Basty's POV,
Anak ng tinapa! Ang bilis ng araw!! kung may powers lang ako pababagalin ko ang oras at ang araw eh kaya lang isa lang akong ordinaryong gwapong nilalang.
Bukas aalis na kami pauwi ng Korea, at ngayon din ang araw ng Closing party namin. WOooh!! Alam ko ang bading pero naiiyak nanaman ako!!
Simula ng makapag paalam ako kay Alexa lagi akong umiiyak pag nasa kwarto ako.
Iniisip ko pa lang na hindi ko na si'ya makakasama at makikita sobra na ko'ng nalulungkot. Wala naman akong magawa para hindi na lang umuwi ng Korea.
Bakit pa kasi nangyari pa toh! Nyemas na buhay yan!!!
May kinuha akong maliit na kulay black na box sa drawer sa bed side ko.
Matagal na toh sakin binigay ito ng lola ko. Sinabi niya sakin na ibigay ko lang daw toh sa babaing gusto ko makasama habang buhay, At alam ko na si Alexa ang babaing yun, siguradong sigurado ako na si Alexa ang gusto ko makasama habang buhay pero pano? Ngayon pa lang mag kakahiwalay na kami parang ang hirap na mangyari.
Hindi naman ako nakakasigurado na makakabalik ako ng Pinas alam ko pag nasa Korea na ko hawak na nila Papa ang buhay ko, i mean lahat ng desisyon nila dapat susundin ko, robot lang ang peg! Anak ng teteng yan! Ang hirap!!!
"Ibibigay ko ba toh sakanya??"
"Pero pano kung hindi na kami magkita??"
"At sa pag alis ko may makilala siyang iba??"
Takteng buhay toh! Para na ko na babaliw!!,kinakausap ko na sarili ko! Sa inis ko ginulo ko buhok ko.
"Argh! "
"Kainis!!!"
Nag labas ako ng malakas na buntong hininga...( - . - )
Ayoko naman makulong si Alexa sa isang pangakong alam ko na mahirap mangyari pero ayoko siyang mawala sakin gusto ko hintayin pa rin niya ko. Argh! Bahala na nga!!
...............................
...Closing Party...
Time check: 6:30
Kanina pa ko tingin ng tingin sa relo ko habang hawak hawak ang maliit na itim na box. Ano kaya mangyayari ngayong gabi?. Ibibigay ko ba toh o hindi? haaay bahala na si batman!
Kanina pa ko ikot ng ikot dito sa hall bakit hindi ko makita so Alexa. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko, chineck ko kung may text si Alexa pero wala. Kanina ko pa rin siya kinokontak pero naka off phone niya. Problema ng babaing yun. Nag aalala tuloy ako.
Biglang bumukas ang pinto ng hall, at lahat ng tao sa loob naagaw ng atensyon ng babaing pumasok. Agad ko'ng pinasok ang maliit na box sa bulsa ko.
Parang slow motion siyang naglakad palapit sakin. Napakaganda niya, lalo siyang gumanda sa suot niyang cocktail dress na pink at sa buhok niyang kinulot sa ilalim meron din siyang konting make-up simple lang mero lalo siyang gumanda.
Hindi ko napansin na nasa harapan ko na siya. Sheeet! Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
Bigla kong pinasok ang kamay ko sa loob ng bulsa ng pants ko. Hinawakan ko ang maliit na box, wOooh this is it! pinag papawisan ako! pu'tek!
"Hello Mahal (^.^) kanina ka pa ba?"
Bumalik la ako sa katinuan ko ng magsalita ang magandang babae nasa harapan ko.
"H-hi m-mahal..??" Tokneneng naman bakit ako nauutal at bakit patanong ang bati ko sakanya. Narinig ko na lang siya napatawa ng mahina. Ano ba sebastian? anong nangyayari sayo nakakahiya ka sa harapan ng Mahal mo para ka g bading, nakakadiri ka! Pag sesermon ko sa sarili ko, syempre sa isip lang yan.
BINABASA MO ANG
First Love
Genç KurguBakit sa lahat ng magiging boyfriend ng bestfriend ko yung pang lalaking unang minahal ko.Mahirap kalimutan ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, ang sabi nga sa motto "FIRST LOVE NEVER DIES" Pero pano kung isang araw pag tagpuin kami ng tadhana...
