PLATONIC LOVE?

621 20 23
                                    

Pagkatapos ng birthday ni Jeron dumalang uli ang pagkikita nila Jane at Jeron pero tulad ng dati magkatext parin sila mag hapon at kapag hindi sila parehong pagod sa gabi nakatelebabad naman sila. Jane and Jeron remained to have each others preferential attention.

But one cannot also deny the growing friendship between Jeron and Sandra. Katulad nga ng sinabi ni Jeron kay Sandra, the two never lose touch. Tuwing may libreng oras si Jeron lagi nyang hinihila kung saan saan si Sandra,  game naman lagi ang dalaga. You cannot say they are flirting  because they really are not,  infact Jeron is with endeared Sandra dahil hindi ito katulad ng ibang babaeng halatang may gusto sa kanya. Hindi ugali ng dalaga na mag text kung hindi sya magtetext, ni minsan din hindi matandaan ni Jeron na gumawa si Sandra ng excuses para lang magkita sila. Sa madaling salita ang friendship nila ni Sandra is so relax and low maintenance walang pinagkaiba sa bromance ni Jeron sa mga katropa nya.
-----------------------------------------------------------------
Nagsisimula na ang basketball game at nakasalang na si Jeron sa loob ng court nang dumating si Sandra. May friendly match ang team ng binata with a foreign team, kakaunti lang ang may alam tungkol sa game na yun kaya bilang lang ang nanonood karamihan mga personal na kakilala ng mga players.

Tahimik lang na naupo si Sandra sa bleachers, wala syang alam sa basketball kung sya lang mas gusto pa nya na magkulong sa condo nya at mag paint, but Jeron gave her an invitation to watch, at hindi ugali ni Sandra na mag "no" sa isang invitation kung may oras din lang sya. She value her relationships with people kaya instinct nya to always make and find time para sa mga tao na pinapasok nya sa buhay nya. Minsan to a fault na nga, hindi iisang beses na naakusahan sya na pa-fall, na mi-misinterpret ang friendship na ibinibigay nya for something else, but with Jeron hindi nya poblema yun, she knew from the start how smitten the boy is, with Jane Oineza.

Nang ilabas si Jeron ng coach nila nakita nya agad si Sandra lumapit sya dito para makipag fist-bump.

Wow you're here, kala ko hindi kana darating - masayang bati ni Jeron sa dalaga.

I told you I am good at making time - nakangiti ring sagot ni Sandra.

I can't stay here with you,  I have to be with them - turo ni Jeron sa mga samahan sa baba ng bleacher. But please wait for me after the game.

Oo naman noh kaya nga ako pumunta dito to see you - nakangiti paring sagot ni Sandra.

Saglit lang na nasa labas ng court si Jeron hindi nagtagal sumalang uli ang binata sa game.

At habang tumatagal ang laro nila Jeron na e-enjoy narin ni Sandra, tuwing nakaka-shot si Jeron o kaya nakaka-block ng kalaban napapapalakpak na sya, at nang matapos nga ang game, Jeron with the winning shot, ang dalaga ang pinakamalakas ang cheer mula sa bleachers.

Tumakbo si Jeron palapit kay Sandra sabay fist-bumped uli dito.

Congrats! - masayang bati ni Sandra kay Jeron.

Thank you. Shower lang ako ha

Malapad ang ngiting tumango lang si Sandra.
-----------------------------------------------------------------
Bro labas daw tayo sabi ni coach kasama yung kabilang team - sabi ng isa sa mga teammates ni Jeron.

Tapos nang mag shower si Jeron ng aayos nalang sya ng mga gamit nya.

Compulsory ba yun? - tanong naman ni Jeron.

Syempre bro ikaw ang star player ni coach malamang hahanapin ka non mamaya para ipakilala sa kabilang team

Napakamot si Jeron bago parang poblemadong sumagot.

May kasama ako e

Sino yung girlfriend mo?

Si Sandra? Patawa ka bro,  alam mo naman na hindi - alam ng lahat ng teammates ni Jeron ang tungkol kay Jane.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon