[Alexa's POV]
Hindi ko maintindihan kung bakit affected ako sa ginagawa ni Sam saken, dahil kaya nasanay ako na binubully niya ko o meron pang ibang dahilan.
Naglabas ako ng malalim na pag hinga at hinawakan ko ang pendant na suot ko.
Haaaaaay.....
Kumusta na kaya si Basty?
"Ay kabayo!!" nagulat ako ng biglang may tumamang bola sa likod ko, sakit nun uh!
Nandito kasi ako malapit sa volleyball field nakaupo, hinihintay ko kasi si Shiena.
Paglingon ko si Sam ang dumampot ng bola.
Tiningnan ko sya ng masama.😡
So, sya pala nakatama ng bola sakin...
Ang akala ko titigilan na nya pambubully saken, yun pala kumuha lang ng bwelo at eto na naman sya nag sisimula na naman ng panibagong yugto ng masaklap kong buhay dito sa school.
Pagdampot ng bola ni Sam umalis na sya agad, na parang walang nangyari, bumalik ulit sya sa mga kalaro nya.
Grrrrrrr.....
Hindi man lang nag pasorry, kapal talaga!
Makabalik na nga lang ng classroom nakakabadtrip lang dito, ite-text ko na lang si Shiena.
Habang nag lalakad ako may humarang sa daraanan ko, isang lalaking estudyante rin sa school na ito, naka short, white tshirt sya at pawisan. Mukhang isa sya sa mga kalaro ni Sam ng volleyball.
Yumuko sya sa harapan ko "Ms. Alexa... sorry po kanina, ako po yung nakatama ng bola sa inyo, patawarin nyo po ako Ms. Alexa, hindi ko po talaga sinasadya" hanggang sa matapos syang mag salita naka yuko pa rin si Kuya.
"Ok lang yun Kuya, hindi naman po ako masyadong nasaktan eh" totoo namang hindi ako masyadong nasaktan eh, medyo lang.
"Baka po kasi isipin nyo na si Mr. Sam yung nakatama ng bola sainyo" nakayuko pa rin si kuya at hindi ako tinitingnan kahit nagsasalita sya, At bakit alam nya na si Sam ang iniisip ko na nakatama ng bola saken? baka naman kinausap ni Sam si Kuya para humingi ng sorry kasi alam niya na sya yung iisipin ko na nakatama ng bola sa likod ko.
"Eh kuya sino naman nagsabi sayo na baka si Sam ang iniisip kong nakatama ng bola sakin?"
This time nakatingin na sya saken pero parang lagpas saken eh, i mean parang sa likod ko "A-ah e-eh w-wala naman Ms. Alexa, sige alis na ko pasensya na ulit huh" at agad na umalis si kuya.
Paglingon ko sa likod ko wala naman tao...
Ang weird....
***
Wala pa rin nag bago sa pakikitungo ni Sam saken pero minsan nahuhuli ko syang nakatingin pero agad din naman syang umiiwas ng tingin.
Nakaupo lang ako dito sa loob ng class room, wala kasi yung teacher namen sa Biology, may meeting daw kaya yung mga classmate ko busy sa pakikipagtsismisan, yung iba busy sa mga gadget nila.
Hay dapat kasi classmate ko si Shiena, eh di sana hindi ako naiinip ng ganito at may kakwentuhan din ako tulad nila. Bakit kasi wala man lang akong ibang kaibigan eh.
BLAG!!!
Lumingon ako sa likuran ko ng may marinig akong may bumagsak, nakita ko na nakatumba ang upuan sa harapan ni Sam, nakita ko rin na masama ang tingin nya sa isa kong classmate na lalaki, James yata name.
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
