So pano sa pagbalik mo nalang tayo lalabas? - nasa telepono uli sina Jane at Jeron.
Paalis na ang dalaga papuntang Dubai para sa bakasyon nito, dapat may lakad sila bago umalis si Jane pero dahil sa hindi magtugmang schedule nilang dalawa hindi na sila natuloy.
Oo promise nonood tayo sine pagbalik na pagbalik ko - sagot ni Jane.
Napabuntong hininga si Jeron sa kabilang linya. This is what he signed up for, when she choose to have Jane in his life. Hindi isa't isa ang priority nila, alam nya yun, pareho silang may inaalagaang career, kaya kung ano nalang ang natitirang oras nila, kung meron man, yun lang ang pwede nilang ibigay sa bawat isa.
Ang lalim non ah - may himig na biro ni Jane.
Just bbm me before taking off and when you get there - medyo seryosong sagot ni Jeron.
Opo promise bbm kita lagi, ang clingy mo - biro parin ni Jane.
Hindi naman ma-miss lang kita - may bahid na ng ngiti sa boses ni Jeron.
Sus nambola kapa, hindi bagay, e kahit naman nandito lang tayo sa Pilipinas sa telepono lang tayo nakakapag-usap. - masayang hirit pabalik ni Jane.
E basta iba parin yun nasa overseas ka wala ka dito sa Pilipinas.
Ganon padin yun, mate-text kita at pwedeng pwede padin kitang tawagan. Noong nasa PBB nga ako hindi tayo nakakapag-usap.
Napapanood naman kita - ganting sagot ni Jeron.
Hindi naman tayo pwede mag-usap - ayaw patalo ni Jane sa hiritan nila ni Jeron
Marami pa silang napag-usapan karamihan mga asaran lang hanggang sa kailangan na nilang matulog dahil maaga pa ang alis ng dalaga kinabukasan. Their conversation ended, like any other conversation they had before in a happy note
-----------------------------------------------------------------
Pagdating ni Jane sa Dubai sobra syang natuwa na sa airport palang marami na ang sumalubong sa kanya at sa pamilya nya. At kahit inaasahan, hindi parin sya nakapaniwala na may sumusuporta pala talaga sa kanila ni Jeron, kahit hindi naman artista ang binata, at malabo na makita sila ng mga fans sa tv man o pelikula na magkasama. She is just happy there are people she doesn't even know personally,who are happy that she has Jeron in her life.
At pagkadating naman sa hotel maraming regalo ang natanggap ni Jane para sa kanila ni Jeron. Kaya bukod sa pagbbbm sa binata naisipan na ni Jane na tawagan ito, para habang nagbubukas ibinibida nya kay Jeron ang mga regalong natanggap.
Grabe ang dami mong gift dito, mas marami pa kesa sa akin - sabi ni Jane kay Jeron.
Pano ko makukuha yang mga yan? kinig ni Jeron ang ingay at tilian sa paligid ni Jane.
Papadala ko nalang sayo - patuksong sagot ni Jane.
Pinilit ng dalawa na maging normal ang usapan nila kahit na maraming nakakarinig at nagre-record sa kanila.
-----------------------------------------------------------------
Jeron have you seen the net? - bungad ni Achi Alyssa pagka-uwi ni Jeron galing sa eskuwela.
What's in the net? - ganting tanong ni Jeron.
Your phonecalls with Jane had gone viral? Tama ba yun? Alam ba ni Jane yan? - Achi Alyssa asked in an almost accusingly tone
I-I'll talk to Jane about that - alanganing sagot ni Jeron.
You should, dapat mapag-usapan nyo what to and not to make public - medyo lumambot na ang tono ni Achi Alyssa
Tumango lang si Jeron bilang sagot sa kapatid. Naguguluhan din sya sa dapat maramdaman kung meron man syang dapat maramdaman sa ibinalita ni Achi Alyssa.
-----------------------------------------------------------------
Hey kumusta dyan? - bati ni Jeron ng makausap si Jane sa telepono.
Okay lang masaya pero nakakapagod, ang dami naming pinupuntahan. Sagot ni Jane.
Hindi na pala kita kukulitin para makapagpahinga kana.
Hindi okay lang, kapag hindi na ko nasagot ibig sabihin tinulugan na kita - biro ng dalaga kay Jeron.
Jeron gave a light chuckle
Jane.... - alanganin na panimula ni Jeron
Hmmm - si Jane.
Ang dami daw videos ng mga tawagan natin ang nasa net na sabi ni Achi. You think we should share that much to the public? - malumanay na sabi ni Jeron
Galit ka? I really didn't know na may nag-upload ng mga conversations natin. I am really sorry - bakas ang sobrang pagsi-sisi sa boses ni Jane
Hindi ako sayo galit, naguguluhan lang ako, do we really have to be too public? Gusto ko lang mapag-usapan natin kung ano ang dapat i-share at kung ano dapat ang atin nalang - Jeron said in a calm voice
H-hindi ko din alam e - medyo alanganing sagot ni Jane - lahat to bago sa akin, basta ang alam ko lang special ka sa akin, na kung sa ordinaryo sigurong pagkakataon wala akong pakialam kung sino man ang makaalam na special ka, pero alam ko hindi ordinaryo ang sitwasyon natin. Jeron I don't want people to think we are trying to sell what we have, hindi kita ka-love team para gumawa tayo ng mga gimmick stunts para kiligin ang mga tao sa atin, pero ayaw ko din naman na pigilan ang sarili ko na ipakita sa lahat na special ka sa akin. I really don't know what to do - bakas na sa boses ni Jane ang frustration at pagkalito.
I also want to do the same, really, gustong gusto ko na makapag-comment lagi sa mga IG posts mo, to just greet you goodmorning sa twitter, but I have to stop myself for doing so, dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga tao - frustrated din na sabi ni Jeron.
I am sorry for dragging you into this mess - malungkot na sagot ni Jane. Kung hindi mo siguro ako nakilala, kung hindi siguro tayo close ngayon, tahimik ang buhay mo.
No...no, please don't say that, I am happier now that you are in my life. Okay lang sa akin ma-bash basta dyan kalang, just stay with me please - seryosong sagot ni Jeron.
Na-corny na tayo ah - pabirong sabi ni Jane, para mabasag ang pagiging seryoso nila ni Jeron.
Aywan nga ba kung anong orasyon ang ginawa mo sa akin at nagkaganto na ako - pabiro naring sagot ni Jeron. Wag muna akong susukuan ha, alam ko hindi madali pero tyaga ka muna ha, wag ka muna susuko. - seryoso uling sabi ni Jeron.
Basta wag mo rin akong susukuan.
After that phone call, both Jane and Jeron faced the reality, that them being together will not be easy, but it will definitely be worth everything.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
LosoweI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...