Chapter 9

110 6 1
                                        

[ Shiena's POV,]

Napansin ko na ilang araw ng malungkot si Alex,naaawa tuloy ako sakanya. Sobra s'yang nalungkot sa pag alis ni Basty.

Pero kahit naman ako na lungkot sa pag uwi n'ya ng Korea naging mag kaibigan din naman kami kahit papano, pero mas close sila ni Alexa kaya siguro grabe s'yang naapektuhan.

Hmmmm ano kaya pwede ko'ng gawin para mawala kahit papano ang lungkot ng bessy ko.

Isip....

Isip....

Isip....

"Aha!!!! tama si Sam boy!" yay!!! napalakas ang sabi ko dapat sa isip lang yun para exciting kaya lang narinig nyo na eh. Wala na.

Matawagan nga...

Calling...

Sam Boy...

After ng ilang ring sinagot naman n'ya agad yung tawag ko.

["Hello?"]

"Hey Sam, kumusta?"

["Who's this?"]

"Ang arte mo huh Sam! Amnesia girl lang ang peg?!"

Narinig ko s'yang tumawa sa kabilang linya. Lintek! Pinag ti-tripan ata ako ng mokong na toh!

"Leche ka Sam! Wag mo nga ako pinag ti-tripan!"

["Oh chilax Shiena! ahahahha hindi ka pa rin nag babago, matapang ka pa rin hanggang ngayon. Ahahaha"]

"Oo at sumobra pa ang tamang ko ngayon kesa dati! Kaya matakot ka baliw!"

["Ok sabi mo eh, ahahahhaha! Oh anong meron at napatawag ka?, tatanungin mo ba ko kung pwede mo ko ligawan? huh shiena?"]

Ang kapal talaga ng isang toh kahit kelan!

"Huwag ka ngang feelingera at assumera Sam! Kaylangan ko lang ng tulong mo kaya ako napatawag"

["Ok, shooot.."]

Nakz ang lakas ko talaga sa lalaking toh, alam ko kasi secret n'ya kaya siguro kahit anong hilingin kung tulong sakanya handa nya kung tulungan.. Lalo na pag dating kay Alexa. Ahihi ang saya saya. ^.^

"May problema kasi Alexa, Sam....."

[AN; sino nga ba si Sam boy?]

[Flashback]

Nandito ako ngayon sa garden ng skwelahan namin, habang hinihintay ang Flag Ceremony, maaga kasi ako naihatid ng driver namin, may kaylangan daw syang ihatid sa opisina ni papa.

Naagaw ng atensyom ko ng isang babae, nasa Grade 5 na rin sya tulad ko kaya lang hindi ko sya kaklase kaya hindi ko sya kilala by name pero kilala ko s'ya sa mukha.

May lumapit na lalaki sakanya at kilalang kilala ko sya kasi naman sya ang most bully dito sa school. Samuel name nya pero Sam boy ang tinatawag ng karamihan sakanya.

Kinatatakutan sya ng marami bukod sa ang laki nya'ng tao, medyo mataba pa sya kya nag mumukha syang high school student.

Bigla na lang pinitik ni Sam boy yung tenga nung girl, nasaktan sigurado sya kaya nya tinakpan ng mga kamay nya ang kanyang mukha, nanginginig ang mga balikat nya at sigurado ako na umiiyak sya. Hindi pa rin sya tinantanan ni Sam boy, hinigit higit pa ni Sam boy ang buhok nya.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ko sakanila.

"Hoy ikaw!" Sabay turo ko sa mukha ni Sam boy "Bakla ka ba?!" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at lalong hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at nasabi ko ang mga yun, pero wala na rin ako magagawa nandito na eh. Mag tatapang tapangan na lang. 😶😬

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon