Chapter 14 Kwento

70 6 0
                                        

[Alexa's POV]

Nasubmit na namin yung Cookies na project sa TLE.

Akalain nyo na kami ang pinakamataas na grade?

Well, magaling kasi naman talaga ang Team work namin as a Group.

Plus......

Ang sweetness ng soon to be lovers na si Janine and Sam.

Hanuuuuuuudaaaaaaaaaw??????

I-Hastag na yan!!!

#AmpalayakaAlexa

or

#JellyAcekaAlexa

Ewan ko ba bakit bigla na lang ako nag walk out nung araw na gumawa kami ng cookies sa bahay nila Sam.

Nakakahiya yung ginawa ko pero hindi na kasi kinaya ng powers ko ang mga nakikita ko that day.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko nung mga araw na yun.

Ewan ko ba....

Naiirita kasi ako pag nakikita ko sila ni Sam na sweet tapos ang buong atensyon ni Sam na kay Janine lang, parang walang tao sa paligid nila.

Sila lang dalawa...

Naguguluhan na ko sa nararamdaman ko kay Sam.

Hmmmmp!

Well......

Im sure naman na wala ako'ng gusto kay Sam, alam ko yan!

At sigurado'ng sigurado ako sa sarili ko na never ako mag kakagusto sakanya.

NEVER!

NEVER!

NEVEEEEEEEEER!!!

***

Saturday ngayon kaya late na ko nagising.

Pffft Lagi naman di ba?

Pero ngayon?

As in supeeeer late mga kumare...

Time Check 11:59am

See late na di ba?

Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi tinapos ko yung Walking Dead Season 4.

Bumangon na ko at nag hilamos bago bumaba para kumain ng Brunch.

Pag baba ko dumiresto ako sa kusina para tingnan kung may luto na.

"Hi ya!" bati ko kay Manang Fe na busy sa hinihiwa nya at sabay kiss ko sa pisngi nya.

"Oh Alexa hija, maupo kana at kumain" iniwan nya ang ginagawa nya at kinuha nya ko ng pinggan at tsaka sya nag sandok ng pagkain "Ikaw talagang bata ka oh oh, nag puyat ka nanaman ba?"

"Opo, may pinanood po kasi ako'ng DVD kaya nalate po gising ko" umupo na ko at suminghot-singhot para maamoy kung ano niluto ni Manang Fe naka nakatalikod kasi sya sakin busy sa pag sandok ng ulam.

"Lagi ka naman late nagigising, wala ng mag babago dun hija" sabay lagay nya ng isang mangkok ng ulam sa harapan ko.

Huuuuuuwaaaaaaw Sinigang na Hipon!!

Inamoy-amoy ko muna yung Sinigang bago sinagot si Yaya.

Hmmmm ang sarap ng amoy....

"Ewan ko nga po ba ya, tulog mantika ako tsaka masarap po kasi talagang matulog hehehe" totoo naman masarap talagang matulog di ba?? di ba??

Sinimulan ko ng kumain, gutom na gutom na ko eh.

Hmmm the best talaga sinigang ni Yaya, pinag-babalat nya ko ng hipon ehehe, mas masarap kasi kung tuloy tuloy kang kumakain, matagal kasi pag mag babalat ka pa.

Natapos na ako kumain pero hindi pa rin ako umaalis ng kusina.

Ngayon nag huhugas na si Yaya ng pinagkainan ko.

"Hmmmm tanong ko kaya kay yaya yung narardaman ko'ng inis para kay Sam alam ko na masasagot nya yun..."

"Ya may ike-kwento ako sayo"

"Ano yun Alexa? sige ikwento mo lang makikinig ako" sagot nya habang busy sa ginagawa nya, nakatalikod pa rin sya sakin.

"Hmmm Ya meron kasi ako'ng kakilalang babae, naiinis sya sa kakilala nya'ng lalaki" umayos muna ako ng upo tsaka ko pinag patuloy ang kwento ko.

"Hindi kasi sila mag kaibigan ya, yung guy kasi lagi nyang binubully noon yung girl. Kaya itong si girl naiinis kay guy, kulang na lang isumpa ni girl si guy sa sobrang galit nya. Tapos ngayon naman na pinag tagpo ulit sila ng tadhana, si guy hindi nya pinapansin si girl pero itong si girl naiinis kasi parang hindi sya sanay na hindi sya inaasar or pinapansin ni guy. Tapos pag may kaasaran ibang babae si guy naiinis si girl yaya. Naiinis sya kasi dati yung atensyon ni guy na kay girl lang ngayon nag iba na" nag salumbaba ako pag katapos kung ikwento kay Manag Fe.

"Baka naman kaya naiinis yung kaibigan mo na babae hija kasi nag seselos sya" sabay harap nya sakin, tapos na pala syang mag hugas ng pinggan hindi ko napansin.

"Hmmmm pano nyo naman po nasabi na nag se-selos yung girl ya?" tumayo ako at pumunta sa ref, nag hanap ako ng pwedeng kainin pang dessert at para na rin itago ang pamumula ng mukha ko, naramdaman ko kasing namula ang mga pisngi ko sa sinabi ni Manang Fe.

"Kasi naman hija hindi maiinis ang kaibigan mo sa pinapakita nun lalaki ngayon sakanya kung wala s'yang gusto dun sa lalaki. Lalo na nasanay yata yung babae na lagi sya inaasar noon at buong atensyon ng lalaki na sakanya lang, tapos ngayon nasa ibang babae na ang atensyon nya kaya nag seselos s'ya" sagot ni yaya na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko.

"Ganun po ba yun Ya? Pano po ba malalaman kung talagang may gusto n yung kaibigan ko sa lalaki?"

"Oo ganun na nga yun, ewan ko rin pano hija pero yung kaibigan mo lang ang makakasagot ng mga yan, kasi sya yung nakakaramdam"

"Sabagay may point si Yaya, ako lang makakasagot sa mga tanong ko."

itutuloy.....

AN;

Kim Jeong-Hoon : Samuel Cruz

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon