Magmamadaling araw nasa shooting parin si Jane ng bago nyang pelikula kasama si Jerome, malaki ang pasasalamat nya na hindi sya na wawalan ng trabaho at madalas ang kaibigan ang nakakapareha nya.
Pagkatapos kunan ang huling eksena nya kaagad syang pumunta sa tent na naka-assigned sa kanya at sa iba pang mga artista. Pagpasok sa loob medyo pasalamat si Jane na si Jerome lang ang nandon kaya siguradong makakapag pahinga sya, sa tinatakbo ng trabaho nila siguradong putok na ang araw sila uuwi.
Instinct na ni Jane na laging hagilapin ang cellphone nya at nang mahawakan nya iyon agad naman itong inagaw ni Jerome.
Pahiram lowbat pa ako
May bagong online game na kinababaliwan si Jerome kaya hinayaan nalang nya ang binata, kinuha nalang nya ang tab nya para doon nalang mag check sa net, katulad ng karamihan Jane already acquired the habit of constantly checking the happenings around the web, pero bago pa nya mabuksan yun muling inagaw iyon ni Jerome.
Dalawa account ko dito ko lalaruin yung isa.
Kumunot naman ang noo ni Jane hindi alam kung ma we-weirdo-han kay Jerome o maiinis.
Sige na matulog kanalang babagsak na yang talukap ng mata mo sa antok e - sagot ni Jerome sa tahimik na pag protesta ni Jane.
Kaya wala na nagawa ang dalaga kundi sakyan ang trip ng kaibigan.
----------------------------------------------------------
Pagkagising ni Jane agad sya muling sumalang sa eksena at pagkatapos noon saka sila nag pack-up.Pagkapasok ng tent hinanap ni Jane kay Jerome ang mga gadgets nya, pero sa halip na iabot ang mga ito sa kanya, nag sabi muna eto na makikisabay pauwi.
Tara na - sabi ni Jerome sabay akbay kay Jane palabas ng tent papunta sa sasakyan, ni hindi man lang inintay na umoo ang dalaga.
Pagkapasok sa sasakyan agad na sinilip ni Jane kung nasa loob na ng sasakyan lahat ng gamit nya hindi na kase sya binigyan ng pagkakataon ni Jerome na mag tanong manlang sa team nya kung maayos na lahat.
Ang weird mo - sabi nalang ni Jane sa kaibigan, pagkatapos ma-check lahat ng importanteng gamit nya.
Iniabot naman ni Jerome ang cellphone at tab ni Jane, his expression blank.
Gusto ko lang malaman mo na kung mangailangan ka nandito lang ako.
Medyo natawa naman si Jane sa sinabi ni Jerome.
Uy hindi na ako kinakapos sa pera hindi tulad ng dati.
Agad din napawi ang ngiti ng dalaga ng makita nya ang mga mentions at tag nya sa social media. There staring at her face are pictures of Jeron and a girl not familiar to her. The two where dancing close to each other, laughing in one picture, hugging on other and countless picture of the two kissing.
Napatingin si Jane kay Jerome, nangingilid na ang mga luha nya. Now she can she the sympathy in Jerome's eyes, now she knows na hindi pera ang kakailanganin nya kay Jerome kundi oras nito at pagdamay.
Jerome just hugged Jane and let her cry silently.
Ayaw ko muna umuwi - Jane said.
To which Jerome gave a nod as an answer.
----------------------------------------------------------
Sa dating school na pinapasukan ni Jerome dinala ng binata si Jane. Kilala pa sya ng mga security guards kaya pinayagan silang makapasok. Sunday walang klase walang nagkalat na mga estudyante, don lang alam ni Jerome na walang papansin sa kanila ni Jane.Tahimik lang naglakad papasok ang dalawa hanggang makarating sila at maupo sa ilalim ng puno ng talisay kung saan paborito ni Jerome at ng mga barkada nya tumambay dati.
Okay kalang? - putol ni Jerome sa katahimikan na namamaggitan sa kanila ni Jane.
Umiling lang si Jane at muling tumulo ang luha.
Inakbayan naman ni Jerome ang dalaga para hapitin palapit sa kanya at ng mahilig nito ang ulo sa balikat nya.
Bugbugin ko gusto mo
Hindi sumagot o kumilos lang si Jane tahimik lang itong umiyak sa balikat ni Jerome.
Pagkalipas ng ilang sandali bahagyang kumalma si Jane, umayos ng upo at saka tumingin ng diretso sa kawalan.
Je ang sakit, hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin ni Jeron to, alam ko hindi ko sya tinali sa akin, alam ko hindi ko hiningi commitment nya sa akin pero sinabi ko naman sa kanya ng ilang beses na kung may iba na dapat ako ang unang makaalam. May pinagsamahan naman kami bakit kailangan sa ganto ko pang paraan kailangan malaman ang lahat - muli may tumulong luha sa mga mata ni Jane.
Hinawakan ni Jerome si Jane para iharap sa kanya at punasan ang mga luha ng kaibigan.
You'll be okay, si Jeron ang nawalan hindi ikaw -sincere na sabi ni Jerome.
Tama ka walang nawala sa akin kase Jeron was never mine in the first place. How can you lose someone you never had. Pano ako magluluksa wala namang nawala sa akin, pano ako magagalit kay Jeron for cheating on me, hindi naman kami. Buti pa yung mga girlfriends na naiwan pwede nilang sabihin sa buong mundo na nasasaktan sila, and the whole world will understand. Pero yung mga katulad ko na walang claim sa mga taong mahal nila walang karapatang masaktan, we have no choice but to hide our pains.
Pero sa akin wala kang kailangang itago, kung nasasaktan ka sabihin mo, kung nagagalit ka kay Jeron sabihin mo, maiintindihan ko, wala kang makikinig sa akin hindi kita sesermonan, makikinig lang ako tapos gagawin ko ang lahat maging okay kalang.
Ngumiti lang bahagya si Jane saka yumakap sa kaibigan.
Thank you Je nandito ka hindi ako nag-iisa.
You will never be alone Jane maraming ng mamahal sayo.
Saan mo gusto pumunta bukas? - bahagyang kumalas si Jerome kay Jane nang maramdaman nya na kumalma na ang dalaga.
Medyo na pakunot ang noo ni Jane sa sinabi ni Jerome dahil ang alam nya may shooting pa sila kinabukasan.
We can both call in sick - Jerome said mischievously
Umuling lang si Jane.
No I want to work.
Are you sure? Ready kanaba humarap sa mga tao? Pano kung may mga press? - worried talaga si Jerome sa well being ng kaibigan.
Mangyari na ang mangyari, wag na natin i-delay - sagot lang ni Jane.
Okay sige, don't forget nandito lang ako - ngumiti si Jerome kay Jane sabay pisil sa kamay ng dalaga for assurance
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
AcakI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...