Pagkatapos kumain sina Jane at Jeron narin ang nag ayos sa kusina at habang naghuhugas ng pinagkainan ang dalawa biglang sumilip si Daddy Erwin.
Jeron paki tulungan ako don sa ginagawa kong study table ni Charlie.
Ah... Okay po - medyo alanganin na sagot ni Jeron sa Daddy ni Jane. Hindi parin sya masyadong komportable sa pakikitungo kay Daddy Erwin, pakiramdam kase nya lagi syang binabantayan nito.
Daddy... - Jane said as if giving her father a warning to behave.
Oh bakit humihingi lang ako ng tulong sa "kaibigan" mo - may diin at may pagka sarcastic sabi ni Daddy Erwin
Daddy naman e - Jane still trying to save Jeron, alam ng dalaga na hindi lang tulong ang hinihingi ng Daddy nya, siguradong may balak itong gisahin si Jeron.
Jane okay lang naman, tutulungan ko lang naman si Daddy...mo - medyo nabitin pa ang pagsasalita ni Jeron.
At kasabay noon ang pagkunot ng noo ni Daddy Erwin dahil akala nito ay tinatawag na sya ng binata na Daddy.
Ng mapansin ni Jeron ang naging reaksyon ni Daddy Erwin, ngumiti nalang ang binata ng alanganin sabay kamot sa ulo
-----------------------------------------------------------------
Alam mo Jeron - panimulang sabi ni Daddy Erwin sabay abot kay Jeron ng assembly manual ng lamesang gagawin nila. Kapag tatay kana isa sa mga magiging katatakutan mo, ay ang anak mong babae ay makatagpo ng gagong lalaki lalo, na kung naging gago ka din - casual at nakangiting sabi pa nito, hindi nanakot, hindi nagbabanta, parang kaibigang gumagawa lang ng pag-uusapan.
Pero gaano man ka gaan ang paraan ng pagsasabi ni Daddy Erwin hindi parin alam ni Jeron kung anong magiging reaksyon lalo na kung anong isasagot nya sa sinabi ng Daddy ni Jane, kaya mas pinili nalang nya tumahimik at intayin ang kasunod na sasabihin nito.
Mukha ka namang hindi gago, pero tatay ako Jeron e hindi mo maalis sa akin na mag-alala. Sa ngayon sa nakikita ko sa inyo ni Jane sigurado ako sa dalawang bagay, ikaw na nga ang aagaw sa panganay ko at ikaw narin ang lalaking magpapa-iyak sa kanya.
Po? - nagulat si Jeron sa huling sinabi ni Daddy Erwin.
Mahal ka ng anak ko Jeron susunod sya sayo kahit saan, alam ko nararamdaman ko, at dahil sa mahal ka nya kaya mo syang paiyakin kahit hindi mo man sadyain.
Pinagpapawisan na ng malamig si Jeron sa mga naririnig nya galing kay Daddy Erwin at hindi yun nakaligtas sa huli.
Relax bata, hindi kita tinatakot, sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari - nakangiti pang tinapik ni Daddy Erwin si Jeron. Tingnan mo kami ni Jenny mahal ko yun sobra pero isang punto sa pagsasama namin nasaktan ko sya, hindi ko sinasadya maniwala ka, pero ganon ang katotohanan ng buhay kapag nag mamahalan hindi maiiwasan na magkasakitan, dahil unang-una hindi ka kayang saktan ng isang taong wala kang pakialam. Sana lang Jeron wag mong saktan si Jane hanggang sa puntong umaabuso kana.
Mahal ko po si Jane, hindi ko po sya kayang saktan - sincere na sagot ni Jeron.
Ngiti at tapik lang uli sa balita ang sagot ni Daddy Erwin sa sinabi ng binata.
Anong plano nyo next year? -kasunod na tanong ni Daddy Erwin. Last year mo na sa varsity, twenty one narin si Jane.
Po? - hindi na naman alam ni Jeron kung ano ang tamang isagot sa Daddy ni Jane. Dapat nalang ba nya sabihin kung ano ang gusto nya mangyari o dapat nya isipin kung yun ba ang gustong marinig ni Daddy Erwin.
Muli nahalata ni Daddy Erwin ang pagkailang ni Jeron.
Jeron, natatakot kaba sa akin? - diretso at medyo natatawanag tanong na ni Daddy Erwin sa binata.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
RandomI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...