Hello its me again - panimula ni Jane ng voicemail na naman ni Jeron ang sumagot sa tawag nya. Call me if you're not busy anymore.
Hoy, pangsampung beses mo ng voicemail yan sa boyfriend mo, clingy kana, ayaw ng mga lalaki ng ganyan - sita ni Jerome kay Jane.
Katulad ng dati sila nanaman ang naiwan sa dressing room habang ang iba nilang kasamahan e nasa rehearsal o kaya piniling mag break sa labas ng studio.
Inikutan muna ng mata ni Jane si Jerome bago sumagot.
Hindi ko nga boyfriend si Jeron.
E d lalong malala yang ginagawa mo, hindi mo pa nga boyfriend kung magtext ka at tumawag para kang misis na nag momonitor ng asawa. Ingat baka masakal yan, mag-sawa sayo - may himig biro at pang-aasar na sabi ni Jerome.
Bigla namang nalungkot si Jane sa narinig mula sa kaibigan.
Uy, joke lang yun, wag mo seryosohin - agad na alo ni Jerome kay Jane.
Baka nga nagsasawa na sya - malungkot na sabi ni Jane.
Uy joke lang talaga yun, sorry na bad joke, smile kana ulit, please - sinusubukan pang kilitiin ni Jerome si Jane para mapatawa, pero bad mood na ang dalaga.
Alam mo Je, sa amin ni Jeron sya yung laging nag iintay, sa atensyon ko, na sumagot ako sa mga tawag at text nya, na magka-oras ako para sa kanya, sya ang laging nag aadjust. Ngayon lang sya hindi makontak, alam ko umaga lang practice nya ngayon, bakante na sya sa hapon, mag eight o'clock na wala padinng balita galing sa kanya- malungkot na sabi ni Jane.
Baka napasabit lang yun kung saan, wag kang praning, hindi ka isusuko non, dahil alam non marami kaming nag iintay na pumalpak sya - biro uli ni Jerome kay Jane.
Sira - natatawang sagot ni Jane sa kalokohan ni Jerome.
Bigla ko lang na-realize - seryoso muling sabi ni Jane. Hindi pala madali ang mag-intay ano - Jane gave a light chuckle. Hindi ko nga alam kung bakit ang tyaga ni Jeron sa akin, from time to time, naiisip ko, I feel not worthy na parang sya lang ang nagbibigay, ako taga tanggap lang, parang kung ako nasa sitwasyon nya baka nanawa na ko.
Mananawa ka kahit mahal mo? - tanong ni Jerome kay Jane.
Aywan - kibit balikat na sagot ni Jane. Hindi ba nakakasawa mag intay sa taong wala naman pinapangako sayo, siguro kahit gaano mo kamahal, darating din ang panahon na sarili mo naman ang iisipin mo.
Bakit wala kabag pinangako kay Jeron? - panimulang tanong ni Jerome. E alam ng lahat wala ka nang ini-entertain na manliligaw, in a way binigay mo narin sa kanya commitment mo e.
Alam ng lahat? Talaga? Baka hindi naman alam ni Jeron, para kaseng never ko naman kase syang binigyan ng assurance o pangako - casual na sagot ni Jane.
Oh ayan alam mo naman na pala ang poblema solusyonan mo na. Dyan nanggagaling ang takot mo, alam mo sa sarili mo na never kapang nakapagbigay ng assurance kay Jeron, na never mo syang nabigyan ng dahilan para mag-intay, kaya takot ka na baka magsawa.
Paano ko naman sya bibigyan ng assurance? - tanong ni Jane.
Sabihin mo na nararamdaman mo sa kanya na committed ka sa kanya, na wala ng iba kundi sya lang - with feelings pa na sabi ni Jerome, kaya napatawa nya si Jane ng bahagya.
E di para naman sinasagot ko na sya non, e hindi pa nga ako pwede ng boyfriend diba, next year pa kapag 21 na ko.
Naku naman Jane, napaka lame naman ng reasoning mo, sa totoo lang sa ngayon boyfriend mo na talaga si Jeron, ayaw mo lang aminin sa sarili mo, technically yang promise mo sa sarili mo at sa parents mo na hindi ka mag boyfriend kaagad e matagal mo nang nabali simula ng papasukin mo sa buhay mo si Jeron.
Saglit na pinag isipan ni Jane ang sinabi ni Jerome, at bago pa sya makasagot nag ring na ang cellphone nya.
Hello - masayang sagot ni Jane sa tawag ni Jeron.
Sorry ngayon ko lang nabasa mga text at missed calls mo, na lowbat ako e - apologetic na sabi ni Jeron.
Okay lang, medyo ng worry lang ako sayo kase diba kanina pang maga dapat natapos ang practice mo - Jane cringed a little sa tono ng pananalita nya, totoo yata yung sinasabi ni Jerome na nagiging clingy na sya.
Ah...ano kase ng mall ako - alanganing sagot ni Jeron
Ah with your teammates - pilit na pinaka casual ni Jane ang boses nya, never syang magiging clingy, nagger at suspetserang girlfriend, never, Jane cringed yet again, she just called herself Jeron's girlfriend.
Marami akong pinamili para kay Simba - napapikit si Jeron dahil sa pagsisinungalin nya at pilit na pag-iwas na magtanong pa si Jane kung sino kasama nya. Kahit ang binata hindi mapunto kung anong meron at mas pinili nya magsinungalin kay Jane kesa sabihin dito ang totoo, ano ba naman ang masama kung si Sandra ang kasama nya kanina, wala naman silang ginawang masama. He really feels guilty, yet his reflex is to tell a lie.
Nahalata ni Jane iyon, pero pinilit nya na wag mag-isip ng masama, she trust Jeron, she reminds herself, kaya marami pa man syang gustong itanong kay Jeron mas pinili nalang nya na sundan ang direksyon ng usapan nila na sinimulan ng binata, she just doesn't want to create unnecessary drama.
Ah talaga? May lakad kaba bukas? Ako kase sa bahay lang, kung libre ka, bukas mo dalhin yung mga pinamili mo.
Sige punta ako sa inyo bukas. First thing in the morning? - patanong na sagot ni Jeron.
Oo bah, walang poblema, hindi naman ako puyat ngayon e, kase rehearsals lang kami, paalam ka sa inyo na hanggang dinner kana sa bahay - gusto talaga ni Jane na bumawi kay Jeron tuwing nagkakaroon sya ng oras.
Wow sige - masiglang magsang-ayon ng binata. I miss you
I miss you too - nakangiting sagot ni Jane, at muntikan pa nyang masabing "I love you" napigilan lang nya ang sarili.
Nang matapos ang usapan ng dalawa halos mapunit na ang pisngi ni Jane sa kangingiti, na agad naman na pinuna ni Jerome.
Asus, inlababo ka talaga dyan sa tsekwa mo, aminin mo na at sabihin mo narin sa kanya ng magkaroon kana ng karapatang itali yun sa saya mo - pang-aasar ni Jerome.
Ngiti lang ang sinagot ni Jane, masyado syang good mood para patulan ang pang-aasar ng kaibigan.
-----------------------------------------------------------------
Kanina pagkadating ni Jeron sa bahay, good mood sya dahil nag enjoy sya ng todo sa company ni Sandra.
Oh wow bro ang saya natin ah - pansin kaagad ni Ahia Jeric sa kapatid. Si Jane ang kasama mo noh.
Nanlaki ang mata ni Jeron nang mabanggit si Jane saka lang nya naalala na maghapon nyang hindi kinontak ang dalaga, dali-dali nyang kinuha ang cellphone nya sa bulsa, at saka mabilis na pumasok sa kuwarto nila ni Jeric ng mapansin nya na empty bat na sya.
Nagtaka nalang na pinanood ni Ahia Jeric ang inakto ng kapatid.
Halos mapamura si Jeron ng mapansin nya marami na syang text, missed calls, at voicemails galing kay Jane.
He really feel guilty na parang nakalimutan nya si Jane dahil lang kasama nya si Sandra, and he felt more guilty nang makausap na nya si Jane, he just lied to Jane, for no valid reason at all. When Jeron ended his call with Jane, nasabutan nalang nya ang sarili dahil sa frustration.
His not doing anything wrong Jeron reminds himself, he just got a new friend, Sandra, that's all and nothing is wrong with having friends.
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
DiversosI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...