[Alexa's POV]
Agad kaming nakadating sa airport ni Angela, buti na lang wala masyadong traffic sa mga oras na yun.
Ang swerte rin namin dahil agad namin nakita si James.
Nun una nagulat si James dahil nakita nya kaming mag kasama ni Angela, nginitian ko sya at binigyan ng "Ok na kami" look. Nag paalam ako kay Angela na mauuna na ko umuwi, sinabi nya na papahatid nya ko sa driver nya pero tumanggi ako.
Bago ko sya iwan binulungan ko muna sya, sinabi ko na wag nyang sayangin ang chance para mag tapat kay James kung ano ang totoong nararamdaman nya. Ngumiti at tumango naman sya bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.
Nag text ako sa bahay na sunduin ako dito sa airport. Syempre nag tataka si yaya kung bakit ako nasa airport pero agad ko naman naexplain sakanya ang dahilan kung bakit ako napadpad dito.
Habang nag hihintay sa service ko, may nahagip ang mga mata ko sa di kalayuan sa kinauupuan ko. Nakatalikod sya sakin pero sigurado ako na kilala ko sya.
Bakit nandito si Shiena?
Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Tumayo ako para lapitan sya pero bigla na lang ako napahinto ng makita ko na tumayo sya. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang sinalubong niya at niyakap.
Bumalik sya?
Bakit hindi ko alam?
Bakit si Shiena ang sumundo sakanya?
May communication ba sila ni Shiena?
Bakit wala man lang akong alam? at bakit walang sinasabi si Shiena tungkol dito?
Ang dami ko'ng tanong sa sarili ko na alam ko naman na hindi ko masasagot ang mga yun. Gusto kong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Pero pano? Tatanungin ko ba si Shiena tungkol dito? O hihintayin ko na lang na i-open sakin ang tungkol dito.
Sa ilang buwan na nag kalayo kami hindi man lang nya ko tinawagan o tinext man lang. Bakit si Shiena alam nya na darating sya ngayo'ng araw na toh?
Nakatingin lang ako sakanila na masayang nag lalakad papunta sa puting van na nakapark sa di kalayuan.
Hindi nila ako napansin dahil medyo malayo ang kinatatayuan ko sakanila.
Habang pasakay sila sa van nakita ko kung pano alalayan ni Basty si Shiena.
~*~
"Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?" dun pa lang ako napatingin sa taong nasa harapan ko. "Kanina ka pa tulala dyan uh, sino ba tinitingnan mo?" Tiningnan din nya ang lugar na tinitingnan ko. Kanina pa nakaalis ang Van na sinasakyan nila Basty at Shiena pero hindi ko namalayan na nakatingin pa rin pala ako sa lugar kung saan ko sila nakita.
"H-huh a-ah wala.. ehehhee bakit ka nandito?"
"Nasa bahay nyo na ko ng tumawag ka kay Yaya Fe, sinabi ko na ako na lang mag susundo sayo"
Bigla ko syang niyakap "Bakit ganun Sam? Ang dami ko'ng gustong malaman.... Bumalik na sya." Naramdaman ko na niyakap na rin ako ni Sam at hinagod ang likuran ko para patahanin, umiiyak na pala ako "Nakita ko sya..... sila.... sila ni Shiena dito sa airport."
"Sssssh... tahan na Alexa, wala naman siguro namamagitan sakanila. Malay mo gusto ka lang isurprise ni Basty kaya hindi pinaalam sayo na darating sya. Siguro din na pinakiusapan nya si Shiena para ilihim sayo toh. Huwag ka muna mag isip ng kung anu-ano dyan, ok?" hinigpitan nya ang yakap sakin "Basta kahit anong mangyari Alexa, andito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo." naramdaman ko na lang na hinalikan nya ang buhok ko.
Oh my.... Oo nga pala. Mahal nga pala ako ni Sam. Anak ng tipaklong naman Alexa oh.. oh..
AN;
Pasensya na sa bitin na update... mwuah! Love yah guys... 😘
BINABASA MO ANG
First Love
Novela JuvenilBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
