Dahil sa wakas friends na sila ni Charlie sinunod ni Jeron lahat ng gustuhin ng bata. Hinayaan lang din ni Jane na ma spoil ni Jeron si Charlie dahil first time nga na magbonding ang dalawa, pero sya rin ang taga sabi ng "no" kapag napapasobra na si Jeron sa pagbibigay.
Pagkakain gusto ni Jeron na dumiretso sila sa arcade para matupad nya agad ang pangako kay Charlie na maglalaro sila ng video games.
Papunta sa arcade may nadaanan sila na stall na nagtitinda ng mga RCs at may pinatatakbong RC helicopter yung salesman. Napatigil sila sa paglalakad dahil agad na naagaw ang atensyon ni Charlie, tuwang tuwang pinanood nito ang lumilipad na helicopter.
Bro magkano yan - tanong ni Jeron sa salesman.
2999 lang po, kuha na po kayo, pwede nyo pa to lagyan ng go-pro - sales talk ng kausap ni Jeron.
Nang mapansin ni Jane na parang tatanungin ni Jeron si Charlie kung gusto nito noong helicopter agad na hinawakan ni Jane si Jeron sa braso at pinaharap sa kanya.
Don't - sabi lang ni Jane.
Why not - alam na agad ni Jeron ang ibig sabihin ni Jane.
It's too much, baka masanay - sagot ni Jane.
Napakamot sa ulo si Jeron bago ng dahilan - minsan lang naman e.
Bata yan he is testing his limits, kapag sinimulan mo sa luho iisipin nya na okay lang humingi kahit mahal at hindi kailangan.
Huh? - Jeron ask with an amused expression on his face.
Napangiti si Jane noong una sabay yakap kay Jeron hanggang sabay na sila natawa. They both realize without saying much that Jane for awhile there sounded like a parenting book.
-----------------------------------------------------------------
Natuloy ang tatlo sa arcade, lahat ng gustong laruin ni Charlie nilaro nila, hindi naman na OP si Jane kina Charlie at Jeron dahil sa lahat ng arcade games kaya nito makipagsabayan sa dalawa.
Sa buong panahon na naglalaro sila mas pinapansin pa ni Charlie si kuya Jeron nya kesa sa ate Jane nya.
Kuya come let's play basketball - nakakatawang tingnan na higit-higit ng maliit na si Charlie ang six-footer na si Jeron.
Nang makalapit ang tatlo sa basketball hoops binuhat ni Jeron si Charlie para itayo sa may lagayan ng mga bola.
Okay bro here's our deal, kung sino ang manalo sa inyo ni ate Jane ililibre ko ng ice-cream - kinindatan ni Jeron si Jane na parang sinasabi na magpatalo ka ha, na sinagot lang ni Jane ng ngiti at iling.
Jeron just chuckle at Jane's competitiveness. While Charlie, oblivious to the silent exchange between Jane and Jeron became more hyper at the thought of winning and the prize he will receive.
Nang magsimula ang "game" ng mag ate naka-alalay ang kaliwang kamay ni Jeron kay Charlie habang ang kanan naman e taga abot ng bola sa bata. Nang mapansin ni Jeron na nalamang na ng malaki si Jane kada abot ng bola kay Charlie sinusundan nya ng isang mabilis na shoot.
Ang daya! - angal ni Jane.
Natawa nalang si Jeron sa parang batang pag angal ni Jane.
At nang matapos sila panalo si Charlie. The boy faced Jeron and smiled from ear to ear - I won! I won! Kuya.
Yes bro you won! Jeron matched the excitement of Charlie.
Daya parin - angal ni Jane.
Natawa nalang si Jeron sa pagrereklamo ni Jane, then gave his girl a one arm hug and a kiss on the head
Hinigit ni Charlie kamay ni Jane para makuha ang atensyon nito - Ate galing ni Kuya Jeron mag basketball.
Natawa si Jane sa sinabi ng kapatid - Malamang - sabi ni Jane na bumaba pa para makapantay ang kapatid.
-----------------------------------------------------------------
Dahil sa sugar high mula sa unlimited na ice-cream treat ni Jeron kay Charlie mas naging active ang bata walang ginagawa sina Jane at Jeron kundi habulin si Charlie at siguraduhing hindi ito masusuot sa lugar na hindi nila makikita.
Hanggang napagod na ito at kinarga nalang ni Jeron.
Grabe tong kapatid mo ha daig ko pa ang ng suicide sa court kakahabol.
Natawa si Jane sa sinabi ni Jeron. Wag mong sabihin na tumatanda kana iisang bata lang yan pano pa kung magka-anak ka ng sunod-sunod - sabi ni Jane habang pinupunasan ng pawis si Charlie na natutulog na ngayon habang kalong parin ni Jeron.
Ngumiti si Jeron ng nakakaloko bago ng tanong ng - bakit ilang sunod-sunod na anak ba ang gusto mo?
Napangiti din si Jane sa gustong ipahiwatig ni Jeron - bakit ako ba ang magiging nanay ng magiging anak mo?
Oo naman - Jeron said playfully but yet with conviction.
Talagang sure ka ha - biro ni Jane kay Jeron.
Oo sure na sure, kaya please humor me, ilang anak gusto mo?
Anak agad-agad - ayaw parin sumagot ni Jane.
Oo nga naman bago mga anak dapat kasal muna, so anong dream wedding mo? - kulit parin ni Jeron
Talagang "mga" ha - natatawang pag-iwas parin ni Jane na patulan ang tinatakbo ng utak ni Jeron.
Oo "mga", so balik talaga tayo sa usapang anak ha, okay sige.
Tuluyang natawa na si Jane sa mga pinagsasabi ni Jeron.
Gusto ko anim na anak, limang lalaki, isang babae, para may first five na tayo at saka isang cheerer, pero kung gusto mo ng mas marami pwede din.
Wow ikaw ang manganganak? - patol narin ni Jane sa kalokohan ni Jeron.
Oh sige future Mrs. Teng, ikaw na ang masunod, ilang anak gusto mo? - ayaw parin bitawan ni Jeron ang usapang "mga" anak.
Isa lang - may himig pang-aasar na sabi ni Jane.
Isa lang, kawawa naman anak natin walang kalaro - angal ni Jeron
Marami tayong kapatid, mag-aanak yung mga yun ng marami siguradong may makakalaro anak natin.
Napangiti si Jeron dahil sumasakay na si Jane sa usapang sinimulan nya.
E kasal, saan mo gusto mag pakasal.
Kahit saan basta sa simbahan, gusto ko ng Catholic wedding e.
Manila Cathedral? - suggestion ni Jeron.
Wag don malas daw magpakasal don, naghihiwalay.
Sige noted kahit saan wag lang sa Manila Cathedral.
Bahay? Anong bahay ang gusto mo?
Hmmm....yung sapat lang, yung hindi masyadong malaki, para lagi tayong nagkikita ng mga anak natin - hindi napansin ni Jane na sobra na syang nadala sa possible future nila ni Jeron.
Ah ha...."mga" anak pala ha - hindi pinalampas ni Jeron ang pagkadulas ni Jane.
Natawa si Jane sa kakulitan ni Jeron pagdating sa pagkakaroon ng maraming anak.
Tama na nga to kinikilabutan na ko sa tinatakbo ng usapan natin - si Jane.
Hinawakan ni Jeron ang kamay ni Jane, tumingin ng diretso bago ng sabi ng - lahat ng pangarap natin, promise tutuparin ko.
Don't make promises Jeron it's too early, ang layo pa ng lalakbayin natin - nginitian ni Jane si Jeron ng bahagya bago pinisil ang kamay ng binata.
Tinapatan ni Jeron ang ngiti ni Jane - maniwala ka, isang araw lahat ng pinag-usapan natin hindi nalang imagination totoo na.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
RandomI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...