REAL MEETS REEL

531 25 5
                                    

Kala ni Jeron na mamalik-mata lang sya ng makita si Jane sa labas ng dugout nila. Katatapos lang ng isa sa napakaraming exhibition game na kinabibilangan nya.

Agad nya itong nilapitan at nakipagbeso sa dalaga - ano ginagawa mo dito? - Tanong ni Jeron kay Jane.

Well I heard Jerome here had a game, kaya naisipan ko na dalawin, sayang nga hindi ko naabutan - May himig na biro ni Jane.

Saka lang napansin ni Jeron na ang ka-loveteam pala ni Jane ang nasa tabi ng dalaga

Jeron bro - pagpapakilala ng binata sabay lahad ng kamay kay Jerome.

Jerome, pare - pagpapakilala din nito at nakipagkamay kay Jeron.

Magka-team kayo pero ngayon palang kayo nagkakilala - may pagtatakang tanong ni Jane sa dalawa.

Hinapit ni Jeron si Jane palapit sa kanya sabay halik sa buhok ng dalaga. Yes he is marking his territory, kahit na alam nya na trabaho lang ang na mamagitan kina Jane at Jerome, he still wants to make his claim, after all, as gentleman as he is, he is still a caveman within.

Ramdam na ni Jerome ang tensyon na nanggagaling kay Jeron. Napakamot nalang ito sa ulo at ngumiti ng bahagya kina Jane at Jeron - nakaka-intimidate naman kase yang boyfriend mo Jane baka saktan ako sa court - biro ni Jerome para mawala kahit papano ang tensyon sa kanila ni Jeron.

Tiningala ni Jane si Jeron sabay higpit sa kamay na nasa baywang ng binata, to silently communicate to Jeron, to get his acts together.

Na sinagot naman ni Jeron ng painosenteng ngiti.

Pasensya na bro ha - nahihiyang sabi ni Jeron kay Jerome - sa totoo lang kase.....

Nagseselos ka - pagtatapos ni Jerome sa sasabihin ni Jeron.

Tawa at kibit balikat lang ang sinagot ni Jeron.

Bro don't worry hindi kami talo nyang si Jane kala ko nga lalaki dati yan e kaya nga nagulat ako nong naging kayo

Uy hindi pa kami noh - pagtatama ni Jane

Tiningnan muna ni Jerome ang itsura ng dalawang kaharap na halos wala ng espasyo sa pagkakadikit saka nagsabi ng- "wat-eva"

Natawa nalang sina Jane at Jeron sa sinabi ni Jerome at hindi na nakipagtalo pa.

-----------------------------------------------------------------

Kahit pagod si Jeron na ang naghatid pauwi kay Jane sinusulit ang lahat ng pagkakataon na makasama ang dalaga.

Salamat sa pagpunta, kahit hindi lang ako ang pinunta mo - biro ni Jeron kay Jane.

Sus tama na hindi bagay sayo ang magselos - biro din ni Jane kay Jeron.

Seriously I am so happy you came, buti pinayagan ka.

E kasama ko naman mga handlers namin ni Jerome kaya pumayag si Mommy, tapos support pa Management na pumunta ako maganda daw PR para sa show namin ni Jerome na nakikita kami magkasama outside work.

So kung hindi pa nga dahil kay Jerome hindi ka makakapunta. - Jeron said almost emphasizing every syllables

What is that suppose to mean? - medyo antagonistic narin ang tono ng pagtatanong ni Jane

Hindi sumagot agad si Jeron, ni hindi tinapunan ng tingin si Jane, nagpatuloy lang ang binata sa pagmamaneho.

Tinapunan saglit ni Jane ng inis na tingin si Jeron - Quit the act Jeron - parang batang pinagsasabihan ang binata. What happened to I understand, I support you, kahit mag lie-low tayo okay lang? - inis parin ang dalaga.

Lumingon saglit si Jeron kay Jane at ngumiti ng bahagya, kinuha ang kamay ng dalaga at hinalikan ito, bago sumagot.

Sorry...Yes I must admit I am a little jealous, yung sinabi ko sayo na kahit sino pa maging ka loveteam mo susuportahan ko, totoo parin yun ha, kaya lang ngayong nangyayari na, nakakaselos din pala - Jeron chucked a little. Mas madalas mo sya kasama kesa sa akin, tapos na iisip ko rin ang kasunod na nito mas kailangan pa nating maging discreet dahil syempre may mga fans na mas gusto maging kayo talaga ni Jerome in real life - muling lumingon si Jeron kay Jane at ngumit ng bahagya. Malapit naba ang the end Jane? Kala ko handa ako, hindi pa pala, hindi ko na yata kayang wala ka.

Yumakap si Jane kay Jeron saglit - ang drama, artista kana.

Natawa ang dalawa sa sinabi ni Jane na kahit papano nagpagaan sa tensyon kanina lang.

Nandito pa naman ako ah, lahat naman ng oras na kaya kong ibigay, binibigay ko sayo. Oo inaamin ko naman na kung wala si Jerome kanina sa game nyo baka hindi ako nakapunta, kase wala akong magandang excuse, pero sana naman na appreciate mo kahit papano na ikaw talaga pinunta ko don hindi si Jerome, ginamit ko na nga yung tao bilang excuse e - may himig tampo talaga boses ni Jane.

Inihinto na ni Jeron ang sasakyan nya sa tapat ng bahay nila Jane, at bago bumaba kinabig muna nya si Jane palapit sa kanya - Kaya nga sorry na sobrang appreciated ko naman lahat ng effort mo, sorry na talaga ha inatake ako ng selos e.

Lumayo si Jane para humarap kay Jeron, kumunot ang noo sabay ngiti.

Did we just had our first fight? - tanong ng dalaga.

Wow away naba yun? - takang tanong ni Jeron

Bakit ano ba ang away na nasa isip mo?

Yung binabato mo ako ng plato sa inis - nangingiting sabi ni Jeron.

Saka na yun away mag-asawa yun e.

So...ibig sabihin, saka asawa na kita? - pangungulit ni Jeron kay Jane.

Sira! Tara na baba na tayo kanina pa tayo dito siguradong ngtataka na si Mommy kung bakit hindi pa tayo napasok ng bahay.

Natawa nalang si Jeron sa pag-iwas ni Jane at sumunod narin sa pagbaba sa kotse.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon