TENG SIBLINGS

573 23 7
                                    

First time na lalabas si Jane kasama lahat ng mga kapatid ni Jeron kaya sobra syang kinakabahan. Pagkatapos ng pag-uusap nila tungkol sa "status" nila alam na ni Jane na pangmatagalan na si Jeron sa buhay nya, na kailangan na nyang kilalanin ang pamilya nito.

Ngayon nga manonood sila ng isang play. Dati nakasama na ni Jane ang mga ate ni Jeron sa panonood ng game ng binata. Si Jeric naman nakilala rin nya sa telethon kung saan sila nagkakilala ni Jeron, pero ito ang unang beses na makakasama nya ang tatlo, na silang lima lang ang lalabas, there will be no common friends around, just her and the Teng Siblings.

-----------------------------------------------------------------

Nakinig nyang may kumatok sa pintuan nila alam nya na si Jeron yun kasama ang mga ate nito, si Jeric daw sa theater na tatagpo.

Agad syang lumabas ng kuwarto para pabuksan ang mga ito, pero naunahan sya ni Mommy Jen, nang lumapit sya sa pintuan, nandon narin ito, at siya na ang nagbukas ng pintuan.

Good evening po tita - bati ni Jeron kay Mommy Jen.

Good evening po - sabay na bati din ng mga ate ni Jeron.

Mommy Jen visibly relaxed when she saw Jeron sisters. Hindi parin sya masyadong komportable sa pakikipagkaibigan ng anak kay Jeron. Katulad ni Daddy Erwin hindi pa sya handa na makitang lumalabas si Jane na si Jeron lang ang kasama. Natutuwa naman sya na nag e-effort ang binata na ipakitang sumusunod sya sa mga napag-usapan.

Ah tita mga 10(pm) po matatapos yung play, after po noon mag dinner kami, before 12 po siguro naihatid na namin si Jane pauwi - si Achi Alyssa na ang nagpaalam para kay Jeron.

Nginitian naman ito ni Mommy Jen bago sumagot - Sige lumakad na kayo, baka gabihin pa kayo, salamat sa pagsundo kay Jane - natutuwa talaga si Mommy Jen na pati mga kapatid ni Jeron ay nagpapakita ng effort para kay Jane.

-----------------------------------------------------------------

Kanina pa naiinip si Jeric sa pag-iintay sa mga kapatid na dumating, malapit narin magsimula ang play.

Kaya naman ng dumating ang mga iniintay hindi na maitago ang inis sa boses nya - Buti dumating pa kayo.

Chill bro, sorry traffic - si Jeron ang sumagot.

Tinaasan naman sya ng kilay ni Achi Alyssa, na parang nagsasabi na mahiya ka may kasama tayo. Saka lang napansin ni Jeric si Jane, na parang na hihiya na kinakabahan, kaya naman nginitian nya ito sabay sabi ng - Hi Jane. Gumanti rin ito ng isang kimi na ngiti. Halatang naiilang pa sa kanya ang girlfriend ng kapatid. Oo girlfriend ni Jeron ang tawag nya kay Jane dahil hindi sya naniniwala sa pinapausong status ng dalawa.

Na unang naglakad papasok si Jane at Jeron, sinamantala ni Jeric na medyo malayo ang dalawa bago bumulong kay Dichi Almira - bakit ba tayo nandito? Hindi ba date to noong dalawa? Uso pa pala ang chaperone ngayon sa date?

Pinitik sya ng nakakabatang kapatid sa tyanga - ano kaba Ahia ang cute at ang sweet nga e - parang kinikilig na sabi nito.

In response Jeric just made a slightly disbelief face.

Dahil nasa unahan nila si Jane at Jeron pansin na pansin ni Jeric ang maingat na pag-alalay ng kapatid kay Jane hanggang sa makaupo sila. Jeron is really smitten by Jane, no doubt.

Nang magsimula na ang play si Jane kaagad ang nakakakuha ng mga jokes, hindi fan si Jeric ng book version ng pinanood nila kaya minsan hindi nya kaagad maintindihan ang mga nangyayari sa play pero dahil may kakaibang karisma talaga ang "girlfriend" ng kapatid nahawa na sya sa bawat tawa nito. May interactive portion din sa pinanood nila, sa parte na kailangan na mag participate ang audience si Jane ang pinaka game kala mo nga noong ng lalaro sila ng quidditch world cup ang pinaglalaban nila at noong house nila ang nanalo kala mo naka gold sa Olympics ang reaksyon.

At that point he started liking Jane for their Shoti.

-----------------------------------------------------------------

Nang makalabas sila pagkatapos ng play napansin ni Jeric na parang nag iba ang aura at kilos ni Jane parang sinasadya nitong wag mapansin ng mga tao sa paligid nila at si Jeron napansin nya na may pagka-protective ang body language ng binata towards Jane.

Nang mapansin nya na maraming nakatingin sa kanila, he somewhat understood the actuation of the two. Para bang gusto ni Jane at Jeron na sabihin sa lahat bigay nyo nato sa amin to, private moment namin to, wag nyo kami pansinin, hindi kami sikat ngayon, dalawa lang kaming ordinaryong tao na lumalabas kasama ang mga taong mahalaga sa amin. The crowd seems to get the message maraming tumingin bumati pero walang lumapit para magpa autograph o magpa-picture, they all took a respectable distance.

Sa pagkakataon ding yun naisip ni Jeric dahil sa kung sino si Jane at Jeron sa publiko hindi magiging madali para sa dalawa ang lahat, the public whether the two like it or not will be invested in their "relationship". As a brother to Jeron who now protectively holds Jane in his arms, he is rooting for the two make it to their forever no matter how hard their times ahead will be.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon