Good afternoon po - bati ni Jeron sa Daddy ni Jane
Nasa bahay sya ngayon ng dalaga para sunduin ito, unang beses nya makapunta doon para sunduin si Jane, dahil madalas kapag lumalabas sila sa pupuntahan na sila nagkikita.
Gusto daw sya makausap ni Daddy Erwin.
Kanina pa hindi mapakali si Jeron ilang beses narin nya tinanong ang sarili kung bakit ba nya napasok ang sitwasyon na to
Ano nga ba ang puno't dulo ng lahat ng ito. Nagka-crush lang naman sya, siniwerte na maging kaibigan ang babaeng tinatangi, ngunit bakit ngayon parang komplikado na bakit parang seryoso na ang lahat, hanggang saan nga ba nya kaya.
Unang nakilala ni Jeron si Jane sa isang telethon na ginawa para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda. Ang dalaga ang host at sya naman ay naging taga sagot sa telepono.
Unang kita palang nya kay Jane crush na nya kaagad ang dalaga. Sa buong pagkakataon na magkasama sila sa nasabing event, hindi makalapit masyado si Jeron kay Jane marahil ay dahil sa sobrang hiya.
Ngunit ng matapos sila alam na ng binata na hindi sya makakapayag na hindi makilala nang lubusan si Jane. Kaya lakas loob na hiningi nya ang number nito sa isang kakilala.
Pagkakuha nya ng number ng dalaga, hindi sya nag aksaya ng panahon, agad nyang tinext ito at nagpakilala.
Napangiti si Jeron nang maalala na hindi sya nakilala ni Jane noong una, na hindi ito na impress agad dahil (hindi naman sa pagyayabang) sikat na baskitbolista na sya noon pa man.
Masasabing mula noon ay naging magkaibigan sila sa text na kalaunan ay naging BBM.
Naalala pa nya noong unang beses na pumayag si Jane na lumabas kasama nya at mga common friends nila.
Hindi sya mapakali sa concert habang hiniintay na dumating si Jane. Na agad na napansin ng mga kasama nila
Uy Jeron ano na tayo, para kang pusang hindi mapaanak, hindi ka mapakali ano? Uy excited na syang makita si Jane. Tukso sa kanya ng mga kasama
Ha? Hindi ah - tanggi nya
Choz etchoserang frog - komento pa ng isa.
At nang dumating na nga si Jane para syang avid fan na na-starstruck.
Hi - nasa harap nya si Jane hindi agad sya nakapag salita.
Hi - sagot nya sabay kamot sa ulo, tumungo sabay ngiti. Hindi alam ni Jeron ang nangyayari sa kanya, bakit parang nahihiya, kinikilig, kinakabahan at kung ano-ano pa nararamdaman nya, ngayong nasa harap na nya si Jane.
Sorry galing pa kase ako sa trabaho - sabi uli Jane.
Okay lang - para paring tangang sagot ni Jeron. Hindi nya napansin na nakatitig lang sya kay Jane habang nakangiti ng malapad, kung hindi pa sya binunggo ng isa sa mga kasama nila.
Ah excuse us - sabay kaway sa harap ni Jeron - nandito po kami. Tukso muli sa kanya.
Walang nagawa si Jeron kundi mapakamot uli sa ulo. Namumula narin ang mukha nya sa hiya.
Masasabi ni Jeron na ang gabing yun ang isa sa pinakamasayang gabi sa buhay nya. In the flesh nasa tabi nya ang babaeng na-crushan nya sa unang pagkikita palang nila, ang babaeng hinangaan nya sa mga nalaman lang nya sa pakikipag-usap nya sa BBM lamang, nang gabing yun Jane came closer to his heart, he saw a girl whose charm can disarm any man's defenses.
Jane was so raw so unpretentious, every reaction coming from her is so genuine, anyone within a mileradius from her cannot help but imbibe her energy.
Katulad noong nasa concert pakiramdam nya mas masaya kase he was having fun with Jane, nakakahawa ang bawat ngiti at tawa ng dalaga.
They sung along the songs, they danced. Sa buong panahon na yun Jeron keep close to Jane they were not touching but close enough to be aware of each others presence.
At ng dumating na ang oras para umalis ang dalaga, they shared a goodbye hug, parang napatagal nga, it seemed to be they both don't want the night to end and to let go of each other.
-----------------------------------------------------------------
Nagbibihis lang si Jane - sabi ni Daddy Erwin na syang nagpapukaw sa pagbabalik tanaw ni Jeron.
Maupo ka muna - sabi nito muli - saka lang napansin ni Jeron na kanina pa pala sya na nakatayo.
Ano ba ang intensyon mo sa anak ko? - tanong agad ni Daddy Erwin, pagka-upong pagka-upo nila
Ano nga ba intensyon nya kay Jane. Ang alam lang naman nya na malinaw e crush nya si Jane. Masaya sya na madalas ka BBM ang dalaga, ang madalang nilang paglabas e lagi nyang inaabangan. Ano nga ba ang magandang sagot sa tanong ni Daddy Erwin? Ano nga ba ang totoo.
Tama bang sabihin na mahal na nya si Jane? Ang bilis naman yata. Nililigawan ba nya ito? Matatawag bang panliligaw ang ginagawa nya. Magkaibigan sila? Para namang mas espesyal ang dalaga sa kanya kesa sa isang ordinaryong kaibigan lang.
Gusto nya bigyan ng magandang sagot ang tanong ni Daddy Erwin pero sa sobrang kaba at lito ni Jeron nasabi nya ang unang pumasok sa utak nya.
Crush ko po sya. Nanlaki ang maliit na mata ni Jeron nang ma-realize nya kung gaano ka walang kwenta yung sagot nya.
Natawa si Daddy Erwin. Bata halata naman e - natatawa paring sabi nito.
Napangiti narin si Jeron sabay kamot sa ulo. Pakiramdam ng binata pulang pula na sya sa hiya.
Bata pa anak ko Jeron, nagsisimula palang matupad mga pangarap nya, lalo sa career nya. - Patuloy ni Daddy Erwin
Muling nanlaki ang singkit na mga mata ni Jeron kung kanina sa hiya ngayon sa takot. Pakiramdam ng binata hindi sya makahinga. Parang alam na nya tinatakbo ng sinasabi ng Daddy ni Jane. Alam nya ang totoong sagot sa susunod na sasabihin nito. Hindi nya kayang malayo kay Jane pero kaya ba nya sawayin ang ama ng dalaga. Sigurado syang hindi dumating na yata ang bangungunot nya, kailangan na nyang pilitin ang sarili na lumayo kay Jane.
G-gusto nyo na po na lumayo ako kay Jane? Nahihirapang tanong ni Jeron.
Gagawin mo ba? Kung sakaling yun na nga gusto ko. - Pabalik na tanong kanya.
Nanlulumong tumango si Jeron. Gameover na sila ni Jane. Mas masakit pa yata ito sa lahat ng pinagsama-samang talo ng team nya sa basketball. - Kung yun po ang sa tingin nyo na makakabuti kay Jane, sir, gagawin ko - bakas ang sobrang lungkot sa boses ni Jeron.
Bumuntong hininga si Daddy Erwin. Pwede ka dumalaw dito sa bahay kapag may kasama si Jane, hanggang dito karin lang sa sala at kusina. Kapag lalabas kayo dapat laging may kasama, mas okay sana kung mga kapatid ni Jane ang kasama, ang mga kaibigan kase minsan kunsintidor din.
Hindi makapaniwala si Jeron sa narinig, pwede syang dumalaw, pwede silang lumabas ni Jane. Kunti nalang talaga aatakihin na sya sa puso sa halo-halong emosyon na nararamdaman nya. Ilang segundo lang ang nakakalipas para syang pinagbagsakan ng langit, ngayon naman para syang nasa langit, may blessing na sila ni Jane.
Mabilis ang ginawang pagtango ni Jeron. Mahirap na baka magbago pa ang isip ni Daddy Erwin.
Ayaw ko kayong pagbawalan dahil baka lalo lang kayo makaisip ng kalokohan.
Bata please lang alagaan mo anak ko, mong sasaktan, respetuhin mo sana sya. Ramdam ni Jeron ang pagmamahal ng Daddy ni Jane sa dalaga.
Yes sir, pangako po - mabilis uling tumango si Jeron.
Nagiging seryoso na nga ang lahat, napagdaan na nya ang classic na meet the father. Nakakatakot pero kung eto ang kailangan para hindi sya malayo kay Jane, gagawin nya ng maka-ilang ulit.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
RandomI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...