[Alexa's POV]
Gusto ko'ng tanungin si Shiena tungkol sa nakita ko pero pinipigilan ko ang sarili ko. Tama nga si Sam hintayin ko na lang na si Shiena ang mag open about dun.
"Best! Yan lang ba kakainin mo? Mabubusog ka ba dyan?" Masigla nyang tanong. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Tiningnan ko lang sya at nginitian.
"Oo, busog pa naman ako" sagot ko.
"Sigurado ka? May masakit ba sayo best? Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon?" Nilapat pa nya ang likod ng palad nya sa pisngi at noo ko.
"Wala best, hindi lang siguro maganda ang gising ko... ahmmmm una na ko huh" sabay tayo ko at agad ko dinampot ang bag at gamit ko.
Hindi ko kayang makaharap ng matagal si Shiena sa ngayon, parang ang bigat ng makiramdam ko kasi may alam ako na hindi man lang nya magawang sabihin sakin. Kahit hindi naman nya alam na mag-on kami ni Basty, alam naman nya kung gano kami kaclose ng nandito pa sya.
"Hoy!"
"Ay palakang panot! Ano ba Sam... ba't ka ba ng gugulat?"
"Ang lalim na naman kasi ng iniisip mo, kanina pa kaya ako sa tabi mo. Hindi mo man lang ako napansin na dumating"
Napahinga ako ng malalim "Hay... Sam ang hirap kasi eh, kanina ng kasama ko si Shiena sa Cafeteria nakaramdam ako ng inis, alam mo yun, alam mo na may alam sya na ayaw nyang sabihin. Akala ko ba bestfriend ko sya? Bakit kelangan nya'ng itago sakin na dumating na si Basty at nagkakausap sila?"
Instead na sagutin nya ang tanong ko tumayo sya at ginulo nya ang buhok ko "hehehe parang masarap kumain ng icecream ngayon noh? tara kain tayo?" at hinila nya ko patayo.
Ngumiti ako at tumango kay Sam.
Laking pasasalamat ko at lagi syang nasa tabi ko sa oras na kaylangan ko ng makakausap at kaibigan.
~*~
"Hmmmm ang sarap naman. Uy! Fishball oh... Tara kain tayo dali" dinala ako ni Sam sa isang Park na maraming nag titinda ng mga pagkain na gusto'ng gusto ko'ng kainin. Pero binabawal ako ni yaya dahil marumi daw ang mga yun at nakakalason. Syempre di ako naniwala. Minsan nag papadaan ako sa driver ko sa kanto ng school para bumili ng fishball and kikiam, secret lang natin yun huh?? Pagagalitan kasi ako ni yaya.
"Sam tikman mo toh dali....." tinapat ko kay Sam ang isang stick ng fishball at bigla na lang nya nilayo ang mukha nya at nag takip ng ilong.
"Alexa! Ang sabi ko gusto ko kumain ng icecream hindi ng mabahong yan."
"Hahaha abah! Kasalanan mo dito mo ko dinala eh" sarap pag-tripan ang isang toh.
"Malay ko ba na kumakain ka pala ng mga ganyan... tch! Layo mo nga sakin yan... ang baho" tumalikod sya sakin at nag lakad palayo.
"Sam!!" tawag ko sakanya
"Oh! Ano?!" Inis na lumingon sya sakin at naglakad ako palapit sakanya. Habang papalapit ako sakanya paatras naman sya.
Nag smirk ako at tiningnan si Sam ng nakakaloko "Hindi ko alam na maarte ka pala Sam, kala ko kowboy ka. Simpleng fishball lang di mo makain... Hmmm nag kamali pala ako." tumusok ako ng fishball at isusubo ko na lang ng agawin ni Sam at agad na sinubo.
Napangiti ako sa ginawa nyang yun. Effective ang drama ko mga teh! ehehehe Wagi!
Tiningnan ko kung ano magiging reaction nya ng kainin nya yung fishball.
Natuwa ako ng ngumiti sya sakin.
"Ang sarap!! Tara bili pa tayo" hinila nya ko palapit sa nag titinda ng fishball.
Tusok dito tusok doon...
Sawsaw dito sawsaw doon...
After 9815273 years nandito pa rin kami sa tapat ng tindahan ng fishball at hindi pa tapos kumain si Sam. Lahat ng tinda dito tinikman nya at nag enjoy talaga sya.
"Alexa ang sarap pala talaga ng mabahong toh! Bukas balik tayo dito huh?" Sabay subo nya sa kwek-kwek na hawak nya.
"Hindi ka pa ba busog Sam? Pang isang buwan na nakakain mo eh" pag bibiro ko sakanya.
"Hindi pa" at tumusok pa ulit sya at kumain ng kumain. Habang hinihintay ko si Sam tumingin ako sa paligid. Ang daming tao na kumakain dito. Ang sasaya ng mga mukha nila. Sa may playground madaming bata na nag lalaro at ang kukulit nila. Parang ako lang nung bata pa ko, ang hilig ko rin mag laro sa playground ng subdvision namin. Haaaaay... Buti na lang dinala ako ni Sam sa lugar na toh. Kahit papano nakalimutan ko sandali ang iniisip ko.
"Haaaaaay busog na busog ako Alexa" lumapit sya sakin at may hawak syang sago't gulaman.
"Hehehe parang isang taon kang di kumakain uh" pagbibiro ko kay Sam
"Hahahaha first time ko makakain ng fishball eh tsaka nung kwek-kwek. Sarap pala kahit mabaho at mukhang madumi"
"Kulang na nga lang maubos mo paninda ni Manong eh, arte arte ka pa nung una ayaw mo pang tikman. Wala ka kasing bilib sa taste ko eh hahahaha"
Nagkwentuhan at nag tawanan kami ni Sam habang nag lalakad lakad sa park, ng mapagod kami naupo muna kami sa swing.
Nag swing ako ng nag swing na parang bata. Namiss ko toh... Haaay kung pwede nga lang maging bata forever.
Pinanood lang ako ni Sam at ng mapansin ko na umupo na rin sya sa katabi kong swing hindi na sya sakin nakatingin at ang seryoso ng mukha nya.
Tumigil ako at pinanood ang mga batang nag hahabulan sa harapan namin...
"Hmmmm Alexa, what if mag pakita na sayo si Basty... Ano gagawin mo?"
Nabigla ako sa tanong ni Sam kaya napatingin ako sakanya pero hindi sya sakin nakatingin. Alam ko na seryoso sya sa mga oras na toh.
Oo nga naman, ano nga ba gagawin ko kung mag pakita na sakin si Basty?
"Hindi ko alam..." yun lang ang nasagot ko at tumingin sya sakin at ngumiti ng malungkot.
"Basta huwag mo ko kakalimutan huh? Friends pa rin tayo" nakita ko na parang may namuong luha sa mata nya. Tumingala sya "Haaaaay ang ganda ng langit oh ang aliwalas sa mata" kahit na nakangiti si Sam alam ko at nararamdaman ko na malungkot sya.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Ficção AdolescenteBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
