Pagkauwi ni Jane galing sa paglabas kasama si Mommy Susan, agad nakatanggap ito ng tawag mula kay Jeron.
Hello - sinagot ni Jane ang tawag pagkatapos ng ilang saglit.
Bakit ngayon kalang sumagot - bungad agad ni Jeron.
Kanina pa kase ito natawag at sinasadya nyang wag sagutin, nahihiya kase sya kay Mommy Susan. Hindi nya alam kung alam ni Jeron na lalabas sya kasama ang Mommy nito. Sa sobrang tensyon at kaba kase nya kanina hindi na nya na itext o natawagan ang binata tungkol sa paglabas nila ni Mommy Susan.
E kasama ko kaya Mommy mo kanina - sagot ni Jane.
Ha?! Magkasama kayo ni Mommy kanina!? - medyo tumaas ang boses ni Jeron sa gulat at pagtataka.
Oo kumain kami sa labas, tapos sinamahan ko sya saglit sa pamimili - muling sagot ni Jane.
Ano sinabi sayo ni Mommy? - bakas ang kunting kaba sa boses ni Jeron.
Ang dami hindi ko na matandaan, pero ang bottom line e, parang nagbibigay sya ng blessing sa atin.
Talaga? - ngayon bakas naman ang ngiti sa boses ni Jeron.
Oo - sagot ni Jane sabay buntong hininga.
Ang lalim non ah - tukso ni Jeron kay Jane.
E kase naman parang ang seryoso na. E diba friends lang naman talaga tayo. - paliwanag ni Jane.
Ako nga ginisa, inihaw, prinito pa ng Daddy mo noong sunduin kita sa inyo.
Oh ginawa sayo ni Daddy yun? Anong sinabi sayo? - gulat na tanong ni Jane.
Ganon din ng bigay ng blessings and rules.
Anong rules?
Na pwede lang ako dumalaw dyan sa inyo kapag may kasama ka, hanggang sala at kusina lang daw ako, kung lalabas dapat daw may kasama, mas okay kung mga kapatid mo, kase ang mga kaibigan daw minsan konsintidor pa - bakas ang pagkaaliw sa boses ni Jeron.
Anong sagot mo sa mga sinabi ni Daddy?
E syempre, oo lang ako sa lahat, alangan naman sabihin ko sa Daddy mo na hindi - natatawang sagot ni Jeron.
E para kaseng sinabi mo narin kay Daddy na nililigawan mo ako e.
Si Jeron naman ang napa buntong hininga. Bago ka pumasok sa PBB malinaw sa atin na friends lang tayo diba? Na ang priority natin mga career natin. Ganon padin Jane ang priority natin career, pero yung friends, yun padin ba label natin?
E ano nga ba ang status natin? - tanong ni Jane.
May tatanong ako sayo - panimula ni Jeron. Kung mabalitaan mo ba na nanliligaw ako sa iba, magseselos ka?
Hindi agad nakasagot si Jane.
Jane, honest answer, k-kahit ano maiintindihan ko - may kabang sabi pa ni Jeron, baka kase "hindi" ang sagot ni Jane.
Ano nga ba mararamdaman nya sa isip ni Jane. Makakaya nga ba nya malaman na may ibang pinakikitaan ng mabuti si Jeron? Pero paano kung sabihin nya na magseselos nga sya ibig sabihin ba noon itinatali na nya ang sarili kay Jeron at yun din ang aasahan nya sa binata, may commitment na sila? Hindi pa nga pwede. Nag promise sya kay Mommy Susan na magiging honest sya kay Jeron, yun ang gagawin nya.
Magseselos .... Pero hindi ibig sabihin tinatali na kita ha .... Sabi mo nga career ang priority natin hindi ang pakikipagrelasyon - sagot ni Jane. Pero magseselos talaga ako promise kapag may iba - natatawang pahabol ni Jane.
Ako din magseselos kung merong iba - parang nabunutan ng itik na sagot ni Jeron. pero hindi din ako mag expect na ako ang priority mo.
So ano na nga tayo? - tanong ni Jane
Exclusive? - tanong pabalik ni Jeron
Exclusively dating?
Hindi pa nga tayo pwede mag date diba? Kung lalabas tayo kailangan may ibang kasama, date ba ang ganon? Sagot ni Jeron.
So exclusive tayo but not dating? Natatawa na si Jane sa tinatakbo ng usap nila ni Jeron. Natatawa sya dahil ang gulo nila pero malinaw narin.
At never dapat maging demanding sa isat isa - bakas na narin ang tuwa sa boses ni Jeron. At saka wag kalimutan I'm your number one fan.
Napabungisngis si Jane sa sinabi ni Jeron - hala sige number one fan mahaba na tong usapan nato, pareho na nating kailangan magpahinga, ako may trabaho bukas ikaw may practice pa. Good Night Number One Idol - pahuling sabi ni Jane.
Good night, number one idol - pahabol din ni Jeron bago tuluyang ibinaba ang telepono.
In just awhile the two almost simultaneously feel in a sweet and peaceful slumber.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
RandomI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...