Jane is starting to live her dream. Tinanggap ng husto ng mga fans ang bago nyang teleserye, she just became the most in demand showbiz personality, endorsements, guestings, movies, name it nakahain na sa kanya. Pero kasabay nito ang mas kumunting oras nya para kay Jeron.
After a week of missed calls and delayed text replies, Jeron had enough.
Hello po tita - si Mommy Jen na ang tinawagan ni Jeron.
Oh bakit napatawag ka? - takang tanong ni Mommy Jen.
Si Jane po kaya, hindi ko po kase makontak
Naku nakasalang pa sa taping, hayaan mo sasabihin ko na tumawag ka pagkatapos nya.
Wag na po tita I'll just send her a message baka po kase hindi ko rin sya masagot mamaya kung tumawag man, may practice na po kase ako.
Ah ganon ba? Oh sige - sagot nalang ni Mommy Jen.
Ah tita, kailan po ba free time ni Jane? - medyo ng aalangan pang tanong ni Jeron
Bukas wala sya schedule, yayain mo lumabas?
Ah hindi nalang po kase alam ko naman na pagod sya e, pero pwede po ba dumalaw nalang ako sa inyo?
Naku Jeron walang tao bukas sa bahay may mga lakad kami, alam mo naman diba ayaw ng Daddy na pupunta ka sa bahay na walang kasama si Jane.
Medyo nalungkot si Jeron sa nalaman - ah ganon po ba? Si Charlie po sasama nyo?
Napapangiti si Mommy Jane sa tinatakbo ng usapan nila ni Jeron ramdam na ramdam na ang pagiging insistent ng binata na makita si Jane.
Isasama ko sana kase umaga lakad ko walang magbabantay, kase si Jane malamang tanghali na gising non. - malumanay na paliwanag ni Mommy Jen kay Jeron
E tita kung pumunta po kaya ako ng maaga sa inyo tapos iwan nyo po muna sa akin si Charlie habang iniintay namin magising si Jane - pangungulit parin ni Jeron.
Huh sigurado ka?
Opo tita promise hindi ko pababayaan si Charlie.
Pumayag din naman agad si Mommy Jen sa gustong mangyari ni Jeron - cge dapat before nine nasa bahay kana ha
Cge po tita salamat po - bakas na ang saya sa boses ni Jeron.
-----------------------------------------------------------------
Before nine nga kinabukasan nasa bahay na nila Jane si Jeron.
Kuya! - salubong kaagad ni Charlie kay Jeron kasunod ang mga aso ni Jane.
Nakipag high-five si Jeron sa bata at sunod na nilapitan naman ang mga aso para laruin saglit.
Oh Jeron right on time ha - bati ni Mommy Jen kay Jeron.
Good morning po tita
Maupo ka muna
Binuhat ni Jeron si Simba at inakay si Charlie papuntang sofa nila Jane, habang nakasunod sa kanila ang ibang mga aso ni Jane.
Namiss ka nyan - pansin ni Mommy Jane kay Simba na pilit dinidilaan ang mukha ni Jeron.
Ngumiti naman si Jeron bago hinalikan ang nguso ni Simba.
Jeron - panimula ni Mommy Jen. You know the rules bawal ka sa kuwarto dito ka lang sa sala at kusina.
Yes po tita - sagot ni Jeron sabay tango.
May mga ulam na sa ref, initin mo nalang sa microwave mamaya - patuloy na bilin ni Mommy Jen. Marunong kaba mag saing?
Umiling si Jeron sabay ngiti at kamot sa ulo.
Hindi bale si Jane na pag asikasuhin mo sa kusina mamaya, pagising narin naman yun. Yang si Charlie kapag nagutom wag mo bibigyan ng junk food - inakbayan ni Jeron si Charlie para mas lumapit ng upo ang bata sa kanya. May mga tinapay dyan at juices yun ang ibigay mo. Also remind Jane na kailangan matulog ni Charlie mamayang hapon baka panay laro kayo mapagod yan, mananaginip na naman yan sa gabi.
Panay tango lang ang sagot ni Jeron kay Mommy Jen sa maraming bilin nito.
Charlie you behave ha,wag kang pasaway sa Kuya Jeron mo - baling naman ni Mommy Jen sa anak.
Yes! - sagot ni Charlie sabay tango ng malakas at saka lalong sumiksik sa tabi ni Jeron
-----------------------------------------------------------------
Kuya what are you doing? Tanong ni Charlie kay Jeron na kanina pa may binabasang kung ano sa cellphone nito. Habang nasa kitchen table sila at nasa harapan nila ang rice cooker.
I'm trying to cook - serysoso paring sagot ni Jeron. Gusto kase ni Jeron na pagkagising ni Jane kakain nalang ito at hindi na mamomoblema sa kusina kaya naisipan nya i-google kung papano mag saing pero kahit na yata may isang dosena na syang site na nabasa hindi parin nya malaman kung papano.
But you're not cooking, you're just staring at your phone - sita ni Charlie kay Jeron. Can we just play - hirit pa ng bata.
-----------------------------------------------------------------
Samantala kagigising lang ni Jane na hindi pa masyadong na aalimpungatan, dumiretso ang dalaga sa kusina at ng bukas ng ref na hindi manlang napapansin sina Charlie at Jeron.
Ay!!! - gulat na sabi ni Jane ng magtama na ang mga mata nila ni Jeron.
Cute na ngumiti si Jeron kay Jane sabay kaway ng bahagya.
Anong ginagawa mo dito? - Takang tanong ni Jane kay Jeron. Anong ginagawa nyo dito? - Nang mapansin nya na nandon din si Charlie. Diba dapat kasama ka ni Mommy? Habang nakaturo si Jane kay Charlie.
Ah nagsasaing? - patanong na sagot ni Jeron.
Ha...ha...ha, funny - sarcastic na sagot ni Jane kay Jeron. Sabay lapit at upo sa katapat nila Jeron.
Tumingin uli si Jane kay Jeron, this time nakakunot na ang noo ng dalaga. Hindi ba may klase ka? - paninita ni Jane kay Jeron.
Hep - pigil ni Jeron kay Jane. Bago mo ako pagalitan iisa lang klase ko ngayon, walang quiz, recitation, o report - mabilis na paliwanag ng binata.
Pero umabsent kaparin.
Ngayon lang promise hindi na po mauulit.
E bakit kase umabsent kapa.
Kase po isang linggo na tayong walang communication masama bang ma-miss kita at gumawa ng paraan para makita ka? - malambing na sabi ni Jeron sabay kuha sa kamay ni Jane at hinalikan ito.
Eww! - reaksyon ni Charlie sa paglalambing ni Jeron kay Jane.
Natawa naman ang dalawa sa reaksyon ng bata sabay takip ni Jeron sa mga mata ni Charlie.
Doon kana nga muna - turo ni Jane sa sala nila kay Charlie. Nood ka ng cartoons - dagdag pa nya sa kapatid.
Pagkaalis ni Charlie saka lumapit si Jeron kay Jane at binigyan ng mahigpit na yakap ang dalaga
Sorry ang hectic ng sked ko kase - panimula ni Jane.
Humiwalay nagkaunti si Jeron kay Jane pero hawak parin nya ang dalaga. Hinawakan ang mukha nito, bakas na ang pagod at puyat.
Okay lang I understand, kaya sana wag mo na ako pagalitan, gumagawa lang naman ako ng paraan para magkita tayo e - sabi ni Jeron saka parang batang ng pout.
Natawa naman si Jane sa itsura ni Jeron.
Sobrang miss lang kita talaga kaya ako umabsent - para paring batang nagpapaliwanag si Jeron, ayaw mapagalitan.
Ngiting-ngiti na si Jane sa mga pag papa-cute ni Jeron.
I know, miss narin kita, pero last na to ha, wag kanang umabsent, ayaw ko maging distraction sayo - Jane said in a motherly tone.
Yes po - pa-cute paring sagot ni Jeron
BINABASA MO ANG
EXCLUSIVE BUT NOT DATING
RandomI am bored and Jane and Jeron are all over my social media Let us see if I could make a story inspired by them I don't know them personally and I cannot say I am an avid follower, so for the fans who think my characters are far from the Jane and J...