Chapter 10

93 5 2
                                        

[Alexa's POV]

It can't be... Noooooo! Hindi pwede toh!!

Hindi pwede'ng si Sam boy at si Samuel na nasa harapan ko ay i-isa, ang layo ng itsura nila. Si Sam boy kasi Chubby, malaki mukha, matangos ang ilong, medyo tan, manipis ang labi at may pag kachinito ang mga mata.

Pero ang lalaking ito...

Hmmmm Slim pero may laman naman ang mga braso (hindi naman sya payat,hindi rin naman s'ya macho, tama lang ang katawan nya) maputi at makinis ang mukha nya at ang kanyang mga balat, matangos ang ilong, manipis ang mga labi at ang mga mata nya...

ang mga mata nya katulad ng kay...

Sheeeeeeeeeet!!!

"Sam boy ikaw na ba yan?!" napahampas ako sa lamesa at sabay turo ko sakanya, sa sobrang pag kagulat ko hindi ko namalayan na napalakas na pala yung boses ko, na naging dahilan para makuha ang atensyon ng ibang tao na nandito sa loob ng resto.

Shocks nakakahiya ka Alexa...

Tumayo ako at yumuko para humingi ng pasensya sa mga tao na nakatingin sakin at agad kong binalingan ang dalawa sa harap ko.

"Bakit si Sam boy ang ka-date mo huh best?!" tanong ko kay Shiena at tinawanan lang ako ng walanghiya!

"Hehehehe chill best, lower your voice."

"Lower your voice ka dyan! sagutin mo tanong ko kung ayaw mong iwan kitang mag isa kasama ng empakto'ng yan!" sabay turo ko ulit kay Sam boy.

"Ganito kasi yun best, hindi ko sinasadyang makita si Sam sa isang party na pinuntahan namin nila Mama, nung nilapitan nya ko hindi ko rin sya nakilala katulad mo, kasi naman ang laki ng pinag bago ng itsura nya di ba?, kahit naman ikaw hindi mo rin napansin."

Sabagay tama s'ya ang laki talaga ng pinagbago ni Sam boy.

"Sowwwww?? i don't care kung nag iba na itsura nya, pano naman naset ang date na toh?" pakunwari kung sagot.

"he.. he... he.." mukhang hindi makasagot si Shiena kaya agad naman sumingit si Sam sa usapan.

"In-invite ko s'ya, nun nasa party kami nilapitan ko s'ya para kumustahin at kinuha ko na rin nos. nya kaya nag-karoon kami ng communication ni Shiena" confident na confident na sagot ni Sam boy "And wait Alexa, stop calling me Sam boy, ok? binata na ko hindi na bagay ang nickname na yun saken, kaya Sam na lang huh" sabay wink nya ^.*

The nerve... kapal nya...

***

Hindi talaga ako makapaniwala na pinag-tagpo nanaman kami ng tadhana ng Sam boy na yun, akala ko hindi ko na s'ya makikita pero bakit eto nanaman s'ya, may balak nanaman ba s'yang gawing misirable ang buhay ko?

Bumalik lang ako sa katinuan ng tumunog ang cellphone ko. May natanggap akong SMS.

[Unregistered Number: Hi! :)]

Sino naman kaya toh?!

Me: Who's this?

[Si Sam toh, Alexa]

Ohhhh holy cow! hindi na ko mag tataka kung kanino nya nakuha nos. ko!

Me: Oh bakit?! anong kaylangan mo?!

[Invite ko sana kayo ni Shiena sa Beach Resort namin sa Subic, pwede ka?]

Wow beach!, tagal ko na hindi nakakapunta ng beach pero kung si Sam lang din ang nag i-invite... Hmmmm... Wag na lang!

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon