[Alexa's POV]
"Bilisan mo nga Sam ang bagal mo naman eh, hindi na natin mahabol si James" nandito kami ngayon sa mall, nag patulong ako kay Sam na bumili ng mga kelangan ko sa project, sakto nakita namin si James.
"Bakit ba kasi natin 'sya sinusundan?" pagrereklamo ng mokong na toh.
"Eh kasi nga po gusto ko malaman kung ano talaga reason nung Angela na yun kung bakit gusto 'nya ko paligawan kay James" inis na sagot ko kay Sam. Unlimited? Paulit ulit kasi eh, ilan beses ko na sinasabi sakanya.
"Eh bakit pa kasi gusto mo pang malaman?"
"Eh sa gusto ko eh, kung ayaw mo ko tulungan. Eh di wag!! Dyan ka na lang!!" At tumakbo na ko para mahabol si James.
Ewan ko kung sinundan ako ni Sam o hindi, bahala 'sya sa buhay nya basta ako?? Gusto ko talagang malaman kung ano talaga reason ng bitch na yun.
Hinihingal ako ng makarating ako sa likod ng mall, meron kasi dun coffee shop at dun ko nakitang pumasok si James.
Hindi muna ako pumasok at pasilip silip ako kung saan 'sya banda pumwesto, ng makita ko na nakaupo na 'sya sa bandang dulo ng coffee shop sa walang masyadong tao, pumasok na ko.
Sabi ko na nga ba mag kikita sila ng Angela na yun.
Umupo ako sa tabi ng table nila. Buti na lang yung pwesto nila ni Angela nakatalikod kung saan ako nakaupo at yung upuan dito sa coffee shop mataas yung sandalan, lampas sa ulo kaya hindi nila ako makikita.
"James, bakit hindi mo naman sinabi na si Samuel pala ang boyfriend ni Alexa?! My gulay naman James!!! Sa lahat ng lalaki na magiging boyfriend ni Alexa si Sam pa talaga!!" Eh ano naman kung si Sam yung boyfriend ko? Este fake boyfriend pala, bakit big deal sa bitchy witchy na toh na si Sam ang boyfriend ko?
"Hindi ko ba nasabi sayo?" Pamaang maangan na sagot ni James, kawawa naman, para 'syang bata na pinagagalitan ng nanay 'nya.
"Ay oo sinabi mo, kaya nga alam ko na si Samuel ang boyfriend ni Alexa eh" pilosopong sagot ni Angela.
"eh-he-he" ewan ko kung natatakot o ng iinsulto itong tawa ni James eh, di ko kasi makita face nila.
"Umayos ka James huh, babangasan talaga kita! Gusto ko pag hiwalayin mo si Samuel at si Alexa, gawin mo ang lahat na pwedeng maging dahilan para mag hiwalay sila" ayos uh, desperada lang te?
"Teka nga Angela..., bakit ba gustong-gusto mo na mag hiwalay sila ni Sam? Wala ako alam na mga reason mo sa mga pinagagawa mo sakin eh, bakit ba galit na galit ka kay Alexa? Ano ba ginawa 'nya sayo? Tsaka bakit ganyan ka na lang kadesperada na mag kahiwalay si Sam at Alexa?" very good James, yan din ang gusto ko malaman eh.
"H-huh? A-ah... basta! huwag ka na marami pang tanong gawin mo na lang ang pinagagawa ko sayo. Remember? Sasagutin lang kita pag napaghiwalay mo na sila" at naramdaman ko na parang may tumayo' sa isa sakanilang dalawa.
"Alexa andyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap" sinundan pala ako ng mokong na toh, at hindi ko napansin na nakalapit na pala 'sya sa table ko.
"Samuel..." may narinig ako'ng bumulong sa bandang likuran ko. Pag lingon ko, si Angela pala, maganda pala 'sya sa malapitan may pag kahawig kay Jasmin Curtis.
"O-oh A-angela, a-anong ginagawa mo dito?" say what!? mag kakilala sila!? Sakto naman na nakalapit na rin si James sa kinatatayuan ni Angela.
"A-alexa?? K-kanina ka pa ba dyan?" namilog ang mga mata ni James ng makita ako at dun palang napatingin sa kinauupuan ko si Angela, bakas din sa mukha nya ang pagkagulat.
Tumingin ako kay Sam at tumayo "Mag kakilala kayo'ng dalawa?" mahinang tanong ko kay Sam, tumango lang 'sya bilang pag sagot sakin at napayuko.
"Alexa let me explain" si James ang nag salita at lumapit sakin. Hahawakam nya sana ako sa braso pero mabilis ko naiwas kay James sa sobrang inis ko napaluha na ko at nag walk out.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa parking lot, agad akong sumakay sa kotse ko, buti na lang talaga at hindi na ko sumabay sa kotse ni Sam kanina.
Pag dating ko sa bahay agad ako tumakbo sa kwarto at dumapa ako sa kama, iyak ako ng iyak.
Hindi ko mapigilan na hindi mapahagulhol ng iyak, bakit mag kakilala sila ni Angela?
Ano ba nagawa ko kay Angela at kay Sam para gawin nila sakin toh?
[Sam's POV]
"Wait Samuel, mag usap muna tayo!" pag pigil ni Angela sa braso ko ng paalis na ko ng coffee shop para habulin si Alexa.
"Ano pa ba dapat natin pag usapan huh Angela? at ano ba tong kalokohang pinag gagawa mo?" galit na sagot ko kay Angela at pagalit na inalis ang kamay nya na nakahawak sa braso ko.
"Alam mo naman ang reason ko kung bakit ko nagagawa toh di ba Samuel?" naluluhang sagot ni Angela.
"Angela ilang beses ko bang sasabihin sayo na isang babae lang ang mahal ko at mamahalin ko? mahirap bang intindihin yun?" wala akong pakialam kahit marinig pa ni James ang pinag uusapan namin ni Angela, gusto ko rin na malaman nya na ginagamit lang 'sya ni Angela.
"Bakit ba kasi hindi mo ko nagawang mahalin Samuel? Lagi naman tayo mag kasama noon uh? Simula pa ng mga bata tayo ako na kasama mo, bakit 'sya pa rin?" Ngayon umiiyak na si Angela at nilapitan 'sya ni James at inalalayan na umupo.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko na kelangan sagutin yan mga tanong mo Angela, alam mo na naman ang mga sagot sa mga yan eh" at iniwan ko na sila.
Sinubukan ko habulin si Alexa, pag dating ko sa parking lot paalis na ang kotse nya, sinubukan kong habulin kaya lang mabilis na nakaalis.
Sheeeeeet kaylangan ko ng makausap si Alexa, siguro eto na yung time para masabi ko na sakanya ang totoo.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
