Basty's POV,
Haaay date na namin ni alexa today! This is it! Kelangan ko ng sabihin sakanya na aalis na ko, ang hirap di ko alam pano ko sasabihin sakanya.
...AT THE MALL...
Hindi ko na sinundo si Alexa sa bahay nila, alam kasi ng parents niya na group date toh. Mahirap na baka mahuli pa kame, asan na kaya siya ang tagal naman nya, mga babae nga naman talaga.
Habang hinihintay ko si Alexa iniisip ko na pano ko sasabihin na aalis na ko, nakakalungkot talaga na malayo sa mahal mo, alam ko na kahit bata pa lang kame ngayon, sigurado ako sa sarili ko na Love na nga itong nararamdaman ko para sakanya.
Habang nakatayo ako dito sa labas ng mall may umagaw ng attention ko na couple, may binigay na bulaklak yung lalake sa babae, halata sa babae na masaya siya sa ginawa ng lalake para sakanya.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit sakanila.
Naiisip ko na nun pa na bilhan din si Alexa ng flowers sa 1st date namen kaya lang pano niya iuuwi yun?? For sure pag nakita ng parents nya mag tatanong sila bakit siya may dalang bulaklak.
Ang hirap ng sitwasyon namin gusto kong pakita saknya kung gano siya ka-importante saken, like giving her flowers, chocolates, letters, and pag hatid sakanya pauwi sa bahay nila.
"Hi Basty! Lutang na lutang ka uh di mo napansin na dumating na ko! "
Bumalik lang ang sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ng isang anghel na bumaba sa lupa..
"Pasensya na may iniisip lang ako, tara na sa loob?"
Ang kulit talaga ng girlfriend ko di ako titigilan nito hanggat di ko sinasabi kung ano iniisip ko.
"Anong iniisip mo? Ako ba? Ayeeeeh"
"Lagi naman kitang iniisip eh"
"Eh di ako na talaga maganda, ahahaha thank you Basty"
"Bakit ka naman nag papa-thank you?"
"Eh kasi pinaparamdam mo mahal mo talaga ako, thankful ako kasi andyan ka palagi sa tabi ko kaya wag mo ko iiwan huh?"
Ano ba yan nakonsensya naman ako sa mga sinabi niya? Ano magiging reaksyon niya pag sinabi ko sakanya na aalis na ko, at iiwan ko na siya. Putchi ang hirap naman oh!
"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita huh"
"Ano ka ba pinakikilig mo nanaman ako Basty! tara na nga!"
Alexa's POV,
Ang saya ng date namin ni Basty pag pasok namin sa Mall kumain agad kame, after kumain nag yaya ako sa time zone nag laro kame ng iba't ibang arcade.
After sa time zone nanood kame ng sine.
Ang bilis ng oras para saken at heto na kami palabas na ng mall pero nag yaya muna si basty mag starbucks.
"Vanilla frap. For maam Alexa"
"Ano kaba?! maam ka dyan!" Ehehehe
Etong si basty masyadong pormal ngayon, ano meron?!
"Alex may gusto sana akong sabihin sayo..."
Oh oOow...
May na se-sense ako na hindi ito maganda...
"Ano yun? Kaw basty huh kinakabahan ako sa tono ng boses mo.."
Ngumiti lang siya saken pero ibang ngiti niya, ngiting malungkot. Kitang kita ko yun sa mga mata niya. May problem ba siya?
BINABASA MO ANG
First Love
Ficção AdolescenteBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
