MEET MOMMY SUSAN

551 12 1
                                    

May notification sa cellphone ni Jane. Agad nyang kinuha yun.

Hindi pa man nya nalalaman kung kanino galing malapad na ang ngiti ng dalaga, iisang tao lang naman ang madalas na laman ng cellphone nya.

Pero noong tingnan nya kumunot ang noo nya sa pagtataka dahil unknown ang number na naka register. At ng buksan nya ang message nanlaki ang mata nya noong mabasa ito.

-Hi Jane, Tita Susan to, are you busy? Can we meet?-

Nakaramdam ng kaba si Jane. Bakit gusto ng mommy ni Jeron na makausap sya?

-Sure tita, im free po later after ASAP, pero magpapaalam lang din po muna ako kay mommy- text back ni Jane

-Thats great, I can pick you up later if you want, pahingi narin ng number ng mommy mo para ako na magpaalam para sayo-

-Naku tita wag na po nakakahiya naman po-

-No ako ang makakaabala sayo e-

Binigay nga ni Jane ang number ni Mommy Jen.

-----------------------------------------------------------------

Tumawag mommy ni Jeron sa akin. Bungad agad kay Jane ni Mommy Jen. Kung pwede ka daw isama lumabas.

Mom-myyy - Jane said in a singsong voice - sabay yakap sa ina.

Ramdam ni Mommy Jen ang bahagyang tensyo ni Jane. Kaya nginitian nya lang ito bahagya at hinawakan sa pisngi.

Ginusto mo naman yan e - may panunuksong patukoy sa palalamim na pagkakaibigan ni Jane at Jeron. Alam ni Mommy Jen na alam ni Jane na malamang sa hindi kaya gusto makipagkita ng Mommy ni Jeron sa dalaga e upang mapag-usapan kung ano man ang meron sa dalawang bata.

-----------------------------------------------------------------

Gaano ba ka importante si Jeron sa buhay nya, tanong ni Jane sa sarili, para gawin ang isang bagay na sa hinagap e hindi nya maisip na kailangan nyang gawin ng maaga sa buhay.

Ano ba to? Meet the parents? Hindi ba ginagawa lang to ng dalawang nasa relasyon hindi ng magkaibigan lang, ang buong akala ni Jane she still got a couple more years before she has to do that nerve-wracking event in a girlfriend's life. Hindi naman sya girlfriend ni Jeron, alam ni Jane na friends lang sila, pero friends nga lang ba? Kung mommy ng ibang friends nya si Mommy Susan sasama nga ba sya? Siguro kung close din sila, pero kung hindi baka ma-weirdohan lang sya. Aminin man o hindi ni Jane, sa ngayon Jeron is not just a friend, he is more than that, he is someone special.

Mula nang makilala nya si Jeron naging matapang na sya,katulad sa sitwasyon ngayon, pero naging mahina rin sya, nagkaroon sya ng mga takot, at isa sa kanila ay baka  sa pagdating ng araw na kailangan na nya pakawalan si Jeron para sa mga pangarap nilang dalawa ay hindi na nya kayanin pa.

Eto naba ang araw na yun? Pakiki-usapan sya ng mommy ni Jeron na layuan ang binata dahil distraction na sya dito?

-----------------------------------------------------------------

Natuloy sina Jane at Mommy Susan sa isang kainan sa BGC

Ano gusto mo Jane? - Tanong ni Mommy Susan.

K-kahit ano po - nabubulol at napapiyok na sagot ni Jane.

Mommy Susan smiled at her sincerely - Your nervous hija, kanina ko pa napapansin sa sasakyan, I don't bite -  marahan pang tinapik nito ang kamay ni Jane. Alam mo naman siguro na si Jeron ang magiging topic natin.

Tumango ng marahan si Jane.

You know Jane shoti is my favorite, yung mga kapatid nya tanggap yun. When I said no girl will be good enough for my sons, I meant it, specially for Jeron.

Napatungo si Jane. She clutch her hands tightly together, and fought hard not to cry. Tama nga yata si Jane, malamang sa hindi ang susunod na sasabihin ni Mommy Susan ay iwasan nya si Jeron.

But you are different you make Jeron happy. At gusto ko rin yung nakikita ko nag exert ka ng effort for Jeron. Katulad noong dumalaw ka sa kanya sa ospital, kagagaling mo lang daw sa trabaho dumiretso kana kay Jeron, thank you for that. Hindi mo alam kung paano mo napataba ang puso ko noon. There's no other joy than the a mother's joy when she knows her children are loved.

Jane visibly relaxed when she heard what Mommy Susan had to say. Thank you po tita - yun na nga siguro ang pinakatamang sabihin nya kay Mommy Susan - nagapapasalamat sya sa blessing na nakuha nya mula sa Mommy ni Jeron.

I cannot ask you not to hurt Jeron, Jane, simply because I think my son is really smitten by you. Iwan mo lang sya masasaktan mo na sya. Hindi malabong mangyari yun, nasa showbiz ka, the fans tend to be jelous at times, tama ba ako? Bahagyang nakangting sabi ni Mommy Susan.

Tumango lang si Jane bilang sagot, dahil tama naman ang sinasabi ng Mommy ni Jeron.

Malaki na anak ko Jane, alam na nya pinapasok nya. Ang hihilingin ko lang sayo e be honest to my son at all times. Wag mo syang paasahin sa hindi nya pwedeng asahan.

Opo - maikli at makahulugang sagot ni Jane. Dahil sa sitwasyon na binigay sa kanila ni Jeron wala na silang ibang option kundi ang maging honest sa isat-isa para man lang kung kailangan na talaga nila maghiwalay ang sakit ay hindi palalain pa ng kasinungalingan.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon