusto mo talagang malaman?" tumango lang ako bilang pag sagot sa tanong ni Sam.
Hindi umalis sa kinatatayuan si Sam, yumuko sya at nag salita.
"Nung araw na makita kita sa school, nasurpresa ako, kasi matagal na kitang gustong makita. Simula kasi nung pinagtanggol mo ako sa pinsan mo sa playground noon, umalis kami sa subdivision na yun at lumipat ng ibang bahay, ni-hindi pa nga ako nakakapag pasalamat sa ginawa mo. Simula rin kasi ang nangyari noon sa playground hindi na ako binully ng pinsan mo." yumuko sya at tiningnan ang panyong hawak hawak nya "Minsan nakita kita sa hallway malapit sa locker room, lumapit ako sayo pero tiningnan mo lang ako ulo hanggang paa. Papakita ko sana itong panyo na binigay mo sakin kaya lang hindi mo ko pinansin, dinaanan mo lang ako nun at nilagpasan. Simula nun, nawalan na ko ng lakas ng loob para lumapit sayo, kaya nakaisip ako ng ibang paraan para mapansin mo at mag baka sakali na rin na maalala mo ko kaya binully kita. Kasi sa pam bu-bully rin tayo nagkakilala noon, ang buong akala ko na maaalala mo ko sa paraan na yun pero nag kamali ako" tumigil sya at nag punas ng mga luha sa mga mata nya, oo luha kasi umiiyak na sya at hindi ko namalayan na naiyak na rin ako "Ang buong akala ko mapapansin mo ko, oo napansin mo nga ako pero kinamuhian mo naman ako" ano ba yan, hindi ko kasi sya naalala nun iba kasi itsura nya nun nasa playground sya.
Hindi ko napigilan na hindi maiyak sa mga nalaman ko, yung batang matagal ko ng hindi nakita at matagal ko ng gustong makita si Sam lang pala yun.
Aside from Basty, sa batang nasa swing ko rin naramdaman ang pag bilis ng puso ko, pero bata pa lang ako nun kaya hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng naramdaman ko noon.
Simula ng nangyari sa playground nun lagi na ko nag papapunta sa yaya ko sa playground, nag babasakali na makita ko ulit ang batang mataba na may malungkot na mata, pero lagi akong umuuwing malungkot kasi sa araw araw na pag punta ko sa playground, hindi ko na nakita ang batang yun. Kahit si yaya nag tataka bakit araw araw ako nag papapunta sa playground kahit wala akong kalaro basta uupo lang ako sa swing kung saan nakaupo yung batang mataba.
Lumipas ang ilang araw na madalang na lang ako mag punta at mamasyal sa playground. Pag mapapadaan ang service car ko sa playground na yun lagi na lang ako sumusulyap at nag babakasakali na makita ang batang mataba, lumipas ang ilang araw, buwan, at taon napagod na ko kakahintay kaya nawala na sa isip ko ang pag asa na makita ko pa ang batang yun.
Nun time na nag transfer ako sa school nila Sam, at makita ko sya agad ko napansin ang mga mata nya. Familiar ang mga mata nya pero hindi ko na lang pinansin yun hanggang sa binully nya ko at nag simulang kamuhian 'sya.
"Alam mo bang matagal na kitang gustong makita, simula ng mangyari yun sa playground, araw araw ako nag pupunta dun. Nag babasakali na makita kita ulit pero lumipas ang ilang araw, buwan at taon walang batang mataba na may malungkot na mata akong nakita hanggang sa napagod na ko at tinigil na ang pag hihintay na dumating ka sa playground" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko ang lahat ng yun kay Sam.
"Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko nun bakit gustong gusto kitang makita, na parang may nag tutulak sakin na lagi akong pumunta sa playground para makita ka" pinunasan ko ang mga luhang patuloy sa pag tulo "Nun araw na nag transfer ako sa skwelahan nyo napansin ko ang mga mata mo na pamilyar pero hindi ko masyadong pinansin dahil hindi naman kita kilala at hanggang sa binully mo ko at nag simulang kamuhian kita..." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla akong yakapin ni Sam, pahigpit ng pahigpit ang yakap nya na parang ayaw nya ko pakawalan.
"Patawarin mo ko sa mga nagawa ko sayo nun Alexa, hindi ko naman ginusto na bully-hin ka, nagawa ko lang naman yun dahil gusto ko na pansinin mo ko at nag bakasakali ako na maalala mo ko. Dahil sa pambu-bully ng pinsan mo sakin tayo nag kita, kung alam mo lang na gusto'ng gusto ko mag pakilala sayo pero wala akong lakas ng loob, natatakot ako na baka hindi mo ko pansinin kahit na mag pakilala ako noon sa'yo..." Umiiyak rin si Sam dahil naramdaman ko na basa ang balikat ko "patawarin mo ko Alexa, please...."
"Ssshhhh.... tahan na Sam, ngayon naiintindihan na kita" sabay hagod ko sa likod nya para kahit papano gumaan ang mabigat nyang nararamdaman, alam ko na nagi-guilty sya sa lahat ng ginawa nya sakin noon . "Pinapatawad na kita Sam, mag simula ulit tayo at kalimutan ang mga masasamang nangyari noon. Friends?" At tinulak ko ng konti si Sam para mag kaharap kami at nilahad ko ang kamay ko sakanya.
"Friends..." at nag shake hands kami sabay ngiti sa isa't isa, niyakap ulit ako ni Sam "Salamat talaga Alexa"
itutuloy....
******************************************
Happy New Year!! Pasensya na tagal ng update...
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...