PROMISES

708 25 5
                                    

Pagkatapos sermonan ng katakot-takot si Jeron ng mga magulang.

Jane ikaw na nga ang bahala sa batang ito - may himig inis na sabi ni Mommy Susan sabay lapag ng first aid kit sa center table nila.

Nang makaalis ang mga magulang ng binata tumabi si Jane kay Jeron para gamutin ang pumutok na labi nito dahil sa pagkakasuntok ni Jeric.

Teka nga lang ang hapdi kaya - parang batang reklamo ni Jeron pilit pa nitong inilalayo ang mukha para hindi malagyan ng gamot.

Oh! - mas diniinan pa ni Jane ang paglalagay ng gamot.

Jane naman nananadya - maktol ni Jeron

Natatawang tinuloy ni Jane ang paglilinis ng sugat ni Jeron.

Para kang bata - sita ni Jane kay Jeron

Ngumuso lang si Jeron bilang sagot.

Pagkatapos gamutin si Jeron at maayos na ni Jane ang mga ginamit sa first aid kit, umayos ang dalaga ng upo patagilid para makaharap nya si Jeron.

Anong poblema? - seryosong tanong ni Jane.

Ngumiti lang si Jeron sa tanong ni Jane sabay hawak sa mga kamay ng dalaga at hinalikan ang mga yun.

Wala, okay ang lahat nandito ka e - nakangiting sabi ni Jeron.

Tinaasan lang ng kilay ni Jane ang binata.

Nambobola ka? Wag mo ako daanin sa pagpapacute mo, sige na ano nga poblema.

Wala nga - insist ni Jeron.

Hinapit pa ni Jeron si Jane palapit sa kanya para mayakap ang dalaga.

Hindi ako naniniwala, hindi mo gawain ang bigla nalang nawawala - sabi ni Jane.

Kumalas ng bahagya si Jane sa pagkakayap kay Jeron para mahawakan ang binata sa mukha at matitigan ito.

Jeron please let us be honest with each let us promise, no matter how hard, we will always call a spade a spade. Ngayon sabihin mo sa akin anong nangyari kahapon, your team won the championship, but you just walked out on them.

Saglit na natigilan si Jeron, iniisip kung papano sasabihin kay Jane na ang lahat ng nangyari kagabi at kanina ay dahil sobrang miss nya ang dalaga, na napikon sya dahil gusto nya protektahan si Jane sa mga pang-aasar ng mga kaibigan nya. Ayaw ni Jeron na i-guilt trip si Jane.

Huminga muna ng malalim si Jeron bago nagsalita.

Noong nanalo kami sobrang saya pero parang may kulang may hinahanap ako, kaya noong nasa bar kami hindi ko napansin napaparami ang inom ko kaya noong inaasar ako ng mga teammates ko dahil siguro lasing ako, napikon ako, nag walkout ako

Anong kulang? Pano ka nila inasar? Saan ka pumunta pagkatapos mo mag walkout.

Medyo natawa si Jeron sa sunod-sunod na tanong ni Jane, pero muling sumeryoso ng magsimulang sumagot.

Kahapon pagkatapos ng lahat ng excitement bigla kitang namiss, hindi ko alam kung bakit basta na miss kita

A-ako ang dahilan kaya ka nawala ng walang paalam? - paninigurado ni Jane sa ibig pahiwatig ni Jeron.

Hindi kita sinisisi ha - pag kontra kaagad ni Jeron kay Jane.

Jeron baka distraction na ako sayo - matamlay na sabi ni Jane.

Hindi ah, wag mo isipin yun - pagkontra agad ni Jeron.

Ngumiti si Jane bahagya kay Jeron.

Gusto ko rin naman sana na lagi lang ako sa tabi mo, kaya lang hindi pwede e.

Alam ko, naiintindihan ko.

Baka kase nagsasawa kana umintindi - bakas ang lungkot sa boses ni Jane.

Never - paninigurado ni Jeron kay Jane.

I'm sorry - naluluha nang hingi ng paumanhin ni Jane.

Sssss, please don't cry, ilang beses ko bang sasabihin sayo ayaw kitang umiiyak. Promise okay lang talaga naiintindihan ko kahit ilang araw, linggo o buwan kapang hindi magparamdam okay lang, basta pangako mo sa akin babalikan mo ako kung saan mo ako iniwan.

Napangiti si Jane sa sinabi ni Jeron.

Ano ka the man who can't be moved?

Natawa narin si Jeron sa analogy ni Jane.

Yes, for you I'll be the man who can't be moved - muli hinapit ni Jeron si Jane sa tagiliran nya, para ang ulo ng dalaga ay mapahilig sa dibdib nya.

Saan ka pumunta kagabi? - biglang tanong ni Jane.

Ah sa bar? - medyo patanong na sagot ni Jeron, medyo nag aalangan kase sya kung dapat ba nya ikwento kay Jane lahat ng nangyari kagabi.

Saang bar? Sino kasama mo? - casual paring tanong ni Jane.

Sa may Timog lang - matipid paring sagot ni Jeron.

Medyo napakunot na ang noo ni Jane dahil sa mga sagot ni Jeron.

Meron kang di sinasabi sa akin noh

Wala ah - tanggi parin ni Jeron.

Saan ka natulog kagabi - tanong uli ni Jane

Gusto sana isagot ni Jeron sa hotel pero hanggat maawi ayaw nya sobrang masinungalin kay Jane.

Sa condo....ng....kaybigan ko - lihim na nagdadasal si Jeron na sana wag na masyadong magtanong si Jane kase hindi nya alam kung tama bang malaman nito na babae ang kasama ang kasama nya.

Sinong kaibigan?

Taga Xavier - paiwas paring sagot ni Jeron.

Babae, ano? - panghuhuli na ni Jane kay Jeron.

Pano mo naman naisip na babae?

Kase kung lalaki sana nasabi mo na agad kung sino - paliwanag ni Jane.

Selos ka? - tanong ni Jeron.

Bakit may karapatan ba akong magselos e hindi mo naman ako girlfriend - pangangatwiran ni Jane.

Sana selos ka - may himig na biro ni Jeron.

Huh bakit naman gusto mo ako magselos? - takang tanong ni Jane.

Para feeling gwapo naman ako

Natawa nalang si Jane sa sinabi ni Jeron, pero saglit na natigilan, saka ng sabi ang dalaga.

Jeron kung meron ng iba, kung hindi mo na kayang mag-intay, mangako ka na ako ang unang makaalam, mas h-hindi ko...yata kakayanin kung sa iba ko pa malalaman - halos manikip ang dibdib ni Jane habang nagsasalita dahil yun ang bangunot na kinatatakutan nya ang isuko ni Jeron silang dalawa

Hindi yun magyayari - seryosong sagot ni Jeron.

Pero paano kung mangyari.

Pano Jane kung ikaw ang sumuko? - balik na tanong ni Jeron.

Hindi nakasagot si Jane.

Kaya mo bang isipin na hindi tayo sa dulo?

Umiling si Jane bilang sagot.

Ako hindi ko rin maisip na hindi tayo ang tinadhana, kaya yung iniisip mo hindi mangyayari yun, pinapangako ko hindi mangyayari yun.

Sinagot ni Jane ng mahigpit na yakap ang mga sinabi ni Jeron.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon