[Basty's POV]
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga magulang ko eh, matapos nila ako iuwi dito sa Korea. Ibabalik na naman nila ako sa Pilipinas, sa kadahilan na wala lang kasama ang lolo at lola ko.
Nag base na kasi ang tito Alvin sa Canada dalawa lang kasi mag kapatid si Mama at si tito Alvin.
Si tito kasi ang nag mana ng mga negosyo nila lolo sa Canada kaya dun na 'sya maninirahan.
Buti na lang binata pa si tito kaya wala 'syang problema kahit mag base 'sya kung saan saan.
Next year na napag kasunduan ng mga parents ko na iuwi ako sa pilipinas, masaya ako at makakasama ko na si Alexa.
Lagi ko chinecheck ang facebook nya para updated ako sa mga nangyayari sakanya.
Nagulat din ako ng magpost ng picture si Shiena na may kasama'ng lalaki si Alexa.
Hindi ko nakita face nun lalaki kasi nkatalikod 'sya at si Alexa naman nakaharap actually stolen shot 'yun sa canteen tapos sinusubuan ng fries ni Alexa yung guy.
Inaamin ko naramdam ako ng selos at inis sa ginawa ni Alexa.
Selos kasi dapat ako yung nasa lugar nun guy dahil ako yung boyfriend nya, inis dahil bakit parang nakalimutan na yata ni Alexa na may boyfriend na 'sya.
Habang pinag mamasdan ko ang mga stolen pictures nila may napansin ako sa mga mata ni Alexa.
Bakas sa mga mata ni Alex na masaya 'sya, ngayon ko lang nakita ang mga ganung mata 'nya, eto na nga ba ang kinatatakutan ko.
Ang may makilalang ibang lalaki si Alexa, at inaamin ko na napaka swerte ng lalaking yun dahil napapasaya 'nya si Alexa ng ganyan.
Napapasaya ko naman si Alexa pero hindi ganyan na umaabot hanggang sa mata 'nya ang kasiyahan.
"Anak na ayos mo na ba mga dapat mo'ng ayusin sa school nyo para makalipat ka na ng pilipinas next year?" Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si mama sa kwarto ko kasalukuyan kasi na nakaharap ako ngayon sa laptop at tinitingnan ang mga picture ni Alexa.
Agad ko rin sinara ang laptop ko at humarap kay mama.
"Yes mom" matamlay ko'ng sagot.
"Oh bakit parang hindi ka masaya na makakabalik ka na ng pilipinas? Di ba yan naman ang gusto mo"
"Masaya naman ma, kaya lang kung sa pilipinas din naman pala ako talaga titira bakit mo pa ko inuwi dito sa Korea? Naguguluhan din ako ma, lagi na lang ako nag ta-transfer, ilang school na napasukan ko, nakakapagod at nakakasawa rin yun ma." pagrereklamo ko.
Totoo naman eh, kulang na lang pasukan ko lahat ng school sa manila kakatransfer dito, transfer doon.
Iba't ibang klase na rin na tao ang mga nakakasalamuha ko.
Tapos ngayon kakalipat ko lang dito sa korea next year lilipat na naman ako sa pilipinas.
Haaaaay.... Buhaaaaay....
"Pasensya ka na anak, sige ganito na lang. Next year pag balik mo sa pilipinas, dun ka na talaga mag stay hanggang sa mag college ka, ok? Ako na bahala sa daddy mo" haaaaay salamat, bakit naman ngayon lang naisip ng nanay ko yan. Minsan di ko rin maintindihan si mama eh, ang gulo nya!
"Sana naman ma, kakapagod din po ang palipat lipat" matamlay na sagot ko.
Naramdaman ko na lang na hinaplos ni mama ang ulo ko at hinalikan ako sa noo.
"Pasensya ka na talaga anak..." at lumabas na 'sya ng kwarto ko.
Madalang lang maging sweet si mama at hindi nagagalit pag nagrereklamo ako, alam ko naman na kaya mainit ang ulo nila ni dad minsan dahil sobrang dami lang talaga nilang trabaho at busy sila lagi, halos wala na silang pahinga kakatrabaho.
Naiintindihan ko naman yun dahil para rin sakin yun eh, para sa future ko.
Hindi ko mapigilan na kabahan sa pag balik ko ng pilipinas.
Ano na kaya ang mangyayari samin ni Alexa?
Matutuwa kaya 'sya na bumalik ako?
Natatakot ako sa mangyayari pag balik ko ng pilipinas.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
First Love
Novela JuvenilBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
