Halos tatlong araw nang walang signal si Jane kaya halos tatlong araw narin syang walang balita kay Jeron. Alam nya malapit na ang championship game ng binata, kung dati nakakagawa sya ng paraan para makapanood sa tv man o sa internet, ngayon she is left with no choice, gustuhin man nya na sya ang unang bumati kay Jeron kung panalo ang team nito o ang unang mag comfort kung matalo, hindi na pwede.
Ngayon ang balik nila Jane pa Manila galing sa location, pero halos kalahating araw ang biyahe kaya malamang hindi na nya talaga aabutan ang game ni Jeron dahil kinabukasan na ng maga ang dating nila sa siyudad.
Oh kanina mo pa tinititigan yang cellphone mo - sita ni Mommy Jen kay Jane nang mapansin nito na sa simula palang ng biyahe nila hindi na mapakali ang anak sa pag check sa cellphone.
Championship nila Mommy - may bahid ng lungkot sa boses ni Jane.
Anak, alam naman ni Jeron kung anong klaseng trabaho meron ka, I'm sure he understands why you can't be there for him right now, at saka pabalik narin naman tayo.
Napatungo nalang si Jane para pigilang maiyak sa harap ng ina.
Umidlip kana lang muna kesa mag mukmok ka dyan, nasa liblib pa tayong lugar matagal pa bago ka mag ka signal, wala kapang matinong tulog baka magkasakit kana nyan - paalala pa ni Mommy Jen.
-----------------------------------------------------------------
Marahil dahil sa pagod ang pag idlip dapat ni Jane ay naging mahabang tulog, nagising nalang sya sa ingay ng cellphone nya dahil sa mga notifications na natanggap. Agad na tsinek ng dalaga ang mga messages galing kay Jeron, napangiti sya nang makita na walang palya sa pa ngungumusta at pagkukuwento ang binata araw-araw kahit na alam nito na hindi sya makaka reply.
At ng mapansin ni Jane na may voicemail si Jeron agad nya itong pinakinggan. Napangiti ng husto ang dalaga nang malaman na nanalo sina Jeron, pero ramdam parin nya ang lungkot sa matamlay boses ng binata, pakiramdam nya may poblema ito.
Nag-alangan si Jane na tawagan si Jeron dahil mag aala-una ng madaling araw, pero naisip nya na malamang nasa labas ito kasama ang mga teammates para mag celebrate kaya sinubukan narin niya. Pero noong voicemail ni Jeron ang sumagot naisip nya na baka hindi lumabas ang binata at nakatulog na.
Congrats I am so happy and proud of you - masayang bungad ni Jane. And I also wish I was there to celebrate, bawi ako sayo promise.
Pagka end call ni Jane, hindi pa natatagalan nakatanggap sya ng tawag.
Hello Achi? - takang bati ni Jane sa ate ni Jeron, first time kase nya makatanggap ng tawag galing dito ng alanganing oras.
H-hello Jane is Jeron with you? - nag-aalalang tanong ni Achi Alyssa.
Napakunot na ang noo ni Jane dahil sa tono ng pananalita ni Achi Alyssa.
Hindi Achi, b-bakit anong nangyari? - kinakabahan na si Jane.
Tumawag kase yung mga ka teammate ni Shoti iniwan daw sila sa bar ng walang maayos na paalam. Sinusubukan naming tawagan hindi sumasagot, nagtawag narin kami sa mga iba pa nyang kaibigan, hindi rin nila kasama si Shoti, Jane you know Jeron hindi sya nawawala ng walang paalam - nagpa-panic na paliwanag ni Achi Alyssa.
Sige Achi subukan ko tawagan mga kaibigan namin baka kasama nila si Jeron - pilit pinakalma ni Jane ang boses nya, ayaw nyang sabayan ang panic ni Achi Alyssa.
Anong nangyari? Tanong ni Mommy Jen.
Hindi daw po nila mahanap si Jeron - kalmado paring sagot ni Jane habang nagsimulang magtawag sa mga kaibigan nila ni Jeron.
Huh e saan naman magpupunta yung batang yun? - concern na tanong ni Mommy Jen.
Hindi na nakasagot si Jane sa tanong ng ina dahil sumagot na ang una nyang tinawagan, unfortunately hindi nito kasama si Jeron, nakailang tawag si Jane sa mga kaibigan nila ng binata at sa bawat pagkakataon na wala syang makuhang sagot kung nasaan si Jeron lumalalim ang pag-aalala nya.
J-Jeron nasan kaba? Please naman worried na kami sayo - umiiyak na tawag ni Jane sa voicemail ni Jeron.
Jane, gusto mo ba kina Jeron tayo dumiretso para maki kumusta? - alok ni Mommy Jen dahil alam nya hindi rin mapapakali ang anak sa bahay nila hanggat hindi nakikita si Jeron.
Umiiyak na tumango lang si Jane.
-----------------------------------------------------------------
Pagdating kina Jeron si Mommy Susan ang sumalubong kina Jane, halatang hindi nakatulog sa pag-aalala ang Mommy ni Jeron.
May balita naba? - tanong ni Mommy Jen kay Mommy Susan.
Ngumiti lang ng malungkot si Mommy Susan sabay iling.
Pasok kayo - yaya ni Mommy Susan kina Jane.
Naku ako hindi na papasok marami pa akong kailangan gawin para sa bahay, si Jane nalang siguro ang dito - pagtanggi ni Mommy Jen.
Hala sige ingat ka pauwi - medyo matamlay paring sabi ni Mommy Susan.
Mommy Jen gave Mommy Susan a brief but comforting hug.
-----------------------------------------------------------------
Tumuloy sila Jane sa kusina nila Jeron para makapag kape manlang.
Ano ba tong ginawa ni Jeron sa atin Jane bakit nya tayo pinag-aalala ng ganito - himutok ni Mommy Susan kay Jane.
May poblema ba sya Jane na hindi namin alam, wala ba syang nakukuwento sayo? Sabi kase ng mga ka teammate nya mainit ang ulo ni Shoti ng umalis sa bar.
Wala po e - mas nakaramdam si Jane ng lungkot dahil baka nga may poblema si Jeron noong mga panahon na wala sya.
Biglang nag ring ang cellphone ni Mommy Susan.
Hello Alvin, ano may balita naba kay Jeron? - tanong ni Mommy Susan sa asawa ng mag umaga na at hindi pa umuwi si Jeron napag desisyonan na nila na mag report na sa pulis.
Hindi pa daw nila pwedeng i declare na missing si Jeron dahil wala pa syang 24 hours na nawawala - pagbabalita ni Daddy Alvin.
Alam naman nila na masyado pang maaga para magsumbong sila sa pulis kaya hindi na nagulat si Mommy Susan sa sinabi ng asawa.
Sige Daddy umuwi kanarin agad - sabi nalang ni Mommy Susan
Hindi natagalan pagkatapos ng tawag ni Daddy Alvin nakinig nila ang galit na boses ni Jeric.
Agad silang pumunta sa sala para alamin ang nangyari.
Relief washed over Jane when she saw Jeron. Gustong-gusto na nya lumapit sa binata pero nag-alangan sya, nang tingnan nya ang ina at mga kapatid ng binata, bigla nyang na isip hindi sya bahagi ng pamilya nila ni hindi sya girlfriend ni Jeron na dapat hindi sya pumunta kaagad sa bahay ng binata dapat nag intay nalang sya ng balita sa kanila tulad ng dapat gawin ng isang kaibigan lang.
Pero noong matangpuan nalang nya ang sarili na yakap ni Jeron, nakaramdam sya na nasa tamang lugar sya.
Could it be, Jeron is her home? - tanong ni Jane sa sarili.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
RandomI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...