EVERYONE IS HURTING

365 19 8
                                    

Araw araw si Jeron napunta sa bahay nila Jane nagbabakasakali na kausapin na sya ng dalaga, pero niminsan hindi sya nilabas nito. Ang humaharap sa kanya mga magulang ni Jane o si Noemi para lang sabihan sya na umuwi nalang dahil hindi pa handa ang dalaga na kausapin sya
-----------------------------------------------------------
Jane nandyan uli si Jeron sa labas - mahinahon na sabi ni Mommy Jen sa anak na nagmumukmok parin sa kama.

Jane didn't stop working on sets she never stopped being competent and present pero pagkatapos ng trabaho pagkauwi sa bahay tuloy ang dalaga sa kuwarto para mag mukmok.

Mahigit isang linggo narin naman anak siguro panahon na para harapin mo sya.

Umupo lang si Jane mula sa pagkakahiga saka bahagyang tumungo.

Anak you worry me, kami nila Daddy mo at mga kapatid mo, anak kung hindi mo na talaga mapatawad si Jeron, set yourself free from him, harapin mo na sya, tanong mo na ang lahat na gusto mong malaman, sabihin mo na ang lahat ng gusto mo.

Mommy I'm confused hindi ko po alam kung ano talaga nararamdaman ko ngayon kung ano dapat kung maramdaman ngayon. I am not ready to face him yet. Mommy ni hindi ko alam kung ano ang gusto kong malaman o itanong sa kanya, namamanhid ako, Ma - tumulo na ang mga luhang kanina pa nilalabanan ni Jane

Malungkot lang na pinahid ni Mommy Jen ang mga luha ng anak at saka niyakap ito. Nanay sya kung pwede lang protektahan ang mga anak sa kahit na anong klaseng sakit ginawa na nya, pero alam nya kung ano man ang pinagdadaanan ni Jane ngayon bahagi yun ng pag-unland ng anak at katulad din ng lahat, lilipas din lang iyon.
-----------------------------------------------------------
Pagkalabas ng bahay kaagad na nilapitan ni Mommy Jen si Jeron.

Malungkot lang na umiling si Mommy Jen, bumagsak nalang ang balikat ni Jeron nakuha na nya agad ang ibig sabahin ng Mommy ni Jane.

Umuwi ka na muna Jeron, bigyan mo na muna si Jane ng kunti pang panahon para harapin ka.

T-Tita mag-iintay nalang po ako dito sa labas...b-baka po sakali mamaya kausapin na ako ni Jane - may halong pakiusap na sabi ni Jeron.

Jeron, nakita mo naba ang itsura mo sa salamin, you don't look good, you look sick, go home and rest, halos mag camping kana dito sa labas ng bahay namin.

B-baka po...lalo akong hindi mapatawad ni Jane...kapag hindi na nya ako nakikita dito - bakas ang labis na pag-aalala sa mga mata ni Jeron.

Pero yang ginagawa mo kase, its not healthy not for Jane not for you. Sige na anak umuwi ka na muna, give Jane more time, and just make sure to be there when she is ready to talk.

Nangingilid ang luhang tumango nalang si Jeron at saka lugmok na sumakay sa sasakyan para umuwi, hindi rin naman nya kayang mag matigas ng ulo sa Mommy ni Jane.
-----------------------------------------------------------
Lumipas pa ang araw, umikot ang buhay ni Jeron sa misyon nya na mapatawad ni Jane. Kung hindi nya naabutan si Jane sa bahay sinusundan nya ang dalaga kung nasaan ito. Lahat ng social media na konektado sa dalaga ini-stalk nya, fan at management accounts, para malaman nya palagi kung nasaan si Jane

J-Jane... - tawag pansin ni Jeron sa dalaga ng akmang pasakay na ito ng sasakyan.

Katatapos lang ng trabaho ni Jane, shooting parin ng pelikula. Maaga palang nasa location na si Jeron naunahan pa nga ng binata ang call time nila Jane, kaya matagal tagal din ang ginawang pag iintay ni Jeron dahil ayaw naman nya na abalahin sa trabaho ang dalaga

J-Jeron! - bakas ang malaking gulat sa boses ni Jane. Kanina kapa dito? - pinasadaan pa ng dalaga ang itsura ni Jeron lahatang puyat at medyo na ngangayayat narin.

C-Can we talk? - nag mamakaawa ang boses ni Jeron.

Bago pa nakasagot si Jane dumating naman si Jerome.

Jane? You okay? - tanong ni Jerome sa kaibigan pero kay Jeron nakatingin.

O-Okay ako, t-tara na? - sabi ni Jane sabay hawak sa braso ni Jerome para senyasan ito na sumakay na sa sasakyan. Nagkakasukatan na kase ng tingin sina Jeron at Jerome, ayaw naman ni Jane na makaagaw sila ng atensyon.

Sumunod naman si Jerome at iginya si Jane para ito ang unang pumasok sa sasakyan.

J-Jane... Please - pakiusap uli ni Jeron sa dalaga.

Bro ayaw kang kausap kaya please lang - muling humarap si Jerome kay Jaron

Pwede ba bro! Poblema namin ito ni Jane! - napataas na ang boses ni Jeron dahil na aangasan na sya kay Jerome.

J-Jerome tara na... - hawak uli ni Jane sa braso ng kaibigan. J-Jeron... Please - diretsong tiningnan ni Jane ang binata sa mata, napansin nya agad na ngingilid na ang mga luha ni Jeron.

At sa pagkakatingin din ni Jane nakita ni Jeron ang mga luhang pinipigilan ng dalaga, they are both hurting he knows and he feels more hopeless than ever, gusto nyang mawala ang lungkot sa mga mata ni Jane, gusto na rin nyang matigil ang sariling sakit na nararamdaman pero hindi nya alam kung pano at kung saan magsisimula, he just stood there with eyes glistening with tears and watched the girl he loves drove away.
-----------------------------------------------------------
Jeron - bungad ni Daddy Alvin sa anak. Gabi naman umuwi ang binata ilang araw nang lutang at bilang ama lubos na syang nag aalala sa inaasta ng anak.

Dad - walang emosyong sagot ni Jeron sa ama.

Sinenyasan ni Daddy Alvin ang anak na maupo sa sofa.

Jeron we are worried, Nanay mo halos hindi mapakali hanggat hindi ka umuuwi, after this semestral break mag sisimula na ang huling taon mo sa college you can't afford to messed up. - mahinanong paalaala ni Daddy Alvin sa anak.

Dad I-I don't...k-know how to function well without Jane - nanginginig ang boses na sabi ni Jeron.

Malungkot lang na ngumiti si Daddy Alvin.

Ganon talaga anak e, nagkakamali tayo sa buhay tapos huli na nating mare-realize na hindi pala natin kaya ang consequence. Hindi ko sinasabing balewala yung ginawa mo kay Jane kase bahagi lang yun ng buhay, and you just have to move on like nothing happened, dahil maling mali ang ginawa mo, at umaasa ako na pinalaki kita ng maayos kaya hindi ka uulit pa. But what can we do, as I said mistakes are part of life and once they are done there is no way of undoing them and we have no choice but to live with the pain of their consequences and just promise to never inflict the same pain on ourselves ever again.

D-Dad I just can't stop asking forgiveness from Jane - napapailing na sagot ni Jeron, hindi nya maintindihan ang gustong mangyari ng ama.

Nailing at napangiti at medyo sarcastic na napangiti si Daddy Alvin

You missed the point Jeron, sa ginawa mo kay Jane dapat lang talaga na paghirapan mo ang paghingi ng tawad kay Jane. Kahit habang buhay kapa humingi ng tawad gawin mo but while doing so, please stop acting like a victim na parang ikaw pa ang mas may karapatang masaktan, man up and handle your pains, stop wallowing, choices mo ang nagdala sayo sa kinatatayuan mo ngayon.

Hindi parin lubos na mintindihan ni Jeron ang ibig sabihin ni Daddy Alvin, ang malinaw lang sa kanya ayaw ng ama na wasakin nya ang sarili dahil sa isang kasalanang nagawa.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon